IT'S BEEN A WEEK since I last saw him. Wala akong natanggap na kahit anong text mula sa kanya. Hindi tulad noon na tadtad ang inbox ko lalo na kapag wala siya sa tabi ko. Bumalik sa normal ang buhay ko tulad nang gusto kong mangyari. Ngunit para pa ring may mali. Para bang may hinahanap ako. “You're spacing out." Nagising ang diwa kong tinangay ng pag-iisip. Nilingon ko si Zion na nakatanaw sa akin. Bored na bored ang mukha. “I'm not,” pagtanggi ko kahit huling-huli na. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. “I bet you didn't even hear what I am saying," saad niya. Nagbaba na lang ako ng tingin. Hindi na ako nag-deny. Tama siya, eh. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. “Marami lang akong iniisip," pagdadahilan ko. “Like?" Sinulyapan ko siya. "Kelan ka pa naging tsismoso?" pagta

