I remained silent. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanya. Tahimik lang akong kumalas ng yakap at bumalik sa tent. He didn't say anything afterwards. Tahimik niya lang din akong sinundan. Nadatnan ko si Titus na nasa labas na. "I'm heading back to my suite," tipid kong paalam. Saglit na sumulyap si Titus kay Luhence na kasunod ko bago walang sabi na tumango. Maglalakad na sana ko paalis nang sumulpot si Zion. "I'll take you home," kaswal niyang saad. "Okay—" Naputol ang sasabihin ko nang marahan akong hilain ni Luhence. Napatanga na naman ako sa pinaggagawa niya. "I'll take her home. Tabi." Umawang ang mga labi ko. I really can't believe this man! "What are you two?" tanong ni Rylee. Nandiyan pala siya. Akala ko kinain na ng buhangin. Hindi siya pinansin ni Luhence. Hin

