"Peach!" Tawag ko sa anak ko na limang taong gulang na. Nasa playroom niya ito kasama ang mga kapatid at pinsan niyang si Grape at Orange. May narinig kasi akong umiiyak mula sa taas. "Mom!" Balik na sigaw nito, mukhang naiirita dahil sa pagtawag ko. Malditang bata rin, sa akin nga raw nagmana. Lumalaki si Peach na lalong nagiging kamukha ko, iyong kapatid niya naman na si Yellow Leandro naman parang carbon copy ng Daddy nila, para talaga silang pinagbiyak na bunga, si Yellow ay 3 years old na. Si Gray naman ang pangatlo namin, 2 years old lang ito at medyo malikot na rin nakikisabay na sa mga Ate niya, ito naman ay halong mukha namin ni Andro pero mas hawig sa ama. Si Indigo Zandro naman, ito raw ang mas hawig ko pero mayroon pa ring hawig kay Andro, 1 year old lang ito at kasama ito

