Pabagsak akong naupo sa malaking sofa na naririto sa opisina ni Titus. Pinagkros ko ang mga binti at isinandal ang ulo sa sofa. "That was satisfying as hell," saad ko. Walang reaksyong naupo si Titus sa swivel chair niya saka dumampot ng folder. "And stressing, Anastasia." "Yes and sigurado akong hindi siya basta na lang mananahimik. He's so predictable. Malamang na lalapit siya kay Lolo at hahabi na naman ng kasinungalingan," saad ko. But it doesn't threaten me. Kahit na lumapit siya kay Lolo o kay Dad. Hindi niya ako mapapaalis sa puwesto. I am not just the C.O.O. I am also part of the shareholders. It'll be difficult for him to kick me out. Well, unless kung gagawin niya ang taktikang ginawa niya noon kay Mom. Pwede ring ipapatay niya ako ulit. "Don't underestimate him. Predators a

