CHAPTER ONE

1130 Words
Nakapangalumbaba ako dahil sa sobrang pagkabagot. Malapit na ang 18th birthday pero marami pa rin akong hindi nagagawa sa buhay ko. I can’t do it because I am stuck in this mansion. Kabisado ko na yata ang buong sulok ng mansyon namin dahil wala naman akong ibang pinupuntahan bukod dito at sa mga party. I was homeschooled kaya hindi ko rin nasubukan ang pumasok sa totoong school. All of this happened because of my overprotective father and determined enemies. “Luna,” tawag ko. Luna is my personal maid. Actually, more than that. Parang kaibigan ko na rin siya, nakakatandaang kapatid, at ina. Minsan ko lang kasing makita si Mom. Para itong kabute na susulpot at mawawala rin. “Hmm?” Nakatuon siya sa pagtutupi ng mga damit ko. “I’m bored,” mahina kong saad. “Bawal kang lumabas, Anastasia. Mahigpit na utos iyon ng daddy mo,” wika niya. Napabuga ako ng hangin. “Magde-debut na ako pero hindi ko pa rin nagagawa lahat ng dapat kong magawa. When can I leave this place and be independent?” “Anastasia, alam mo naman kung bakit, hindi ba?” Lumapit siya sa akin matapos niyang magtupi. Sinuklay niya ang mahaba kong buhok. “Hangga’t hindi nahuhuli ang kaaway ninyo, hindi ka talaga papayagan ng daddy mo.” “What about Titus? He’s free to go in and out the mansion tapos ako hindi? Why? Ako ba ang target ng mga kaaway na sinasabi nila?” nagtatampong pahayag ko. Lumamlam ang mga mata niya. Hinaplos niya ang buhok ko saka naupo sa free space ng cleopatra chair na inuupuan ko. “Iba ang kuya mo, Anastasia. Kaya niyang protektahan ang sarili niya. At isa pa, siya na ang CEO ng kompanya ninyo. Hindi naman pwedeng dito lang siya. Malayo ang Zambales sa kompanya,” paliwanag niya. Lalo lang umalma ang sarili ko. “Kaya ko rin namang protektahan ang sarili ko, Luna!” Napapikit siya nang mariin na para bang hindi niya na alam ang sasabihin sa akin para maintindihan ko. Well, hindi ko talaga maintindihan kaya kailangan niyang ipaliwanag. “Alam kong kaya mo, pero advanced ang kagamitan nila. Anong magagawa ng self-defense kung baril ang gamit nila? Makinig ka na lang sa ’kin, ha? Darating din ang araw na papayagan ka nilang maging indepent, hmm?” malumanay niyang paliwanag. “But I’m still bored. Gusto kong pumunta sa Paradise. Nandiyan ba si Dad?” tanong ko. Tumango siya saka tumayo matapos matirintas ang buhok ko. “Nasa opisina si Sir kausap ang lolo mo.” Good! Tumayo ako. Napatingin naman si Luna sa ’kin. “Saan ka pupunta?” takang tanong niya. “Magpapaalam. Sa Paradise muna ako,” sagot ko. Naglakad ako palabas ng kuwarto. Nakasunod naman siya sa akin. “Anastasia! Kakasabi ko lang na kausap ni Sir ang lolo mo,” saway niya. I turned around to face her. “Pati ba naman sa sarili kong isla, bawal na rin?” Napabuntonghininga na lang siya at hindi na nagsalita. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang office ni Dad. Hindi na ako kumatok at dumeretso. “Makinig ka sa ’kin, Klane! Gusto mo bang mangyari sa anak mo ang nangyari sa kapatid mo?” Napahinto ako nang marinig ang galit na boses ni Lolo. “Hindi mangyayari kay Anastasia ang nangyari kay—” Napahinto si Dad nang makita ko. Tumalim ang mga mata niya sa ’kin. I think, this was a bad idea. “Anastasia! I told you to always knock before going in!” “I’m sorry. Pero ano pong pinag-uusapan ninyo—” Pinutol ni Dad ang sasabihin ko. “You’re out of it. Anong ginagawa mo rito? Nag-uusap kami ng lolo mo.” Hindi ko na pinagpilitan pa ang tanong ko. “Magpapaalam po sana akong pumunta sa Paradise.” “Why?” istriktong tanong ni Dad. “I . . . ahmm . . . bored?” alangan kong sagot. “You barged inside just for that?” Nanliit ang mga mata ni Dad. Tumango ako. “It’s a no. Bumalik ka na sa kuwarto mo.” “Dad! Lagi na lang akong nasa mansyon. Can I at least visit my own island?” protesta ko. “You’re the heiress but I am your father, Anastasia. Hindi ligtas sa isla. Listen to your father and go back to your room,” mariing utos niya. Kumuyom ang mga kamay ko. I just want to unwind in Paradise. Papayag naman akong may bodyguard, eh. How long will I stay in here? They didn’t even send me to real school. I am here all my life. Gusto nila akong ligtas but they can’t even ask how I was and take care of me. Si Luna lang lagi ang nandiyan para sa ’kin. Nagtagis ang mga ngipin ko para pigilan ang sarili na maglabas ng hinaing. Walang salitang tinalikuran ko sila at lumabas ng kuwarto. Naabutan ko si Luna sa labas ng kuwarto at malamlam na nakatingin sa ’kin. She went closer to caress my back. “Nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita ng makakain,” saad niya. Would they start to ask me how I am if I start disobeying them? Magagawa na ba naming kumain nang kompleto sa hapagkainan kapag may nangyari na sa ’kin? Would Mom go home to take care of me if I hurt myself? Would my disobedience will threaten them just to see what was wrong? Humarap ako kay Luna. “Yes, kakain ako sa kuwarto. Maaga akong matutulog.” Ngumiti siya sa ’kin. “Sige. Ipaghahanda na kita. Hintayin mo ’ko sa kuwarto, hmm?” Tumango na lang ako at naglakad pabalik sa kuwarto ko. Pagkatapos kong kumain, maaga akong nahiga at nagpaiwan doon. Naghintay akong dumating ang alas-dose ng gabi bago tumayo at nag-ayos. Ginamit ko ang cell phone sa paghahanap ng masasakyan papunta sa Paradise. Luckily, there’s a thing called Uber na masasakyan ko. May bangka kami na magdadala sa ’kin sa mismong isla. I don’t care if they will tell my father about this. That’s the plan actually. May two-storey house na nakatayo sa malaking isla na iyon. Doon ako tutuloy. Isinuot ko ang hoodie at face mask bago ako walang ingay na lumabas ng kuwarto. Thankfully, I managed to leave that big-ass mansion using the back gate nang walang nakakaalam. Naghihintay na sa ’kin ang Uber na sasakyan ko. I don’t care if they die out of panic. I wanna show them that I am not a little kid anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD