Chapter 15

1449 Words
Napapikit nang mariin si Av nang maramdaman na Naman nya Ang pagka Hilo, kakatapos nya lang mag suka, pigil pigil pa nya Ang sarili kaninang wag agad masuka dahil ayaw nyang mabulabog Ang mahimbing na tulog ni Cade. Alas Kwatro Palang nang madaling araw, at heto nasa banyo na Naman sya. Sumandal muna sya sa nakapinid na pinto, kinakalma Ang sarili. Nangangasim na Naman ang kanyang sikmura. May Duda na sya sa mga signs na ito, mahigit Isang linggo na nya itong iniinda, pati sa pagkain ay nag umpisa na Rin syang mamili. Kailangan nya munang ma kompirma Ang kutob bago Sabihin iyun Kay Cade. So far, di pa Naman napapansin nito nitong may kakaiba sa kinikilis nya. Yun lang pagiging antokin nya, tinatanong sya nito kung Minsan. Di nya Kasi mapigilan Ang sarili Lalo na pag nasa trabaho sila. Sakto, nag absent na Naman sya, binili na muna sya nang pregnancy test kit Mamaya bago pumonta sa Restaurant na paborito nilang puntahan, nakapag book na sya at gaya nuong monthsarry nila, duon din sa garden na iyun gusto nyang ipag diwang Ang kanilang unang anibersaryo. Yes! Ang bilis lang nang panahon Nuh, 1 year na ulit silang magkasintahan. May kutob na syang buntis sya dahil gaya Nung una nyang pagbubuntis ay Ganito din ang naramdaman nya, pero kailangan nyang kompermahin iyun at iyun na Rin Ang gagawin nyang regalo Kay Cade. Alam nyang matutuwa Ang nobyo, naging mahilig na Kasi ito sa Bata, at Minsan ay sinasabi pa sa kanya na mag buntis na sya pero ayaw nya pa. Kaya lang nuong nag bakasyon sila sa Baguio nang Isang linggo ay nakalimutan nyang dalhin Ang kanyang pills. Kung di ba Naman Kasi sya tànga! Sa lahat nang pwedeng kalimutan ay iyun pa, sinabi nya iyun Kay Cade pero tila natuwa pa Ang lalaki. At walang proteksyon na inangkin sya nito Doon nang paulit ulit. Nag bayad na Rin sya Doon sa may Ari nang restaurant, naging regular customer na Kasi sila Doon. Nagpa decorate sya para sa anniversary nilang dalawa, nag send lang sya nang picture nang gusto nyang design. Nang mahimasmasan ay bumalik na sya sa tabi nang nobyo, agad Naman nitong ipinulopot Ang braso sa kanyang bewang, at idinantay sa kanyang Binti Ang Isang Binti din nito. She felt warm, isiniksik nya nalang ang sarili sa dibdib nito, she's smiling. Di nya mapigil Ang subrang saya na nadarama. Ilang saglit lang ay ginupo na ulit sya nang antok. **** Naalimpongatan sya nang may dumampi sa kanyang labi, dahan dahan nyang iminulat Ang inaantok pang mga mata. Tumambad sa kanya Ang gwapong Mukha nang nobyo, naka ligo na ito at nakapag bihis na. "Morning" mahinang bati nya rito, ibinaba ulit ni Cade Ang Mukha at kinintalan ulit sya nang halik sa labi. "Good morning sleepy head" napa pout nalang sya, di pa sya nakapag mumog manlang tapos panay na Ang halik nito sa kanya. "Aalis ka na" humihikab na Tanong nya rito. "Hmm.. kanina pa sana Kaya lang tagal mong magising" napasulyap Naman sya sa wall clock, mag alas syete na Pala, pero talagang tinatamad syang bumangon. Gusto pa nyang matulog. "Inaantok pa ako, absent namn ako ngayon eh" nakanguso nyang Anya rito. "Sige! Matulog ka nalang ulit, may pagkain na dun sa mesa, Kumain ka nalang Mamaya" na touch Naman sya sa sinabi ni Cade. Parehong napabaling sila sa cellphone nang lalaki nang tumunog iyun. "I'll just pick this call" dinampot nito ang Cellphone at bahagyang lumayo sa kanya, palabas na ito nang room nila nang itinapat nito sa tainga Ang cellphone. "Why did you call Jannine?" Palabas na ito pero narinig parin Niya iyun. Biglang may kung anong kaba Ang bumundol sa dibdib nya. Ilang ulit nya na nga bang narinig Ang pangalang iyun na tumatawag sa boyfriend nya, at laging nawawala sa mood si Cade? Pero ipinilig nya nalang ang ulo at naisip Ang sinabi nito kanina lang na nag handa ito nang agahan nila. Wow! The Governor cooked for their breakfast, napahagikhik pa talaga sya sa naisip. Napakaswerte na yata nya sa lalaking ito, bukod sa gwapo at mayaman na, ay responsable pa. Kapag Kasi ito Ang nauunang magising sa kanilang dalawa, ay di na ito nag hihintay pa o abalahin syang gisingin para maghanda nang makakain nila, ito na Minsan Ang nagkukusang magluto. Paggising nyay nakahanda na Ang mesa. "Thank you Love" nagpapa cute nyang Turan Dito na ikinangiti lang nang lalaki. "Mamaya Pala, don't be late huh! Doon nalang kita hiantayin, sa Lover's Dine" pangalan iyun nang restaurant na favorite place nila. Bukod sa masasarap Ang pagkain Doon ay maganda pa Ang ambiance, nag mistula pa itong Restobar dahil may tumutugtog Doon na Banda. Pero alam nyang kadalasang customer Doon ay mayayaman. Marami na ring ginanap Doon na mga especial occasion, at Mamaya nga ay Isa Ang sa kanila. "Syempre! Kakalimutan ko ba iyun, Happy Anniversary Love" yumukod pa ito at yumakap sa kanya. "Happy Anniversary too, Love! Hmm Sige na, ma late ka na" pagtataboy nya na rito na ikinatawa Naman nang lalaki. "Sige na! Alis na ako, matulog ka na ulit. Kung bakit Kasi nagpupuyat kakabas nang novels na Yan eh" napangiti nalang sya, kung alam lang nito ang totoong dahilan. Napansin Kasi nito ang pagiging antokin nya, dinahilan nalang nya ay napuyat sya kakabasa nang novels. Pagkalabas ni Cade nang kwarto ay Ang pag fampot Naman nya nang kanyang Cellphone. Sinet nya Yung alarm nang alas 10, kailangan nyang pumonta Mamaya sa pharmacy para bumili nang PT. At muli ay hinayaan Ang Sariling tangayin na Naman nang antok. **** Kinakabahan at naeexcite sa resulta nang kanyang ginawang test, gaya nang nakalagay sa discreption, ay Yun Ang ginawa nya, mag hinay lang sya nang ilang minuto para sa result. Iminulat nya Ang mga mata at tiningnan Ang resulta, napatakip nalang sya sa kanyang bibig. A smile formed on her lips, may ilang butil din nang luha Ang kumawala mula sa kanyang mga mata. It's positive. Totoo nga Ang kanyang hinala. Naiimagine na nya Ang posibleng maging reaksyon nang nobyo Mamaya. Alam nyang matutuwa iyun. Parang gusto na nyang hatakin Ang Oras paikot para sa takdang Oras nang pagkikuta nila. She can't wait any longer na ibalita Dito Ang kalagayan nya. Maaga palang ay nag ayos na sya, she's wearing a red puff dress pinaresan nya ito nang sandals. Nakailang balik pa sya sa salamin para I cheack Ang sarili, she must be beautiful tonight. First time nyang ma conscious sa hitsura nya. Bumili na din sya kanina nang relo, pang regalo nya Kay Cade, may kamahalan din iyun, matagal nyang pinag iponan Yun, though mayron Naman nang relo Ang nobyo, iyun parin Ang naisipan nya Kasi alam nyang iyun Ang paboritong bagay nang nobyo. Wala pang alas syete nang Gabi ay nandun na sya, nag suggest Ang may Ari na Ipa close nalang muna Ang kanilang Restau for their special day, pero tumanggi sya. Ang garden lang ang gusto nyang masolo nilang dalawa, naging favorite spot nya na Kasi Doon. Sinabi nya nalang sa manager na gusto nyang solo lang nila Ang Garden, at least Doon fresh Ang hangin, tsaka kahit na Makita man nang iba Ang mga kilos nila, Hindi Naman nila maririnig Ang pinag-uusapan nilang dalawa. Pagkarating nyay tapos na nga sa dekorasyon na subrang kinamangha nya. Pati table ay naka ready na, ngiting ngiti pa sya sa mga naabutang crew. Anytime soon ay ise-serve na Ang specialty nang restau na saktong paborito din nilang dalawa. May 20 minutes pa bago Ang tamang Oras na pinag-usapan nilang dalawa ni Cade. Napapangiti na Naman sya at Wala sa Sariling napahimas sa impis pang tiyan, she's too excited. She can't wait any longer pa na masabi na Kay Cade Ang totoo. Ano kayang magiging reaction nito? Iniimagine na nya Ang magandang reaksyon nang nobyo pagkabukas nito sa regalo nya, a watch and a pregnancy test result. Hindi Naman sya na bored sa paghihintay Kasi maganda Naman Ang nakapaligid sa kanya. May ibat iBang flowers, and small lights. Kinuha nya Ang cellphone at kumoha nang picture sa paligid at nag selfie na Rin sya. Masyado syang nalibang sa pagkukuha nang selfie nang may humalik Bigla sa kanyang pisngi, saktong pag click nya lang din sa camera button nang Cellphone nya. "Kanina ka pa" may ngiti sa labing humarap sya rito, niyakap Naman sya ni Cade. "Medyo! Pero ayos lang, di Naman ako na bored" di na talaga mawala sa labi nya Ang ngiti. "Look! Diba lalong gumanda Yung place dahil sa decorations nila" titig na titig sya sa gwapong Mukha nito, parang may nag uudyok sa isip nya na lamukosin Ang Mukha nito pero Pinigilan nya lang talaga Ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD