"Nagawa ko na nuon Ang alisin ka sa landas ni Cade, I can do it again now! And I'll make it sure na hinding Hindi kana makakalapit pa sa anak ko" Doon na sumabog Ang tinitimping Galit ni Av para Dito, noon pa man.
"Sige! Subokan mo, subokan mong galawin ulit ang pamilya ko, Hindi na kita hahayaan pang mag tagumpay gaya nang nagawa mo noon, matapang ka lang Kasi mayaman ka" lakad loob na sagot nya rito na ikinalaki nang mga mata nito.
"What did you say? Did Mom done something horrible to you and your family before? Kaya mo ba ako biglang hiniwalayan" seryosong Tanong ni Cade sa kanya.
"Why don't you ask your Mom? Kung anong ginawa nya sa Papa ko Nung Gabi nang party mo? Kung pano nya ako tinakot, ask her everything " lakas loob na nyang sagot Dito habang may matalim na tinging ipinukol Dito.
"But it doesn't important today! Bed warmer mo lang Naman ako Diba?" Mapait na napangiti nalang sya, napasikdo pa sya sa subrang sakit na nadarama.
"I can explain.." pero biglang Sumingit Ang Mom nito.
"Wag Kang maniwala sa babaeng Yan anak! She's a liar, sinisiraan nya lang ako" may nagbabantang tingin pa ito sa kanya.
"Talaga Po ba? Ako pa Yung liar? Oras na galawin mo ulit ang Pamilya ko, kahit Wala Akong yaman, papanagutin kita" Singhal nya rito.
"Stop it! You bîtch, umalis ka na rito, your time with my husband ends tonight na Mistress " nakipagtagisan muna sya nang masamang tingin Kay Jannine. Ang kaninang maputi g Mukha nito ay naging pula na dahil sa Galit sa kanya.
Dinampot nya Ang sling bag at pinilit Ang mga parang ihakbang palayo sa Lugar na iyun kahit pa pakiramdam nyay nanginginig at parang mabubuwal na sya.
Napatakip nalang sya sa sariling bibig upang pigilan Ang mga hikbi na kanina pa gustong kumawala. Gulong gulo na Ang isip nya.
Di inalintana Ang ilang customers na nanunood na sa kanila.
"Is it true Mom? Ikaw ba Ang may gawa kung bakit ako hiniwalayan ni Avianne nuon?" Narinig pa nyang nagtaas nang boses si Cade sa Mom nito.
Para saan pa? Niloko at pinaglaruan n sya nito.
Dàrn it! He make her his Mistress nang di manlang nya alam.
****
Nagising si Av na masakit Ang ulo, gulo gulo pa Ang buhok at kahit di pa nya tingnan ay halatang namumugto Ang kanyang mga mata, ni Hindi na nga Rin Pala sya nakapag bihis kagabi, nakatulogan nalang nya Ang pag iyak.
Nailibot nya Ang paningin sa buong Kwarto, walang nag bago, walang bakas ni Cade na umuwi ito kagabi.
May pagmamadaling lumabas sya nang kwarto, umaasang nasa Salas lang si Cade, pero sa ikalawang pagkakataon, bigo parin sya, walang Cade na umuwi kagabi, walang Cade na susuyo at magpapaliwanag sa kanya.
Napasalampak nalang sya sa sahig at napaiyak muli.
Kagabi matapos nyang mag walk out Doon, habang binabagtas Ang Daan, di alam kung saan eksaktong patungo ay napag isip isip nyang bigyan muna nang pagkakataon si Cade mag paliwanag sa kanya, for the sake of their unborn baby.
Gusto nyang marinig mula Mismo sa bibig ni Cade Ang lahat. Parang may kung anong nagtutulak sa kanya na pakinggan muna Ang side ni Cade bago sya gumawa nang disesyon.
Kaya naisipan nyang umuwi muna sa Condo nito at Doon ito hintayin.
Umabot pa yata sya nang Isang Oras sa gilid nang kalsada, hoping na sana ay sinundan sya ni Cade pero Wala. Ayaw nya namang I rîsk pa Ang sarili Lalo at may munting Buhay nang tumitibok sa loob nya.
Malayo Din ang Bahay nila, ilang Oras pa Ang byahe patungo Doon, Wala syang kaibigang malapitan Kaya Naman lakas loob syang bumalik muna sa Condo ni Cade, nagbabakasakali na Rin na sana ay Tama Ang naisip nyang disesyon.
But it seems like sya lang din Mismo Ang gumawa nang paraan para Lalo syang masaktan.
Akala nyay tapos na sya sa Ganito, iyung pakiramdam na matutulog at gigising na masama Ang loob.
Napahagulhol nalang ulit sya habang naitakip sa Sariling Mukha Ang mga palad.
Kahit nanghihina ay pinilit nyang igapang Ang sarili papasok sa banyo para Doon dumuwal, inaatake na naman sya nang kanyang morning sickness.
"Please baby! Wag mo Naman Akong pahirapan masyado, parang Wala na Akong lakas pa" magkahalong luha at ûhog na sya, duwal lang sya nang duwal, Wala namang nailalabas maliban sa laway, nangangasim na Ang pakiramdam nya sa kanyang sikmura.
Nang mahimasmasan ay inayos na nya Ang sarili. Tinitigan Ang repleksyon sa salamin, bumalik na Naman sa ala-ala nya Ang hitsura nang babae kagabi, Ang legal na Asawa ni Cade.
Napangiti nalang sya nang mapait, she's nothing compared to her. At sa ayos nya Ngayon, sigurado kapag nadatnan sya nito Dito ay pagtatawanan sya. Di pa nga sya nanganganak pero Ang haggard na Niya.
Inayos nya Ang sarili, naligo sya at nag palit nang damit, pagkatapos ay lumabas nang kwarto at inabala Ang sarili sa kusina, di nya pwedeng pabayaan Ang sarili gaya nang dati.
Kailangan nyang tatagan Ang sarili para sa magiging anak nya, she can't lose Another baby dahil lang sa sama na Naman nang loob at kapabayaan sa sarili.
Di nya mapigilang kwestyonin Ang sarili, kung bakit Lage nyang pinagdadaanan Ang Ganito, sa tuwing may blessing mula sa langit na dumating sa kanya ay syang pag panalasa Naman nang Unos sa Buhay nya .
Nang matapos syang Kumain at mag ligpit ay nag tungo sya sa Living room, naupo at nag muni Muni, Maya Maya ay biglang tulo na Naman nang luha nya.
Di pwede Yung Ganito, di nya pwedeng parusahan Ang sarili.
Hanggang sa biglang sumagi sa isip nya Ang legal na Asawa ni Cade, pano kung anomang Oras dumating ito sa condo ni Cade? Worst ay baka magkasama pa itong puponta dto. Ano nalang Ang gagawin nya?
Baka Hindi lang pangmamaliit Ang abutin nya mula rito, baka ipakulong narin sya dahil ibinahay na sya ni Cade. Alam nyang anomng Oras ay pwedeng baliktaron nang mga mayayaman Ang kwento.
Para syang binuhosan nang malamig na tubig dahil sa naisip.
Agad na syang pumasok sa Kwarto at kinuha Ang maleta, kinuha nya Ang mga importanteng gamit, iyung mga binili ni Cade na damit para sa kanya ay di na Niya isinali. Wala syang dinala na gamit mula sa mga bigay ni Cade.
Tumulo na Naman ang luha nya habang nakatingin sa picture frame na may nakalagay na larawan nilang dalawa.
This smile is just a lie.
Na haplos nya muna Ang larawan bago kinuha sa lagayan at pinunit, there's no use for it. Tapos na Ang palabas ni Cade.
Binigyan nya na ito nang Oras pero Wala, Wala itong ginawa kahit manlang mag paliwanag sa kanya.
She can't wait any more minute in here, para bang bigla syang na suffocate sa Lugar na ito.
Lugar na Puno nang good memories and bad memories nila pero lahat nang yun pagpapanggap lang Pala.
Kinuha nya Ang may kalakihan nyang maleta, she packed her things, maliban sa mga binili ni Cade para sa kanya, iniwan nya Ang mga iyun, ayaw nyang may masabi pa Ang Mom nito tungkol sa kanya.
This time, kahit magkakaanak pa sila ay tuloyan nya nang puputolin Ang lahat nang pwedeng mag uugnay sa kanila. Hindi nya na hahayaang gulohin pa sya ni Cade Lalo na nang matapobreng Mommy nito.
Hilam sa luha Ang mga matang dinampot nya Ang mga picture frame na may picture nilang dalawa at inilagay Ang mga iyun sa trash can, para saan pa Ang mga litratong iyun? Tapos na Ang palabas nila. Its Time to be back in reality.
Dala Ang maleta ay lumabas sya nang Pad ni Cade, tiningnan nya muna sa huling sandali Ang Lugar na iyun bago nilisan.
****
Pagkarating nya sa kanilang Bahay, sa pintuan palang ay dinamba na nya nang yakap Ang kanyang Ina at napaiyak na Naman sa dibdib nito.
Ramdam nya Ang pagtataka at pag aalala nang mga magulang nya sa kanya pero di manlang ito nangulit o nagtanong sa kanya, hinayaan lang sya nang mga ito na umiyak nang umiyak.
Inakay sya nang Mama at Papa nya patungo sa upoang kawayan, hinahagod Ang kanyang likod.
"Ma!" Sambit nya habang umiiyak, parang batang nagsusumbong sa kanyang Ina.
"Shh! Ano bang nangyari, nag away ba kayo ni Cade?" Mahinahong Tanong sa kanya nang Mama nya, na sinagot nya Naman nang iling. Totoo Naman kasing di sila nag away eh, mabunyag lang ang katotohanan na syang dumudurog sa puso nya Ngayon.
"Ma! Pa! B-Buntis Po ako" mahinang usal nya Tama lang para marinig nang kanyang mga magulang.
"Suskong Bata ka! Akala Namin kung na pano ka na, eh ano Naman Ngayon kung buntis ka na, matagal na Rin Naman katong nag sama ni Cade tsaka pinangakoan ka Rin Naman nya nang kasal ah" sagot nang kanyang Papa. Napailing nalang sya.
Pano ba nya ipapaliwanag Ang ginawa ni Cade sa kanya?