Chapter 3

1020 Words
LIAM MYLES PASCUA Sinugod agad nila ako ng mga tanong pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila. "Liam sino yun, ang ganda ha" agad naman na tanong ni Samuel isa mga waiter. "Jowa mo ba yun? Mukhang jackpot ka dun bro. Mukhang Yayamanin!" Saad ni Joel isa rin sa mga waiter. "Ba't naman di mo pinakilala sa amin" dagdag naman ni CJ na mukhang interesado kay Ruby Jane. Pangalan pa lang kasi sosyal na. "Naka move on ka na ba kay T-.." itatanong sana ni Nick pero hindi na nya natuloy ng tinitigan ko sya ng masama, agad naman silang natahimik. "Gago ka bro bakit mo sinisingit si Th-" "Isa ka pa eh" naasar kong tinitigan si Joel, muntik pang kumpletuhin yung pangalan eh alam naman nilang ayaw ko ng marinig yung pangalan ng ex girlfriend ko. "Una sya si Ruby Jane Jimenez nakabungguan ko lang kahapon at ang nakapulot sa cellphone ko. Pangalawa hindi ko sya jowa, pangatlo hindi ko rin sya friend para ipakilala sya sa inyo baka isipin pa nung feeling close ako at ang pang huli ay ayoko ng pag usapan si ex" saad ko at saglit na tinitigan si Nick at Joel. Ang isa rin kasi sa pinaka ayaw ko ay ang pag usapan ang tungkol sa ex ko kaya ganoon nalang ang naging reaction ko nung muntikang banggitin ni Nick at Joel ang pangalan nya. Naging magkakaibigan na rin kasi kami dito kaya alam nila ang past relationship ko, without s yan ha, eh sa iisa lang ex ko eh. Magsasalita pa sana ako ng biglang may humila sa akin patalikod pagtingin ko ay walang iba kundi ang pandak kung kaibigan na si Jace. "Hello ma friends!" bati nya sa apat "Jace Annyeong! Liam balik na kami sa post namin" pagpapaalam nilang apat at isa-isa silang nag alisan. Guilty ang mga put*h. Muntik pa kasing masingit yung most hated topic ko. "Liam Kamusta na pala kapatid mo, pasensya ka na nasira kasi phone ko kahapon kaya di mo ko macontact" agad namang pagpapaliwanag ng kaibigan ko. "Jace ayos na sya nagpapahinga lang sa bahay." natatawa kong tugon. "Buti naman. Sya nga pala Liam, malapit na pasukan nakabili ka na ba ng gagamitin nyong magkapatid" dagdag na tanong nito. Ayun muntik ko nang makalimutan. Iskolar pala ako sa Jimenez University, isang pribadong eskwelahan kung saan pumapasok din sina Jace, Roseanne at Bry. Ito na rin ang huli naming taon sa kolehiyo at kaming apat ay maggragaraduate sa Kursong Business Ad. Dapat ay graduate na si Jace dahil nauna sya sa amin ng dalawang taon pero dahil nakahiligan nyang magtravel ay nagstop sya ng 2 years. Biniro ko pa nga ito noon na baka sinadya nyang magpahuli para lang maging kaklase nya si Roseanne at pagkatapos nun namula sya na parang kamatis. May gusto kasi sya kay Roseanne noong freshmen pa at sa tingin ko ay ganoon din yung isa pero sadyang torpe talaga tong kaibigan ko kaya walang progress sa kanila. "Kung di ka pa nakakabili dinala ko na yung mga sobrang nabili ko kahapon. Napadami kasi kami ng biniling gamit ng pinsan ko eh. Halos kunin nya lahat ng matipuhan nya kesyo daw cute o kaya naman maganda yung design eh hindi naman sya yung gagamit." Naiiling at natatawa nitong sabi. Napatawa nalang din ako sa sinabi nito, baka babae ang pinsan nito. "Bro hindi naman na kailangan eh" sagot ko sa kanya at tinignan nya ako ng may pagtataka. "Kung hindi mo kukunin eh baka walang gumamit nun at isa pa mag Fifirst year college na ang kapatid mo mas mapapakinabangan nya yun" "Isa rin yun sa iniisip ko Bro. gusto kong ipaghome schooling nalang sya pag may pera na ako dahil baka mas lalong lumala ang kondisyon nya" "Sigurado ka ba Liam, kausapin mo muna sya tungkol dyan dahil pag ako ang tatanungin mas gugustuhin ko paring mag-aral sa isang eskwelahan. Nandito naman kami nila Bry at Roseanne na handang tumulong at umalalay sayo at sa kapatid mo" saad nya at tinapik ang balikat ko. "Maraming Salamat Jace" pagpapasalamat ko dito. Mayaman ang tatlo kong kaibigan sila, Jace, Bry at Anne at napapabilang naman ako sa mga taong kapos palad. Pero nagpapasalamat ako sa tatlo na kahit sa ganito ang estado ko ay kinaibigan pa rin nila ako at palaging tumutulong sa amin ng kapatid ko. Dahil sa kukunte na din lang ang mga customer eh nagkaroon pa kami ng ilang oras para makapag usap tinanong din nya kung napadalaw si Anne at sakto namang dumaan siya sa harapan namin namula naman bigla itong kaibagan ko. "Hinahanap mo ako?" Tanong ni Anne. "Uhmm, ehe may pupuntahan ka yata" nahihiyang saad ni Jace, napakamahiyain nya kasi sa harap ni Roseanne pero sa katunayan wala namang hiya to. Tumango si Roseanne at agad namang nagprisenta itong katabi ko na sya na daw ang maghahatid. Sana naman pagkatapos ng araw na ito eh magkaprogress na sila. Pagkatapos ng shift ko dito sa coffee shop ay tinawagan ko ang kapatid ko para kamustahin ang lagay nito at sinabihang wag na akong hintayin dahil siguradong gagabihin ako. Dediretso kasi ako sa Bar na pagmamay ari ni Bry. Ipinasok nya akong Bartender kaya laking pasasalamat ko sa kanya dahil dagdag kita din yun malapit na rin ang pasukan kaya mas kailangan kung mag doble kayod para makapag ipon-ipon para narin sa mga gamot ng kapatid ko. ******** Pagkatapos ng nakakapagod na gabi ay sa wakas natapos na rin ang trabaho ko. Naglalakad na ako pauwi nang may maramdaman akong tila may sumusunod sa akin. Tumingin ako sa likod upang tignan kung meron man sumusunod sa akin ngunit wala akong nakita. Bwesit, may multo ba? Bigla tuloy nanlamig ang katawan ko. Binilisan ko nalang ang paglalakad at sa wakas ay nakauwi naman ako ng ligtas. May nakita rin akong school supplies sa sala. Nagtaka ako kung saan galing yun at naalala ko yung sinabi ni Jace na idadaan nya yung mga sobrang nabili nya. Nag ayos na rin ako ng pantulog at bago ako magpahinga ay chineck ko muna ang kapatid ko at nakita ko naman itong natutulog ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD