"Are you okay?" Tanong sa akin ni Benedict pagkabalik ko sa table namin. "Yeah, medyo sumama lang iyong pakiramdam ko, don't worry about me, I'm okay na," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Gusto mo ba umuwi na tayo?" Tanong sa akin ni Crisler. "I'm okay, nakakahiya naman, later na lang," sagot ko naman sa kaniya. Bumuntong hininga muna siya bago tumango sa akin. Nilibot ko naman ang paningin ko sa loob nang venue. Napaiwas agad ako nang tingin nang makita ko si Andro at Betty Girl na magkasama sila. Mayamaya ay umalis na rin si Benedict sa table namin kasi tinawag ito nang Daddy niya. Si Crisler naman ay umalis din dahil tinawag ni Daddy, kaming tatlo na lang ang naiwan sa table. Pasulyap-sulyap din ako kay Andro. Walang emosyon iyong mukha niya, ngingiti lang siya pero kaunti lang

