More than a week na naging matiwasay Ang Buhay ni Av, there's no trace of Cade dahil meron itong inattendan na importanteng meeting in Manila.
After that incident in his office, ay napag isip isip nyang kailangan nya na nga talagang mag resign by next month.
Kailangan nyang ilayo Ang sarili sa nagbabantang panganib, Lalo na sa puso nya.
Napakunot noo sya nang tumonog Ang kanyang Cellphone at Nakita nyang Isang unregistered number Ang nag text sa kanya.
Unknown:
I'm sorry for what I've said last time, nadala lang ako nang Emosyon ko. But the first one that I told you, I'm serious with it.
Kinabahan Naman sya sa nabasa.
And here it is, another message.
Unknown:
I'm serious on winning you back, weither you like it or not, I can always find a way and as I've told you, everything what I want, I can always get it.
_Gov
Halos maitapon ni Av Ang kanyang Cellphone dahil sa huling nabasa. It's from Cade.
Para na namang may nagkakarera sa loob nang kanyang dibdib.
'nyeta! Ang tagal na nun, he's still after me? '
Takot sya sa posibleng mangyari, Lalo at matagal na silang nawalay ni Cade, matagal na panahong Wala syang Balita Dito at pinili nya Rin talagang wag makibalita tungkol Dito.
Hindi na nya Kilala si Cade, iBang Cade na Ngayon Ang naging Boss nya.
Hamakin mo? First meet nila sa Opisina nito ay hinalikan na sya kaagad. Kaya kailangan nyang ihanda Ang sarili, kung kinakailangan nyang iwasan ito ay gagawin nya.
She deleted his message and put his number in the blocklists, di nya alam kung saan nito nakuha Ang number nya Kaya dapat Ngayon palang ay iwasan na nya ito. Kailangang walang makitang dahilan si Cade para estorbohin pa sya.
****
"Av, may nag papabigay daw nito sa iyo" napakunot Naman Ang noo ni Av nang pag angat nya nang tingin ay sumalubong sa paningin nya Ang Isang bouquet nang bulaklak.
"Huh! Saan Naman Kaya galing ito" mahinang anas nya habang tinatanggap Ang bulaklak nang nagugulohan.
"Naka naman! Haba talaga nang hair mo Dai, akalain mo ba namang may nagpa deliver Sayo Dito nang bulaklak" tila kinikilig na sambit nang kasamahan nyang si Krisha, na nasa Ground Floor naka assign, talagang umakyat lang ito sa second floor para iabot sa kanya Ang bulaklak na iyun.
"Naku! Baka nagkamali lang Yun nang deliver" sinuri na nya Ang bulaklak pero Wala namang nakalagay na iBang Card maliban lang Doon sa card na may nakalagay na pangalan nya.
' You're Beautiful!"
Sumikdo na Naman ang kanyang puso, familiar sa kanya Ang note na ganyan, pero Hindi maaari. Hindi pa Naman ito nakakauwi eh.
"Ayy pa mysterious Ang peg nang manliligaw mo Dai" mahinang tili ni Krisha pagkatapos makiusisa sa note na nakalagay.
"Haist! Kailangan ko na palang bumalik Doon sa baba, ay! Wait, balitaan mo ako pag nalaman mo na kung sino Ang nagpapabigay nyan Sayo huh" nakangising Anya nito na sinagot nya lang nang ngiwi, may mahinang tawa na pumihit na ito paalis sa harap nya.
Tinitigan nya Naman Ang bulaklak, pinaghalong red and white roses, na may kaunti ring Tulips, her favorite flowers.
Naalala nya si Cade, gantong mga bulaklak Ang binibigay nito sa kanya noong araw, freshly pick from the garden pa talaga na nasa tabi nang Falls na naging favorite spot nila, Yung ginagawa nilang dating place dati and also the note, napapikit sya habang inaamoy Ang mabangong aroma nang bulaklak.
After their broke up 8 years ago ay iniwasan na Rin nya Ang Lugar na iyun, huling tapak nya room ay Nung Gabing isinuko nya Ang sarili Kay Cade. Di nya maatim na pumonta Doon dahil alam nyang mas Lalo lamang syang mahihirapan sa pag move on kapag nag punta pa ulit sya Doon, nandun ang mga masasayang ala-ala nilang dalawa.
She close her eyes and took a deep breath, pagkuwan ay Basta nalang nyang inilagay sa trash can Ang naturang bulaklak.
Kailangan nyang ignorahin iyun, kung sakali Mang Kay Cade iyun ay kailangan nyang ipakita Dito na Hindi na talaga sya interesado pa Dito.
Nang mag alas onse na nang tanghali ay nag ligpit na sya, lunch break na nila, akmang tatayo na sya nang Bigla ay may nag salita sa likod nya na ikinapitlag nya.
"So! You didn't like the flowers na Pina deliver ko?" Napamulagat nalang ang kanyang mga mata nang mapagtantong Kay Cade nga iyun galing.
Kita nya Ang iritasyon sa Mukha nito habang tinitingnan Ang bulaklak na nasa trash can, nakaramdam Naman sya nang hiya.
Napapakagat labi nalang sya habang iniiwas Ang tingin Kay Cade.
Pero kailangan nyang tatagan Ang sarili, she needs to reject everything from him.
"So! Sa iyo Pala galing iyan Gov. Wala Naman pong okasyon, bakit mo ako binibigyan nang ganyan" napalibot Naman Ang tingin ni Av, mabuti nalang at makalabas na Ang mga kasamahan nya Kaya di sila maiiskandalo ni Cade kung sakali.
"Bakit mo iyan Basta nalang itinapon Dyan?" Matalim Ang tinging ipinukol nito sa kanya.
She gulped.
Pero kailangan nyang ipakita na di sya apektado.
Ganyang ganyan Ang ekspresyon nito dati kapag may Ibinibigay ito sa kanya na binabaliwala nya.
"Bakit ba? Saan mo ba Yan gustong ilagay ko huh! Eh sa Wala Naman talagang okasyon, tsaka I don't like that flowers anymore" buong tapang na pagsisinungaling nya rito.
Blangko na Ang ekspresyong tinitigan sya nito, wariy sinusuri kung nagsasabi ba sya nang totoo.
"Why did you blocked my number?" Salubong Ang kilay na Tanong na Naman nito sa kanya.
"As far as I remember, di ko binigay Sayo Ang number ko, Walang rason para magkaroon Tayo nang number sa isat Isa." Inisang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa, napaatras Naman sya dahilan upang lumapat Ang likod nya sa malamig na pader, Lalo pa nitong inilapit Ang katawan sa kanya, itinukod Ang dalawang palad sa ding ding , dahilan upang mag corner sya nito. Tinaliman nya Naman ito nang tingin kahit pa naghuhuromentado na Naman Ang puso nya.
"Seryoso ako sa sinasabi ko Avianne" nag tayuan na Ang balahibo nya sa batok nang tumama sa kanyang pisngi Ang mainit nitong hininga.
"You don't know what I've been through after you dump me without any acceptable reason, it's been eight long years na Av, matagal na panahon na kitang hinayaan, now it's payback time" nanginig sya sa sinabi nito. He's really after her for revenge.
"This time, I will make you mine again, I will make you realize that no other guy will be better than me, this time, sisiguradohin Kong di mo na ako iiwan nang dahil lang sa iBang lalaki" napapigil sya nang hininga nang Lalo pa nitong idiniin Ang sarili sa kanya.
"Matagal na panahon na iyun Cade, pwede ba? Tigilan mo na ako, maayos na Ang Buhay ko, wag mo na Akong gulohin, please lang!" Mahinang sambit nya sapat lang upang marinig nilang dalawa.
"Pano Naman ako? Did you ever think kung maayos din ba Ang Buhay ko after that night? After mong ipamukha Sakin na mas Gusto mo Ang lalaking iyun kesa Sakin?" Nagtatagis Ang bagang na sambit na Naman nito.
"I told you my sorry Naman na ah! Matagal na panahon na iyun, and look! Di Naman na kelangan pang kamustahin pa kita eh halata namang nasa maayos na kalagayan ka, you were born in a wealthy family, and look at you now, nanalo ka nga kaagad nang walang kahirap hirap eh" di na nya napigilan pa Ang sarili at napag taasan na nya ito nang boses.
Napapikit nalang sya nang maramdaman Ang palad ni Cade na sinasapo Ang pisngi nya.
"Shît!" He cûrse when suddenly his phone rung, agad itong napabitaw sa kanya at dumiatansya bago hinugot sa bulsa Ang tumutunog na cellphone.
"Hello!" Napahinga nalang nang malalim si Av. Sapo Ang hinahapong dibdib at pilit itong pinapakalma.
"Okay! Let them in" napatingin Naman sya Dito at ganun din ito sa kanya, agad din syang nag Iwas nang tingin at inayos nalang Ang bahagyang nagusot na damit.
"Wait here the food I've ordered at dalhin mo Mamaya sa Opisina ko" pagkatapos ay Basta nalang syang tinalikuran nito.
'ang gàgo! After Akong pakabahin nang Todo, uutosan pa ako?' kumakalam na Ang sikmura nya pero di pa sya makaalis dahil may Iniutos ito sa kanya.
Nakaramdam sya nang tawag nang kalikasan Kaya Dali Dali na syang nag tungo sa comfort room.
Pagkatapos nyay dumiretso na sya sa ground floor, sakto Namang dumating na Ang inorder nito.
Di nya inasahang marami Pala ang inorder nito Kaya Naman Ang delivery boy na Ang nag akyat patungong Opisina ni Cade.
Nakasunod Naman sya Dito.
Napanganga nalang sya sa gulat nang masumpongan nya sa loob Ang kanyang Papa at iBang manggagawa.
"Pakihain nyan Ms. Mariscal sa mesa, at nang makapag lunch na Tayo" nagugulohang napasunod nalang sya sa utos ni Cade, paulit ulit ang Tanong sa isipan nya kung bakit nandun ang Papa nya eh malayo iyun sa kanila.
Nang matapos na sya at nang makakuha nang tiyempo ay nilapitan nya Ang kanyang Papa.
"Pa, ano pong ginagawa nyo rito" padulong na Tanong nya rito.
"May malaking problema Kasi anak eh, pinatawag kaming dalawa ni Tope ni Senyor sa kanyang Mansyon kagabi, eh pag balik Namin na salisihan na Pala itong si Tonyo, nalimas Ang kalahati nang Ani at ubos Ang benta na paghahatian sana naming tatlo" bagsak Ang balikat na Anya nang kanyang Papa.
"Hala! Eh pano Yan Pa" napaawang Tanong nya sa Papa nya, pinagpaguran nang mga ito Ang perang iyun tapos ninakaw lang.
"Nag tungo kami sa Mayor's office para sana manghingi nang tulong, eh Kaya lang Wala pa Doon si Mayor, sinabihan kami nang staff Doon na dumiretso na Dito Kay Gov Kaya Naman nandito na kami" napabuntong hininga nalang din si Av, Isang linggo pa nga lang matapos Ang naging problema nila sa Kapatid at Mama nya ay heto na Naman.
"Nakalaan na sana iyun pambayad sa na utang ko nuong na Hospital Ang Mama mo, Yung pinangdagdag ko sa ibinigay mo, Kaya lang Ganito pa ang nangyari, di ko narin muna pinaalam sa Mama mo Ang nangyari at baka Kako mapano na Naman iyun" may kasamang buntong hininga na Anya nang kanyang Papa.
Di nya alam kung ano ang nararamdaman, para syang naiiyak para sa Papa nya na Ewan.
"Tay! Halina Po kayo, sabayan nyo na Akong mananghalian" napabaling Ang tingin nila Kay Cade na nakatayo na mula sa pagkakaupo sa swivel chair nito. May kausap ito kanina sa Cellphone Kaya Naman nagkaroon sya nang pagkakataong makausap Ang Papa nya.
"Naku Gov! Nakakahiya Naman Po, sa Bahay nalang kami kakain pagka uwi" Anyang kanyang Papa na sinang ayonan Naman nang nahihiyanding kasamahan.
"Eh pano Yan, marami itong inorder ko, di ko Naman ito kayang ubosin lahat nang mag Isa. Tsaka malayo pa ang pauwi sa Inyo, at alam ko Ring Wala pa katong matinong agahan dahil sa nangyari, Sige na Po! At bawal pag hintayin Ang grasya" Wala nang nagawa pa Ang pag tanggi nang kanyang Papa at kasamahan nito dahil mapilit si Cade.
"You too! Ms. Mariscal, sumabay kana Dito samin" ayaw nya Rin Sana Kaya lang ay pagod na syang makipag argumento pa Kay Cade, alam nya Rin kasing di ito magpapatalo. Isa pa ay gutom na Rin sya.
Pagkatapos nilang Kumain ay nag ligpit narin sya, narinig nyang may pinag uusapan pa ito at Ang Papa nya.
"Wag kayong mag Alala Tay, papalagyan ko na Doon nang mga security sa Kubo na nilalagyan ninyu nang Ani, at papagawan ko narin kayo Doon nang kongkretong lagayan para di Basta Basta mapapasok, kung bakit Kasi di iyun inaasikaso Doon ni Dad" kita nya Ang galak sa Mukha nang kanyang kawawang Ama at mga kasamahan nito.