Chapter 23

1567 Words

ELISSA . . . . . "IYONG alagang kalabaw ng tatay mo, namatay na. Dahil daw sa sobrang init ng panahon. Nakita na lang daw niya kahapon ng hapon, lupaypay na sa mga damo. Hindi na gumagalaw at humihinga. Kaya hayan ang tatay mo, panay ang mukmok. Kagabi, dumayo pa ng inuman kina Tito Ido mo, hindi niya raw matanggap. Iyak nang iyak. Aba'y mahigit dalawang dekada na niyang kasama si Fernan sa pagsasaka, bago pa lang kaming mag-asawa ay gamit-gamit na niya ito. Parang anak na ang turing niya sa kalabaw niya kaya para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Nawalan na raw siya ng anak, nawala pa siya ng kasa-kasama sa bukid. Hay nako, talagang labis ang pagdadamdam ng tatay mo." Naantig ako sa kuwentong hatid ni Nanay nang tumawag ito. Saksi ako sa pagmamahal na inuukol ni Tatay sa alagang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD