ELISSA "ISSA!" Bigla kong nabitawan ang mop na hawak dahil sa gulat. Kasalukuyan akong naglilinis sa may terrace sa baba, nagma-mop ng sahig nang marinig ang malakas na pagtawag sa akin ni Ate Selen. Hulog ang isip ko sa pag-iisip and that distraction caused me para bumalik sa realidad. Tarantang agad kong pinulot ang nabitawang mop at tumingin dito. She was approaching me with a sweet smile on her lovely face. "Bakit po, Ate?" blangko ang isip na tanong ko. She was wearing a summer dress. Naka-string bra sa loob, at cycling short na sobrang ikli sa baba. Napapatungan iyon ng see-through na damit. Naka-malaking sombrero rin tapos shades. Kumapit ito sa braso ko. "Tara, samahan mo ulit ako." "Po?" Tumabingi ang mga labi nito sabay hubad ng shades. "Napaka-init dito at nananawa na ak

