CHAPTER 4

1117 Words
Nang umalis na ang ama ni Darren ay pumikit ako at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil nahihirapan na akong mabuhay araw-araw dahil tanging kay Darren lang umiikot ang aking mundo. Ngayong nasa piling na siya ng iba ay labis akong nasasaktan. Hindi ako makapaniwalang kaya niya akong saktan, alam ko naman kung gaano niya ako kamahal ni minsan ay hindi pumasok sa isip kong humantong ang relasyon namin sa ganito. Mahal na mahal ko siya pero niloko niya lang ako. Hindi ko alam kung paano magsimulang mabuhay araw-araw ngayong wala na ang lalaking dahilan kung bakit pa ako humihinga. Nang naramdaman kong meron pumasok sa kuwarto ko ay pinikit ko ang aking mga mata dahil ayokong makarinig ng kahit na ano mula sa aking mga magulang, nagkunwari na lang akong tulog upang hindi na sila magtatanong pa sa aking kalagayan. Hindi ko na maigalaw ang aking mga paa naramdaman kong medyo matagalan pa bago ako makalakad dahil nabali ang boto sa aking tuhod. Naririnig ko kasing nag-uusap ang aking ama at ang doctor. " "Gregor, paano na ang anak natin? Paano natin ipaliwanag sa kaniya na hindi na siya makakalakad?" "Veronica, relax ka lang, makakalakad pa ang anak natin. Huwag ka lang panghinaan ng loob upang hindi mawalan ng pag-asa ang anak nating makakalakad siyang muli." "Hindi mo maalis sa akin ang mag-aalala para sa anak natin Gregor, kasalanan mo ang lahat dahil wala ka nang oras sa kaniya laging wala ka sa bahay lagi kang nasa out of town." "Veronica, bakit ako ang iyong sinsisi, ikaw ang mommy niya, dapat alam mo kung ano ang nangyayari sa kaniya. Saka hindi ako nagkulang sa inyo ni Sam, alam mo iyon, lahat nang gusto mo ay binigay ko, pera, mga bagay na hinihingi mo sa akin." "Hindi sapat ang materyal na bagay Gregor, kailangan ka namin. Mahirap bang sumabay kang kumain sa amin ni Sam, tuwing umaga? Lagi mo na lang inuuna ang trabaho, nakalimutan mong hindi lang pera mo ang kailangan namin." turan ng ina ko, naramdaman kong hinaplos niya ang aking mukha at pinisil niya ang aking kamay, humagulgol siya nang iyak habang haplos-haplos niya ang aking mukha. "Anak, I'm sorry kung nangyayari ito sa 'yo ha, nandito lang ako Sam, handa akong makinig sa mga problema mo." turan ni mommy sa akin. Narinig kong meron kumatok sa pinto, binuksan ko ang aking mga mata at kitang-kita ko ang magandang babaeng pumasok. Nakita kong nagulat si daddy at nagtataka si mommy dahil hindi niya kilala ang babaeng iyon. "Gregor, I'm sorry kung nandito ako ngayon. Meron lang kasi akong hindi naintindihan sa kontratang pinadala mo sa akin. Ang sabi ng secretary mo ay nandito ka sa ospital." turan ng babae habang nakatitig kay daddy. "Valen, bakit ka nandito? Hindi mo naman kailangang pumunta rito puwede mo naman akong tawagan sa cellphone ko." "Gregor, kanina pa kita tinatawagan pero hindi nag-ring ang cellpone mo. Saka sinabi ng secretary mong nandito ka sa ospital kaya nagmamadali na rin akong pumunta rito. Kumusta na pala ang anak mo?" "Ehem, baka gusto mong sabihin sa kaniya Gregor na ako ang asawa mo?" sarkastikong turan ni mommy kay daddy. Napalunok ng laway si daddy at bumaling siya kay mommy. "Veronica, isa siya sa gustong mag invest sa company, ako kasi ang nagbigay ng kontrata sa kaniya, kaya siguro ako ang gusto niyang makakausap." seryosong turan ni daddy habang nakatitig si mommy sa panauhin. Matamis na ngiti ang binigay niya sa babae at inabot niya ang kaniyang kamay. Tinitigan ng babae ang kamay ni mommy at hindi niya ito tinanggap. "Ikaw pala ang asawa ni Gregor, hindi ako makapaniwalang matanda na pala ang asawa niya." diretsong saad ng babae kay mommy. "Excuse me, baka nakalimutan mong asawa ako ni Gregor at client ka lang niya. Dahan-dahan ka sa tabas ng dila mo nasa harapan ka ng anak ko! Dalhin mo ang babaeng ito sa labas Gregor habang hindi pa lumabas ang sungay ko!" singhal ni mommy kay daddy. "Lumabas ka na muna Valen." saad ni daddy sa babae, tinignan pa nito si mommy mula ulo hanggang paa bago ito tuluyang lumabas. "Baka gusto mong sundan! Hindi ako tanga Gregor, alam kong meron kayong relasyon ng babaeng iyon!" "Mommy, relax lang po kayo. Nandito lang ako." turan ko kay mommy gusto kong gumaan ang loob niya dahil alam kong gusto niya nang sumabog pero pinigilan niya lang ang sarili. "Anak, I'm sorry." saad ni mommy sa akin. "Veronica, wala kaming relasyon ng babaeng iyon, nagsasabi ako ng totoo." "Huwag ngayon Gregor, respeto naman sa situwasyon ngayon ng anak mo. Umalis ka na bago pa lumipad ang kamay ko sa mukha mo!" Nang lumabas na si daddy ay saka na tumulo ang luha ni mommy. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at hinayaan ko siyang humagulhol ng iyak. "Mommy, I love you." "I love you too anak, alam kong babae niya iyon dahil madalas ko na rin silang nakikitang kumakain sa isang restaurant." seryosong turan niya sa akin. Naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. "Bakit napakasama ng mga lalaki mommy? Bakit pinaparamdam nila sa ating mahal nila tayo, tapos sasaktan lang pala sa dulo." "Mapaglaro ang tadhana anak, kailangang matapang tayong harapin ang kasalukuyan. Hindi na natin sila hahayaang saktan tayo nang paulit-ulit. Mag-file ako ng annulment sa mas madaling panahon." wika ni mommy sa akin habang pinupunasan ang sariling luha. "Sigurado po kayo mommy?" "Tama na anak, saka sapat ka na sa akin. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit kumapit pa ako sa marriage namin ng daddy mo. I'm sorry anak, kung sa ganitong situwasyon pa nangyayari ang lahat." "Mommy, huwag po kayong humingi ng sorry sa akin. Wala po kayong kasalanan. Hindi po kayo nagkulang, si daddy ang meron problema hindi ikaw." turan ko sa kaniya. "Salamat anak, sana hindi ka magalit sa akin kung umabot sa ganito ang pagsasama namin ng daddy mo, dito ka muna anak, lalabas lang ako sandali." turan niya sa akin alam kong meron siyang planong kausapin ang babae ni daddy. Kung makatayo lang sana ako ay hindi ko hahayaang makalabas na walang matamong pasa sa katawan ang babaeng iyon. "Okay po mommy." tugon ko sa kaniya at tuluyang lumabas sa kuwarto. Masakit sa akin na makitang ganito ang situwasyon ng pamilya namin. Pareho kami ng situwasyon ni mommy, sinasaktan ng lalaking minahal namin. Ayoko siyang pigilan kung makipaghiwalay siya kay daddy, saka ko na lang napagtantong kaya pala laging wala sa bahay si daddy dahil meron siyang kabit. Pinikit ko na lang ang aking mga mata, at pinilit kong makatulog. Sana panaginip lang ang lahat, para paggising ko ay wala na itong sakit na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD