"Saan ko ito ilalagay?" Tanong sa akin ni Andro habang hawak niya iyong malaking teddy bear. Sa akin iyong teddy bear na iyon, nasa storage room lang namin nakatambak iyon. Nang makita ko na okay pa iyon ay kinuha ko iyon tapos pinalinis ko para ilagay rito sa kuwarto ni Baby. "Diyan lang," turo ko roon sa may gilid sa tabi nang medyo may kalakihang tent. Inaayos namin ang mga gamit sa loob nang room ni Baby. May mga poster na naman na nakadikit doon kaya ayos na rin. Iyong crib ay hinihintay na lang namin dumating para ma set-up na at matapos na namin ang pag-aayos. Nakaupo lang ako sa isang sofa rito sa loob nang room. Naiisip ko nga noong nakita ko itong sofa na ito ay nakaupo ako rito habang pinapadede ko si Baby. I think kailangan ko na mag-isip nang name para sa baby, ngayon

