"Magbake ka na lang kasi." Kanina pa kami palibot-libot ni Ysa sa mall para maghanap ng regao para kay Aldwin. Bukas na kasi yung birthday niya pero hanggang ngayon asi wala pa rin akong maisip a magandang iregalo. Si Ysa nga, mukhang inip na inip na kakalibot namin. Kaya nagpahinga muna kami rito sa coffeeshop. "Nauubos kasi ang pagkain. One time pleasure lang 'yon. Paniguradong marami ring pagkain a birthday niya," Pandadahilan ko. Gusto ko kasi, something memorable. Yung pwedeng pang keepsakes. Umirap naman si Ysa na parang ang stressful kong kasama. Hindi ko siya masisisi dahil ang dami na niyang sinuggest pero wala akong tinanggap ni-isa sa mga 'yon. "Ayaw mo ng gamit kasi mayaman na siya, ayaw mo rin ng pagkain kasi nauubos. Anong gusto mo Explosion box? 365 love notes? Jars of

