Medyo naging maayos na ang lahat sa amin ni Corrine. Noong una ay halos ayaw niyang umalis sa hospital pero mabuti na lang ay nakinig din siya sa akin. At napauwi siya. Iyon nga lang ay hindi raw talaga maganda ang kalagayan ni Corrine. Lagi daw itong umiiyak, minsan ay nagigising daw ito sa hating gabi at iiyak lang nang iiyak. Minsan naman daw ay nasa kuwarto ito nang anak namin tapos tulala roon habang umiiyak. Sabi nang doctor ay kailangan niya lang gabayan talaga ngayon kaya naman hangga't kaya ko ay ginagawa ko iyon. Kung hindi lang ako nahihiya sa pamilya ni Corrine ay baka roon na rin ako matulog sa kanila para lang mabantayan si Corrine. Tinupad ko rin sa kaniya ang pangako ko na araw-araw namin dadalawin ang anak namin sa hospital. Iyong kaso naman ay nagsimula na rin, maganda n

