Jonga's POV: "Batangas na ba ito? Bakit parang mapuno? Sadya bang ganito rito? Ngayon lang kasi ako nakapunta rito," takang tanong ko. "Hoy Jonga, magtaka ka kung walang halaman dito! Nasa probinsya tayo kaya mapuno, magtaka ka kung may building dito na nakatayo! Tatanong ayaw ayusin, tsk. Ano ba 'yan," badtrip na sagot sa akin ni Cosmo. Napangiwi naman ako at lumayo kay Cosmo. Anong mayroon sa babaeng iyan? Parang ang init ng ulo ngayong araw ah. Baka masama ang gising o iniputan ng ibon sa ulo kaya ang wild. "Bakit badtrip iyon Vita? Wala naman akong ginagawa sa kaniya," pabulong na tanong ko. Nasa gilid ko si Vita at may hawak na baril. Ang angas ng isang itong tingnan, parang isang amazona na dyosa. Hindi ko nga rin alam kung bakit sa ginanda ni Vita eh hindi ko siya type. Badi

