Jonga's POV: Natatanaw ko na ang isla mula rito. Pero bakit ganoon? Parang wala namang tao? Maganda ang isla at mayaman sa likas na yaman. Malaki ang isla ngunit mukhang hindi iyon tinitirahan. Sana ay ro'n na nga ang sinasabi nilang safe place. Kailangan ko na makahanap ng tutulong sa akin sa paghahanap ng mga kapatid ko. Maging si tatay sa langit, paniguradong nag-aalala na rin. Hindi ko pababayaan ang mga kapatid. Naglayag pa kami papunta sa isla. Nang malapit na kami sa tabing-dagat ay pinatay na namin ni Chog ang makina at inayos ang hagdan na bababaan. Hindi pa rin ako makatingin ng deretso kay Cosmo. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko sa kaniya kanina. Baka isipin niyang m******s ako! Hindi naman ako ganoong tao. Hindi ko lang talaga alam. Bakit kasi hindi nila sinabi sa akin? Hi

