Jonga's POV: "Ibig sabihin ay she is your girlfriend? Hindi naman ako magjujudge pero parang mas barako pa siya sa 'yo," sabi nitong si Jessica. "Nah, alam kong barako talaga iyan si Cosmo. Kahit kaya pa niyan akong ibalibag na kaya naman talaga niya eh sobrang mahal ko iyan. Support ka na lang li'l sis. Huwag kang basher at bitter," sabi ko at ngumisi. "How did you know na I am younger?" tanong ni Jessica. "Hula ko lang. Mas mukha akong matanda ng konti eh," sagot ko at hinabol si Cosmo na umakyat sa hagdan. Tumakbo si Cosmo papasok sa may taas at pabalibag na isinarado ang pinto. Nang sinubukan kong buksan ito ay nakalock sa loob. Hay, mukhang nagselos si Cosmo. War na naman kami nito. Bakit pala siya lumabas kaagad? Hindi ba at nagpapagaling pa siya? Nag-aalala na naman ako s

