DINUMOG ng mga reporter ang MARIA Corporation matapos kumalat ang balita tungkol kina Yevhen at Clementine. Mabuti na lamang ay to the rescue to Sir Darryl na nag-issue agad ng statement, at mabuti na lang din ay hindi nakigulo si Sir Xavier. “Ganito ba talaga ang mga lalaki? Malambing sa'yo tapos malalaman mo, nakikipaglandian pala sa iba,” maangas kong monologo ko habang pabalik-balik akong naglalakad sa harap ng pintuan ng bahay ni Yevhen. Tumuloy pa rin ako kanina sa pagpunta rito kahit na inis na inis na ako at gusto ko nang pilipitin ang leeg niya. “Magkaibigan lang sila, Masien,” pagpapagaan ko ng aking loob. Ganito pala ang pakiramdam nang mga taong bawal magselos dahil wala namang karapatan. Putragis! Ala-una na nang madaling araw, e, pero wala pa rin si Yevhen. Hindi rin s

