Maingay Ang halos buong Santa Nicolas dahil sa ginawang pangangampanya nang mga tumatakbo para manungkolan sa kanilang bayan, ibat iBang klase nang strategy para magpasikat nang sa gayun ay mapili nang taong bayan.
Halos Puno na Ang bawat gilid nang kalsada sa mga tarpaulin pati nga mga ding ding nang Bahay ay may nakadikit na na Mukha nang kanilang manok para sa eleksyon.
Napako Ang kanyang tingin sa Isang tarpaulin, naka puting long sleeve ito na nakatupi Hanggang siko habang ang kamao nito ay nasa tapat nang kanyang Dibdib. Maputi at makinis Ang Balay nito, matangkad, gwapo at higpit sa lahat ito Ang mas pinaka Bata Ang edad sa lahat nang tumatakbo sa kongreso.
Caden Trevor Salvatore for Governor
Ang nakasulat sa ibaba nang picture nito na naka tarpaulin, pinakatitigan nyang mabuti Ang larawan nito.
Gaya nang dati, sa tuwing naalala nya lang ang pangalan at Ang tisoy na Mukha nito ay parang lulundag na Ang puso nya mula sa kanyang dibdib, Lalo na ngayong natitigan nya na ulit ang picture nito.
It's been 8 years since the last day that saw each other, at sa huling araw na iyun ay di pa magandang ala-ala para sa kanya.
She sighed.
Sa tagal nang panahon na namalagi ito sa Maynila ay lalong hinubog nang panahon Ang kagwapohan at kakisigan nito, kahit sa picture palang ay masasabi na nang makakakita Dito na may maganda itong pangangatawan, nag mistula nga itong Modelo sa tarpaulin kesa sa tumatakbong Governor.
Every details of that handsome face ay saulado parin nya, mula sa makakapal na kilay nito, sa matang mapang-akit Lalo na kung ngumiti, sa mahahabang pilikmata, matangos na ilong at perfect curve nang kissable nitong lips pababa sa perpektong panga nito.
Ipinilig nya Ang ulo.
'for Christ sake Av, subrang tagal na noon'
Sakto namang pag lingon nya sa kaliwang ay Ang pag Daan Naman nang sinasakyan nitong kotse na open lang ang likuran nito at Doon nakatayo Ang nakangiti at kumakaway na si Cade Kasama ang mga ka partido nito sa Politika at iBang body guards.
Nag tagpo Ang kanilang mga mata, dangling nawala ang mapang akit na ngiti nito at naging seryoso Ang ekspresyon nang Mukha habang di parin sya hinihiwalayan nang titig, wari nyay tumagos Ang sa kanyang kaluluwa Ang uri nang paninitig nito.
Biglang nanuyo Ang kanyang lalamunan, sumikdo sa mas matinding kaba Ang kanyang dibdib. Kaba Hindi dahil sa takot, kaba na Hindi nya mabigyang pangalan at maipaliwanag.
Hindi na nya natagalan pa Ang uri nang titig nito Kaya nag kusa na syang bumitaw sa titigang iyun.
Nag hagilap nang pwedeng Gawin kahit pa nangangatog na Ang kanyang tuhod dahil sa kaba.
Ang buong Akala nyay Hanggang Doon nalang ang pagkikita nilang dalawa pero Hindi Pala, dahil Ang kasalukoyang Mayor nang kanilang lungsod ay ka partido nito at dahil sa sya Ang napiling sekretarya para rito ay obligasyon nya ring sumama sa bawat pangangampanya nito.
Halos siksikan na Ang mga taong umattend para pakinggan Ang plataporma nang Partido Nina Cade, kanya kanyang salita ang bawat tumatakbo, mga pangako at mabulaklak na salita ang pawang maririnig mo mula sa kanila.
Isa sya na atasang mag bigay nang snacks para sa mga nakaupong nasa entablado, hinamig nya Ang sarili at pilit na Pina normal Ang naghuhuromentado nya na Namang puso.
Maingat na inilapag nya sa harap ni Cade Ang snacks na nakahanda para rito, akmang tatalikod na sya nang Bigla ay hawakan nito ang kanyang kanang kamay dahilan upang maramdaman na Naman nya Ang parang kudlit nang kuryente dahil sa pagkakadaiti nang kanilang balat.
Nanlaki ang kanyang mga mata at di Malaman Ang dapat na Gawin.
"Can you please hand me a tissue, I'm sweating and I forgot my handkerchief" bulong nito sa kanya. Agad Naman syang tumango, good thing at binitawan narin nito ang kanyang kamay.
Napapikit muna nang mariin at napahingang malalim si Av habang nakaharap sa Isang rolyo nang tissue bago ito dinampot.
Naaasiwa si Av dahil sa mga titig ni Cade na wari nya ay para sa kanya, o nagiging assuming lang sya. Sa kada mapagawi Kasi ang tingin nya rito ay nahuhuli nya itong parang nakatitig sa kanya.
Sa huli ay nag tungo nalang sya sa tent kung saan nakalagay Ang lahat nang kanilang kailangan para sa pangangampanyang ito para matigil na Ang kahibangan nya.
Hindi pwedeng magkagusto sya ulit Kay Cade, Lalo na Ngayon, nag mistulang Langit na ito at sya ay lupa lang. Kaunting pagkakamali nya lang ay siguradong masasadlak sya at Ang buong pamilya sa putikan.
FLASHBACK
"You Skànk! Stay away from my son, Ang Isang katulad mong hampaslupa ay di nababagay para sa Isang Gold na katulad nang Anak ko.
Huwag mo nang pangarapin pa si Cade, Isa kalang sa magdadala nang malas sa Anak ko, alam Kong p3ra lang Naman Ang habol mo sa anak ko, Kaya heto! Get this And break up with my son" Sigaw ni Senyora Corazon pagkatapos nitong Sampalin si Av, pagkatapos ay may hinugot ito mula sa nakasukbit na sling bag at pasampal na namang Ibinigay sa kanya, nang tingnan nya ay tseke ito na may nakalagay na Samping libong Piso at may perma na ito nang Senyora.
Maang na napatingin sya Dito habang nag uumpisa nang tumulo ang kanyang mga luha.
"Get that móney and leave my son alone, wag Kang ilusyonada! Hinding Hindi kita matatanggap para sa Cade ko" Singhal ulit nito na nagpahikbi na sa kanya.
"Pasensya na Po Senyora! Pero mahal ko Po si Cade, Hindi ko Po sya kayang iwanan at Hindi Rin Po P3ra ninyo Ang habol ko" humihilbing pangungumbinsi nya rito pero inismiran lamang sya nito.
"Give that fûckn Love of yours sa mga katulad mo" at dinuro duro pa nito ang kanyang ulo.
Iniabot nya pabalik Dito Ang tseke pero Hindi nito kinuha Kaya Naman ay hinulog nya nalang ito sa kanyang paanan, gusto nyang patunayan rito na Mali ito nang iniisip sa kanya. She's not a golddigger.
"Sige! Talagang hinahamon mo ako huh! Tingnan natin kung Hanggang saan iyang pagmamatigas mo kapag dinamay ko na Ang pamilya mo" nanlaki Naman Ang kanyang mga mata dahil sa narinig, walang boses na lumabas habang nag bukas Sara Ang kanyang bibig kasabay Ang pag iling.
"Try me Mariscal! And you will see what I'm talking" nanggagalaiti paring sigaw nito.
"Please Senyora! Maawa ka Po sa Amin, wag mo pong galawin Ang pamilya ko" nakaluhod na nyang Anya rito.
"Please Po! Hayaan nyo nalang Po Akong mahalin si Cade" Isang sampal na Naman sa kabilang pisngi Ang natanggap nya dahilan nang pag putok nang gilid nang kanyang labi, nalasahan nya Ang Sariling dugo, namamanhid Ang magkabilang pisngi pero Wala nang mas sasakit pa sa kanyang nararamdaman Ngayon.
"Do what I've said, break up with my son and your family will be save" huling sinabi nito bago taas noong naglakad palabas nang eskinitang kinatatayoan nya at sumakay sa sasakyan nito.
Walong buwan na silang magkasintahan ni Cade and breaking up with him nang walang matinong dahilan is dàmn cràzy.
Napagdisesyonan nyang Sabihin Kay Cade Ang nangyari, Ang gustong Gawin nya nang Mommy nito.
Alam nyang kakampihan Naman sya nito dahil sa loob nang walong buwan na naging magkasintahan sila ay ramdam nya Ang pagmamahal at respeto mula rito.
Parehong nasa Ika huling antas na sila nang highschool, Cade is 19 years old while she's 18, Kilala Ang angkan Nina Cade sa may pinakamataas na antas sa pamumuhay sa kanilang Lugar, bukod na sa Ang Lolo nito Ang kasalukoyang Gobernador nang kanilang bayan ay may ibat iBang hasyendang nakakalat sa buong San Nicolas na pagmamay-ari nang Pamilya Salvatore.
Kaya suntok sa buwan Ang mapansin sya nito pero Isang araw nagulat nalang sya nang Bigla syang pansinin nito, they were both in Grade 11 that time. Kilala si Cade bilang heartthrob at babaero sa kanilang campus, marami na itong napaiyak na babae at kahit na crush nya itoy ayaw nya namang mapabilang sa mga babaeng naging collection at pinaluha na nito.
Kaya Nung una ay pinilit nya Ang Sariling egnorahin ito, marami Ang nag taas nang kilay sa ginawa nyang pambabasted Kay Cade. May mga natuwa at nainis sa ginawa nya.
She's beautiful even in her Morena skin, may height na 5'3 medyo Tama lang sa height ni Cade na 5'5, seksi at makinis Ang balat Lalo na sa legs at Binti, Wala Kang nakikitang Piso Piso, may lahing Espanyol Ang Lolo nang kanyang Ama Kaya Naman may angkin din talaga silang Ganda.
Kung pagbabasehan Ang mga komento nang iilan, mas lamang nga lang ang kagandahan ni Av kesa sa iBang mga kapatid and thanks to her beautiful mother too.
Sa kabila nang pambabasted na ginawa nya rito ay di parin tumigil si Cade, Ang daming pakulo na Ang ginawa nito and the last one na nagpa oo talaga sa kanya ay Yung sa basketball court, Intramurals iyun at Isa sa varsity player nang kanilang school si Cade Kaya Kasama ito sa mga naglaro.
Kasama nya Ang kaibigang si Jhen na nanunood, as usual nanalo Ang team nila Cade. Paalis na sana sila nang court dahil tapos na Ang laro nang Bigla ay kumanta si Cade, pawisan pa, at sa likod nito ay nandun ang mga kaibigan nitong kapwa may Kaya din sa Buhay na nakahawak sa mga letrang nagbubuo nang salitang "Jhade Avianne Mariscal, will you be my Girlfriend?" Tilian Ang karamihan, Lalo na ang mga babae at binabae, may iBang napapataas kilay at harap harapan pa syang nilait dahil sa Kilala Ang pamilya nya na Isa lang manggagawa nang mga Salvatore.
Tulala at parang Wala sa Sariling napatango nalang sya nang lapitan at hawakan ni Cade Ang kanyang kamay, nag sync in lang sa kanya Ang lahat nang yakapin sya nito.
Nangako itong magbabago na alam Naman ni Av na tinotoo nga nito, Kaya napakahirap para sa kanya Ang sundin Ang kagustohan nang Mommy nito.
Nagkataon pa na Wala Ang kanyang nobyo dahil may unit met at kasali ito dahil ito Ang nag MBP nung huling laban nang team nito. She can't tell him the problem, ayaw nyang mawala ito sa fucos.
Sa bawat pag lipas nang araw ay di maipaliwanag ni Av Ang takot na nararamdaman na baka totohanin nang Senyora Ang kanyang sinabi.
Hanggang sa umuwi na nga Sina Cade Dala Ang Trophy nang pagkapanalo kasabay Naman Ang kaarawan nito.
Kasali Ang kanyang Mama at iBang Dalagang Kapatid sa pag prepare nang party para Kay Cade, gusto syang isama nang kanyang magulang ngunit tumanggi sya.
Alam nang Pamilya nya Ang relasyon nya Kay Cade Kaya Naman nagtataka Ang mga ito, nakaharap na nang mga ito si Cade bilang nobyo nya , sya palang Ang Hindi pa sa pamilya nito dahil umayaw sya at heto na nga, Ang kinakatakot nya, nalaman nang Senyora Ang relasyon nila at Ngayon ay minamandohan na syang hiwalayan Ang anak nito.
Abot Hanggang sa kanilang maliit na Bahay Ang nakakaindak na tugtugin mula sa Mansyon nang mga Salvatore nang mag hating Gabi na.
She sighed.
Birthday nang nobyo nya at Wala manlang syang regalo para rito, worst ay di pa nya magawang makipagkita Dito dahil sa takot na Makita sila nang Senyora.
Tinext nya lang ito nang Happy Birthday.
Tadtad na nang text messages nito ang inbox nya, asking where she is.
God knows how much she wanted to see him pero natatakot sya sa Mommy nito.
Maya Maya ay naka rinig sya nang katok sa kanilang pintuan, napakunot noo sya bago bumangon mula sa pagkakahiga sa pahabang upoan na kawayan at pinagbuksan Ang pintuan.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagsino Ang kaninay kumakatok sa kanilang pintuan.
"Nagpaalam na ako kina Nanay Tess na pupontahan kita rito" sa gulat nyay di sya naka imik kaagad, sinilip nya Ang labas kung may Kasama ba ito o baka naman may sumusunod Dito pero Wala Naman.