Jonga's POV: "Retreat! Tumakas na tayo! Masyado silang marami!" sigaw ni Frabulah. Tumakbo na ako habang buhat pa rin si Cosmo na parang sako. Sumisigaw ito at sinasabihan akong bilisan pa ang pagtakbo. "Jonga, ilag! May paparating na granada!" sigaw ni Cosmo kaya napamura ako. Napatingin naman ako sa likod at ganoon na lang ang mura ko. May granadang paparating sa direksyon namin ni Cosmo kaya tumakbo ako sa ibang direksyon. Sa malas namin ay nang sumabog ang granada, nilipad pa rin kami dahil sa lakas ng impact. Pareho kaming umiinda ni Cosmo sa sakit nang pagkakabagsak namin. "Tang ina, ang sakit! Tatanggalan ko ng buhok iyang Clarice at Opra na iyan! Sumusobra na eh!" inis na sigaw ni Cosmo. Inilalayan ko na tumayo si madam at mabilis kaming tumakbo. May nakita naman kamin

