Jonga's POV: Mabilis kaming naglalakad ngayon papunta sa underground facility nitong laboratoryo. Kasunod ko ang mga bata na kasama ko ring magtatago. Hindi sila pwedeng makita dahil paniguradong kukunin sila. Delikado sila kapag napasakamay ng IHU. Ayaw ko 'yong mangyari at sisikapin kong maging ligtas ang mga bata maging lahat kami. Sila Cosmo naman ay nagsuot lamang ng disguise. Madali lang naman nila iyong malulusutan hindi gaya ko dahil malaki ang aking katawan at kahit magbihis babae ay hindi kapani-paniwala sa unang tingin. Masyado akong matangkad at brusko ang katawan kung magpapanggap ako bilang babae. "We are here," sabi ni Kurin at tumigil sa women's bathroom. "Huh? You mean inside the bathroom?" takang tanong ko. "Yes," nakangising sagot niya. Tahimik lamang ang mga

