I WOKE up feeling gloomy.I can barely open my eyes.It swelled up and there's big black under my eyes.I look like a panda.But a panda is way too cute.
I ate my breakfast downstairs.Eating my usual breakfast,fried rice with eggs and bacons I heard a footsteps coming.I look to who is the owner of it and saw my father.He sit in his usual chair and started eating.He stop when he sense that I am looking at him.
Tiningnan niya ako.Ngayon ay wala nang ekspresyon ang mukha nito.Parang hindi na siya iyong mahina at umiiyak sa harap ko dahil sa pagdadalamhati.
Yumuko ako agad.May kung ano sa tingin nito ang nagpakaba sa akin.Binilisan ko ang pagkain.Tatayo na sana ako ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko.Na ilang taon ko nang hindi naririnig mula sa kaniya.
"Aurora..."
Agad akong lumingon at tiningnan siya.May ipinapahiwatig ang mga tingin nito ngunit hindi ko mawari kung ano.
May kinuha siyang kung ano sa bulsa niya at ilinagay iyon sa lamesa.Natulala ako nang makita kung ano iyon.Bakit niya ito ibinibigay sa akin?
"Take this.Go to Manila or wherever you want.Get away from here.Use the money."He said while looking down.Avoiding my eyes.Umigham ito bago tumayo.
"B-bakit po?"
Nakita ko ang malungkot nitong ngiti.May kung ano talaga na hindi ko mawari.
"Makinig ka sa sinasabi ko.Go with your brother.Stay away from this town.From the town's judgement.From that family."
Nalilito ako kung ano bang pinagsasasabi niya.Unti-unti itong lumapit sa akin at hinawakan ang ulo ko.Marahan niya iton hinaplos.Ang gaan lang sa pakiramdam nang ginawa niya iyon ngunit maikli lamang iyon.
"I'm sorry for being a cruel father.For disappointing you.But,please know that I only love your mom.My only fault is bringing every woman who resembles her.You will grow up as a fine lady.Just be yourself. Then,I'll get going."And tap my shoulder twice.
Tatanongin ko na sana siya kung saan siya pupunta nang marinig ang ugong ng serina ng pulis.Bumundol ang matinding kaba sa dibdib ko.Nakita ko ang paglingon ng ama at malungkot nitong ngiti.
Nanlalaki ang mata ay tumakbo ako papunta sa kaniya.Pumatak ang luha sa mata ko.Yinakap ko siya ng mahigpit.Sa unang pagkakataon pagkatapos mamatay ang Mommy ay nagawa ko siyang yakapin.
Tinapik niya lang ang balikat ko.Pumasok ang mga pulis at may kung ano anong binanggit.Kahit isa doon ay wala akong pinakinggan.Yinakap ko lang siya at umiyak.
Sobrang bilis ng pangyayari.The officer handcuff him.Sumama siya sa nga ito palabas ng bahay.Tumakbo ako palabas para sundan ang pangyayari.Nanginginig ang mga tuhod ko habang tinatanaw na inaalalayan siya papasok sa police car.
Narinig ko ang mga bulong-bulongan sa paligid ko.Hindi ko napansin na marami palang tao sa labas.May mga tricycle na nakaparada pero wala naman'g pasahero sadyang nakikiusyuso lang talaga.I even saw a car not so far away.Ang mga tao talaga ay madaling makasagap ng balita.
Inilibot ko ang paningin ko.Their eyes bore on to me and look at me with judgement in their eyes.Hindi ko nalang pinansin at muling tinanaw ang ama.
Sumulyap lang ito ng isang beses at tumango.Unti-unting umandar ang sasakyan.Hanggang sa lumayo ito ng lumayo.Dinig ko parin ang malalakas nilang bulong.Pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.
Ang kotseng nakaparada sa malayo ay umandar na rin.Nang malapit na ito sa akin ay ibinaba ng kung sino mang nasa loob ang salamin.Nagulat ako nang matanto kung sino iyon.Pamilyar siya sa lahat.Nakikita ko siya sa school dati kapag may events.Ngumiti ito ng mapang-uyam bago pinaharurot ang sasakyan.
Nanghina ako.Hindi pa nga ako tuluyang nakakabawi kahapon ay ito naman ngayon.
Gaya ng sinabi ni Daddy ay kailangan kong umalis dito.Pero hindi ko ginawa.Ilang buwan nalang ay matatapos na ang klase.At saan naman ako pupunta?Wala akong ibang mapupuntahan.
Ilang araw pagkalipas noong eksena ay kinuha ako ni Kuya sa bahay.Sa kaniya ako nakatira sa ngayon.Ang mga kasambahay ay hindi ko alam kung saan nagpunta.Binenta ang bahay at lupa.
I am always above water.Walang pumapasok sa isip ko.Palagi akong tulala.Ayokong sundin ang gusto ng ama.I want to live here.This is where I grow up.My memories with my mother and my childhood days are here.Hindi ko ata kayang tumira sa ibang lugar.
"Ayan na 'yong anak ng kawatan!Tabi!"
"Oy,iwas kayo nandyan na yung anak ng kawatan."
"Malandi nga gaya ng nanay niya.Nako!"
Kung dati ay adik ang tawag nila sa Daddy ngayon ay kawatan naman.Nakulong siya dahil sinuko niya ang mga ebidensiya na nagpapatunay na ginastos niya nga ang pera ng mamamayan para sa sariling interes.Pero ang sariling interes na iyon ay para sa amin ni Mommy.Bumili siya ng lupa at nagtayo ng negosyo na hindi namin nalalamin.Bumalik na naman ang isyung kabit daw ang Mommy ng governor.
Everytime I walk in crowd I can hear their out-of place opinion and their pangungutya.Na akala mo naman perpekto sila.
Binansagang mang-aagaw.Dahil daw inagaw ko si Art kay Bea,anak ng mayaman s a kabilang bayan.Masakit man ay hindi ko na rin pinapansin.Dahil hindi naman totoo.
Speaking of him,we never talk since that day.Sa tuwing magkakasalubong kami ay agad akong liliko o tatalikod.Ayoko na madagdagan pa ang isyu.Hindi din naman siya gumagawa ng paraan para makausap ako.Alam kong alam niya ang nangyari sa akin.Pero kahit isang beses hindi niya ako kinamusta man lang.Ang malala ay nakikitaa ko siyang masaya at nakikipagtawanan sa tropa niya na para bang wala siyang girlfriend na maraming problema.
Ayos lang naman yun.Pero kahit kaunting suporta man lang,'di ba.
Lumipas ang mga buwan na hindi kami nag-uusap.Hindi ko alam kung kami pa ba.Dahil lagi kong naririnig ang tsismis na lagi silang magkasama ni Bea.
Sa ilang buwan na iyon ay nakapagpasya na ako.Aalis ako.Kung patuloy akong mabubuhay ito araw-araw naman akong mamatay sa pangugutya nila.Sinuportahan iyon ni Kuya kaya mas lalong naging konkreto ang desisyon ko.
Pero bago iyon gusto siyang makausap kahit saglit lang...