TAGAKTAK ng pawis ang aking noo nang muli akong nakabalik sa executive floor ng building. Sabay akong napapamura at napapadasal na sana ay hindi niya pa nabubuksan ang ipinasa kong email. “Putragis!” pagmumura kong muli habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina. Inilabas ko rin ang aking cellphone para tawagan at alamin kung alam niya na ba ang aking ginawa. “Kaya ba hindi magaling ang performance niya sa kama ay dahil kulang talaga siya ng practice dahil sa debosyon niya?” pag-uusisa ko bago ko hinanap ang kaniyang numero sa cellphone ko. Tumigil din naman muna ako sa paglalakad saka ko itinapat sa aking tainga ang cellphone. Habang naghihintay na sagutin niya ang aking tawag ay kagat-kagat ko naman ang aking mga kuko sa kamay dahil sa kaba at pangamba. Nalintikan na ako. Sa kapa

