“Sige na Jarelle, sumama ka na please?” Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon. Napakapush-over ko kasi... konting pamimilit lang saakin, pumapayag na agad ako. Napabuntog-hininga ako bago tiningan ulit si Ysa. Nasa kwarto ko siya at bihis na bihis. Ano pa nga bang magagawa ko? “Sige na nga.” Bumangon ako ako sa kama ko. Kita ko namang natuwa si Ysa sa pagbangon ko. “The best ka talaga!” Umupo siya sa kama habang ako ay pumasok sa bathroom para maglinis ng katawan. Pasalamat siya at sabado ngayon. Wala na akong ginagawa. Napakalate kasi ni Ysa nagkainterest sa mga party party na ‘yan. Nung college kasi kami, puro aral lang siya. Si Karylle nga na party girl dati, ngayon halos sawa na sa bar. Bihira mo nalang ‘yun makikia do’n. Ako rin naman ay hindi na masyadong

