Kabanata 1

1685 Words
NAPAHIYA ako! Mali. Mali. Ipinahiya ako ni Yevhen sa lahat ng mga taong nasa loob ng interview room matapos niya akong pagtawanan. “Bes, kumalma ka.” Inis kong nasabunutan ang aking sarili dahil sa narinig kong payo ni Zemira sa kabilang linya. “Kalma?! Putragis, pare!” maangas kong sigaw saka ako mariing pumikit at huminga ng malalim. Sumandal din ako sa likod ng silya na aking inuupuan saka ko sandaling inilayo ang cellphone ko sa aking tainga. Itinapat ko naman iyon muli sa aking pandinig matapos king huminga nang malalim. Nandito pa rin ako sa labas ng interview room. Inaabangan ko si Yevhen. Sisiguraduhin kong ngayon ay sadya ko na siyang sasapakin. “Nasaaan ka ngayon? Pupuntahan kita.” Her voice sounded in a rush as I heard her daughter cry. Lumambot tuloy ang aking ekpresyon at bigla akong nakonsensiya. Abala na nga siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak tapos dumadagdag pa ako sa alalahanin niya. “Nakakapikon naman kasi talaga 'yang pinsan mo. Hindi pa ako mapatawad-tawad sa nagawa ko, e, talagang hindi ko naman sinasadya.” Pinilit kong maging mahinahon para hindi siya masyadong mag-alala. “Kakausapin ko si Yevhen,” seryoso niyang sagot na mabilis kong tinanggihan. “Huwag na! Gaganti na lang ako bago ako umalis dito,” banggit ko sa aking maitim na balak. Hindi naman pupwede sa akin na palampasin ko lang ang ginawa ng lalaking iyon kanina. “Masien,” pananaway niya gamit ang pagtawag sa aking pangalan. Napangisi naman ako at napatingin sa aking paligid. “Hindi ako uuwi, Zemira,” mariin kong anunsyo habang umiiling. “Hangga't wala akong nakukuhang trabaho, hindi ako magpapakita sa inyo,” determinado ko pang dugtong bago walang paalam kong ibinaba ang tawag. Hindi talaga ako uuwi sa amin dahil kapag nalaman ni Ama na nagsinungaling lang ako ay baka ibigay niya na ako nang tuluyan kay Mark. Putragis! Hindi ko kakayanin iyon! “You like ba talaga ng work?” biglang sabat ng isang ginang na bigla na lamang sumulpot sa aking tabi. Sa pagkakatanda ko ay wala naman siya rito kanina. Napasarap siguro ako ng pagrereklamo kay Zemira kaya hindi ko napansin na naupo siya sa tabi ko. Wala sana akong planong pansinin ang ginang pero dahil sopistikada siya kung manamit at parang nakita ko na siya sa TV noon ay napukaw ang aking interes. May talaga kamukha siya. Hindi ko lang maalala ang pangalan at kung sino. “Hindi ka na ma-sa-sad if bibigyan kita?” dagdag niya pa lalong nagpalalim ng aking kuryosidad. Kumunot tuloy ang aking noo. Sino ba ito? Bakit parang nagtutunong scammer? “Ako po ba ang kausap niyo?” kunwaring pagmamaang-maangan ko habang nakaturo ako sa aking sarili. Putragis! Pinag-ti-trip-an yata ako nito. “Mukha ka namang kind and you’re so pretty, too. Gusto mo ba? I will hire you agad, now na, if you want.” Napapangiwi ako sa paraan ng kaniyang pagsasalita pero pinalampas ko iyon. Mas naintriga kasi ako sa inaalok niyang trabaho sa akin. “Legal po ba iyan, Ma'am?” naniniguro kong tanong bago ako pilit na ngumiti. Kung hindi lang siya mukhang mayaman ay hindi ko siya papatulan. Nagpalinga-linga rin ako sa aming paligid para suriin kung may kasabwat ba siya, ngunit tanging mga abalang aplikante lang ang aking nakita. “All you need to do is to create daily and weekly schedules, set dates for meetings and make a coffee,” she enumerated that made my eyes blink. “Personal assistant ba ang hinahanap niyo?” pag-uusisa ko ulit kasabay nang pagkabuhay ng aking dugo. Unti-unti na akong naniniwala at parang gusto ko nang tanggapin ang trabaho kahit pagtitimpla lang ng kape ang alam kong gawin sa mga binanggit niya. “What's your name?” “Maria Sienna De Dios, Ma'am.” “Oh, I like your name. Maybe it's tadhana!” Tila giliw na giliw siya sa hindi malamang kadahilanan. Hindi ko naman alam ang gagawin kaya ngumiti na lang ako nang pilit at tumango-tango. “Maria, you’ll be the executive secretary of MARIA Corp if you accept the job. The CEO keeps on firing his previous ones kasi.” Malawak na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi, samantalang hindi naman agad ako nakapagsalita pagkatapos ay napanganga pa ako. Magiging secretary ako ng CEO?! Putragis! Makakatakas na nga talaga ako kay Ama at makakapunta pa ako sa lungsod ng Liazarde. “Kailan po ako pwedeng magsimula?” My excitement was seen on how big my grin was. Tumayo pa ako at nagsusuntok sa hangin dahil sa nag-uumapaw kong kaligayahan. Heto na ang sagot sa problema ko! May maipagmamalaki na rin ako sa wakas. “Why are you still here?” biglang tanong ng lalaki sa aking likuran kaya natigil ang aking pagkasabik. Bigla na lang tuloy naningkit ang aking mga mata nang makilala ko ang may-ari nang boses na iyon. It's Yevhen. Mag-isa lang siya at titig na titig sa akin habang papalapit sa pwesto namin ng ginang. Ito na sana ang magandang tiyempo para bigwasan siya pero naisip kong baka makaapekto pa iyon sa bago kong trabaho. Kaya magpasalamat siya at nagbago na ang isip ko. Hindi ko na siya sasapakin, tutal mas mataas naman ang posisyon ko sa kompanya kaysa sa kaniya na pang-Laquiero branch lang. “My son,” the woman suddenly called him as she stood up. Nanlaki naman ang aking mga mata at mabilis na nagpabaling-baling sa kanilang dalawa. “A-anak niyo po siya?!” nauutal ngunit malakas kong tanong pagkatapos ay itinuro ko pa si Yevhen para makasigurado. Nalaglag ang aking panga nang tumango at ngumiti ang ginang. Putragis! “You should be in your office. I already said na ako ang magse-search ng bago mong secretary, right?” Nagbesohan silang dalawa sa aking harapan saka ko unti-unting napagtanto ang lahat. “I-ikaw ang CEO ng MARIA?!” Natampal ko ang aking noo. Sinaway niya naman ako saka siya tumingin sa paligid. Pinagtitinginan pala kami ng mga aplikante kaya bigla kong itinikom ang aking bibig at napamura na lang ako sa aking isip. Putragis! Siya ang magiging boss ko?! “Let’s go, Mom,” pag-aaya niya sa kaniyang ina na hinawakan niya ang kamay. Pinitigil naman siya nito. “Wait, Yevhen. This is Masien De Dios, your new secretary,” his mother said before she moved closer to me. Nginitian ko naman siya para magpakilala muli. Wala nang atrasan. Papatusin ko nang trabaho na ito kahit siya ang magiging amo ko kaysa naman matali ako sa isang lalaki at matuluyan na akong hindi makapambabae. “I don’t like her,” he instantly said while he was looking at me. Tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa kaya awtomatikong inayos ko ang aking tindig. “Ano ba'ng mali sa'kin, ha?!” hindi ko napigilang paninigaw bago ako bumaling sa kaniyang ina upang humingi ng tulong na kaagad ko namang natanggap. “Listen to me, son. Your enemies and your grandfather is being suspicious of you. Kailangan natin ng kakampi.” His mother lectured him. Nanahimik tuloy siya at tila nag-iisip. Kumunot naman ang aking noo. Para kasing may naaamoy akong paparating na mabango at masarap tsismis. “But why her—him— damn it! Marami na akong problema, idagdag ko pa ang pronoun niya,” iritable niyang pahayag pagkatapos ay matalim niya akong inirapan kaya dismayado akong napanganga. “Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng discrimination? May ninong akong judge sa kapitolyo!” pag-aamok ko naman ngunit nang maalala kong nasa tabi ko nga pala ang kaniyang ina ay bigla akong huminahon at ngumiti na lang kahit labag sa loob ko. “Suspicions might decrease if I have a woman. Hindi ka naman babae,” paliwanag niya na lalo kong ikinataka. Mas ginaganahan tuloy akong makapasok bilang sekretarya niya dahil kung saan may tsimis, doon ako sasaya. “Babae ako!” malakas kong salaysay na sa aking tanang buhay ay hindi ko na-imagine na sasabihin ko. “At bilang sekretarya mo, handa akong paglingkuran, bantayan at protektahan ka,” pagmamayabang ko pa bago ko ipinakita sa kaniya ang pinatigas kong braso. “Bravo! We, humans need each other to survive,” proud na proud na salaysay ni Ma'am na ikinabigla ko nang malaman ko na kung sino siya at kung saan ko siya nakita. “Esmeralda Mercado?!” malakas kong sambit kaya nagkagulatan kaming dalawa. “Yes, I am,” malumanay niyang sagot kaya nalaglag ang aking panga. “Ms. Universe Philippines 1997?” manghang-mangha ko pa ring tanong at nang tumango siya ay nagtatalon ako sa tuwa at wala sa oras na nayakap ko pa siya. Putragis! Akalain mo nga naman. Si Esmeralda Mercado pala ang ina ni Yevhen?! “Idol na idol kayo ng nanay ko, Ma'am. Nakamatayan niya na nga 'yong pagme-memorize sa winning answer niyo noon,” masaya kong pakukwento na pinutol lang ni Yevhen. “Enough with your fangirling—fanboying or whatever. Do you really want to be my secretary?” May paghahamon sa kaniyang boses bago niya hinuli ang aking paningin. “Sir, yes, Sir!” Mabilis akong sumaludo sa pag-aasam na tatanggapin niya na ako. “Then change the way you dress. I like pretty and sexy girls, Miss Maria,” nakangisi niyang anunsyo kaya natuod ako sa aking pwesto. “Sandali lang. Oo, babae ako! Pero bakit kailangan ko pang baguhin ang sarili ko? Ayos naman 'tong style ko,” kontra ko bago ako tumingin sa kaniyang ina na tila ayaw akong kampihan. “Take my offer or be married with a man,” he muttered which left me with no choice. “Magkano ang suswelduhin ko?” pag-uusisa ko upang tantiyahin kung kaya kong gampanan ang pagiging sekretarya niya base sa halagang kaniyang ibibigay. Hindi niya naman ako sinagot at iritable lang siyang nagbuntonghininga bago niya kinausap si Ma'am Esmeralda. “Mommy, please guide her. Formal tops and skirts will do. She also needs to wear high-heeled shoes and a long black wig,” he declared while he was studying my body. Mariin tuloy akong napalunok at kinilabutan. P-putang ina. . . A-ano raw?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD