"Dahil sa pagod ni Papa sa mag hapong trabaho at pag tulong narin para sa ginanap na Party ni Cade kagabi, bandang hating Gabi ay naidlip si Papa sa Kubo sa likos nang Mansyon nang mga Salvatore, nang Bigla nalang syang puntahan Doon nang mga tauhan ni Senyora at walang awa na binugbog." Napaiyak nalang si Av sa mga nalaman, habang nagpapakasarap Pala sya sa piling ni Cade kagabi ay nasa bingit na Pala nang kamàtayan Ang Buhay nang kanyang Papa.
'napaka hayp mo Senyora!' himutok nya sa kanyang loob.
"Pareho Kasi nang damit ni Papa Ang lalaking Nakita nilang pumasok sa Kwarto Nina Senyora, at nawawala raw Ang ilang alahas nito, Kaya si Papa agad ang pinagbintangan, Buti nalang nalaman kaagad ni Senyor Hernan at pinatigil Ang mga nambugnog Kay Papa at agad din nahatid sa hospital " napahilamos nalang sya nang palad sa kanyang Mukha.
"Napakawalang puso talaga ni Senyora, Buti nalang talaga at mabait si Senyora Hernan" matagal nang tauhan bilang magsasaka nang mga Salvatore Ang kanyang Ama, at Ngayon lang nangyari Ang bagay na iyon na alam ni Av na warning na nang Senyora para sa kanya.
Bandang alas dose nang tanghali nang dalawin niya ang Papa nya, di nya mapigilan Ang napaiyak habang pinagmamasdan Ang kalûnos-lûnos na sinapit nang ama.
May oxygen na nakakabit Dito, halos di na ma hitsura Ang Mukha nang kanyang Papa, sa kabilang mata ay may nakapabilog na kulay ube, putok Ang gilid nang labi, may mga pasa Ang Mukha.
Tulalang nag lakad si Av sa gilid nang kalsada, di nya alam kung saan Ang eksaktong pupontahan nya. Kinakain sya nang konsensya dahil sa nangyari sa kanyang Papa.
Napaatras sya nang Bigla ay harangin sya nang puting Van, bumukas iyun at lumabas Ang ilang armadong lalaki, hinawakan Ang kanyang braso dahilan upang mag pumiglas sya.
Nanlaban sya pero di kinaya nang lakas nya Ang lakas nang mga lalaking may hawak sa kanya, natigilan lang sya at parang nawalan nang lakas nang bumokas ang bintana nang front seat at Nakita nyang nakaupo Doon Ang Senyora.
Pikit matang nag patianod nalang sya sa mga may hawak sa kanya.
Huminto sila sa Isang bakanteng building, wari nyay dati iyung factory, may kalayuan sa kanilang Bahay.
"Ano ho bang kailangan nyo Sakin Senyora, bakit kailangan nyo pa Akong dalhin rito" kalmadong Tanong nya rito kahit na gustong gusto na nya itong sugorin at kalmotin Ang maganda ngunit D3monyo nitong Mukha.
"I've warned you already pero nag matigas ka Diba? Tingnan ko lang kung Hanggang saan iyang tapang mo" natigagal Naman sya sa narinig mula rito.
"Hayóp ka! Walang kasalanan Ang Papa ko pero anong ginawa mo" di na nya napigilan pa Ang Galit at na sagot na nya ito.
"Kasalanan mo dahil matigas Ang ulo mo, Kaya damay na Ang pamilya mo. I will do everything just to get rid of you from my son's life" akmang sasampalin sya nito nang sinalag nya Ang kamay nito na lalong nagpagalaiti Dito sa Galit.
"How dare you! Hmm.. whose next Kaya? Your Btch Mama? Or your Sister, mapapakinabangan din iyun nang mga tauhan ko" bumangon Ang kilabot sa kanyang katawan.
"No! Pakiusap tigilan mo na Ang pamilya ko, wag mo nang ituloy Ang binabalak mo Senyora, susundin ko na Po ang gusto mo" halos lumohod na sya sa pagmamakaawa Dito Lalo na at naalala nya ang walang awang ginawa nito sa Papa nya, naiimagine nya Naman Ang gustong nitong ipagawa sa mga tauhan nito sa kanyang Mama at Kapatid.
"Good! But don't you dare tell this to Cade, mag hanap ka nang paraan para layuan ka nang anak ko"
"Don't you dare try to fool me, Im monitoring my son's Cellphone and whereabouts, one lie, one life" Lalo Naman syang kinilabutan sa huling sinabi nito.
matapos Ang pag uusap nila ay isinakay ulit sya sa Van at Basta nalang ibinaba sa tapat nang hospital.
Wala na syang sinayang pang Oras. She texted Cade.
Av:
Let's end this! Mag hiwalay na Tayo, Cade.
Sent
Habang binabasa nya Ang nilalaman nang kanyang txt message ay para namang pinipiga sa subrang sakit Ang kanyang puso.
Wala pang minuto ay tumonog na Ang kanyang Cellphone.
It was Cade Calling, she hung up his call.
Nakailang tawag pa ito, at nakailang end call nadin Ang ginawa nya.
Cade:
What's this Love? Is this a some kind of joke? Will it's not funny..
Please answer my call.
Di nya nireplyan.
Cade calling again and again she declined it.
Cade:
Love? What's happening, is this about what happened to Tatay? I'll talk to mom just stop this nonsense Prank of yours.
Gustong gusto nyang mag paliwanag, gustong gusto nyang bawiin Ang sinabi Dito pero Hindi pwede.
Cade:
Para saan Yun last night kung gaganitohin mo lang din Naman ako.
Pagkauwi nyay nandun na si Cade sa Bahay nila, pero pilit nya itong iniwasan at ipinagtulakan pa palabas nang Bahay nila.
Araw araw ganun Ang senaryo nila, mapa school man o sa kahit saan Lugar, sinusundan at sinusuyo sya ni Cade, na nagpapasakal Naman nang puso nya. God knows how much she wanted to hug him to say sorry. She was about to tell him the truth Kaso natanaw nya di kalayuan Ang tauhan ni Senyora at napansin nya Rin Ang maliit na Bagay na nakakabit sa strap nang bag ni Cade, Duda nyay device iyun.
Makalabas na Ang Papa nya, at nagrerecover na, mahigit dalawang linggo na ring iniiwasan nya si Cade, mahigit Isang linggo na Rin syang umiiyak sa Gabi. Tinatanong na sya nang mama nya kung ano ang problema pero di nya manlang masabi Sabi, pinapàtay sya nang konsensya nya sa nangyari sa Papa nya.
Nataon namang umuwi nang probinsya nila Ang pinsan nyang bakla sa side nang mama nya pero Hindi ito halata dahil sa gwapo nang Mukha nito at manly din ito manoot. Ilang lang silang may alam sa tunay nitong kulay.
Magkasama silang dalawa sa gilid nang plaza nang lapitan sila Bigla ni Cade, kamuntik pang lumadlad Bigla Ang pinsan nya nang makaharap nito si Cade.
"Av, please! Mag usap Naman Tayo oh" pagmamakaawa nito, akmang hahawakan ni Cade Ang kamay nya nang tinabig nya ito.
"Wala na tayong dapat pag usapan pa! Tapos na Tayo" she doesn't know where did she get that strength na Sabihin Ang mga katagang iyun nang diretso Kay Cade.
"What? Ganun lang Yun? Pano Naman Yung nangyari Nung birthday ko" napanganga Naman Ang pinsan nya na para bang naintindihan nito ang sinabi ni Cade. Uminit Ang kanyang magkabilang pisngi. Napasabunot Naman sa Sariling buhok si Cade at frustrated na napatitig sa kanya.
Nagpalingalinga pa sya sa paligid at baka may iBang nakarinig, good thing at abala Naman abg mga tao sa Kani kanilang ginagawa.
"Will! Let's just call it as an experience for me, tsaka please lang din, tigilan mo na kakasunod Sakin, di bagay Sayo. Isa Kang tinitingalang Salvatore habang akoy Isang hamak na anak lang nang magsasaka. I don't love you anymore, Cade." Bahagya itong natulala sa sinabi nya.
"And also, this is Brandon my new boyfriend Kaya tigilan mo na ako" tinitigan sya nang mabuti ni Cade, wariy pinag aaralan Ang kanyang sinabi. Pinanatili Naman nya Ang walang Buhay na ekspresyon nang kanyang Mukha habang tinititigan din ito, pero sa loob loob nyay kinakapos na sya nang hininga sa subrang sikip nang dibdib nya.
Walang salitang tinalikuran sya nito at tumoloy ito sa sasakyan at pinaharurot paalis nang Lugar. Saka namn kumawala Ang kanina pa nya pinipigilang mga luha, nawalan pa nang lakas ang kanyang mga tuhod mabuti nalang at nahawakan sya agad nang pinsan.
"Uy girl! Anong palabas iyun ha" Anya nito pero tumigil narin nang makitang luhaan sya.
Kinuwento nya Dito Ang lahat at iniyak nya lahat nang sakit.
"Hey! Are you okay?" Napapitlag Naman Si Av nang biglang may nag salita mula sa kanyang likuran at nabalik sa kanyang sarili, she's reminiscing that past again. Agad nya namang pinalis Ang luhang di nya namalayang nakatakas na Naman sa kanyang mga mata.
Ganun nalang ang pagkataranta nya nang mapagtanto kung sino Ang Kasama nya sa loob nang tent.
"Are you okay? Namumutla ka ah" agad Naman nyang dinampot ang Isang rolyo nang tissue.
"Ah.. oo Naman Po! O-okay lang ako Cong, ki-kinuha ko lang Po ito" itinaas pa nya nang bahagya Ang hawak at halos mapatid na sa pagmamadali makalabas lang sa tent na Yun.
Nang nakalayo na ay napatingin na sya sa hawak na tissue at Napa buntong hininga.
Pati tissue madamay pa sa issues nya sa Buhay.