Happiness,

2718 Words
Kasalukuyang naghihintay si Ellizze sa kanyang kapatid sa may quadrangle nang school,Hinihintay niya kasi ito dahil may mga plano silang gawin paguwe sa bahay, Napaka dalang na nilang magsabay sa mga bagay bagay sa eskuwelahan simula nang kolehiyo, Pareho lamang sila nang Unibersidad na Pinapasukan sa, Universidad nang Mataas na kahoy ,Lalawigan nang Batanggas, ganunpaman magkaiba na kasi sila nag kurso, magkaiba nang mga nakakasalamuhang tao, mga kaklase at mga ginagawa sa eskuwela, abala si Ellizze madalas sa mga financial studies, reports, mga group activities,feasibility studies na minsan ay may overnight brainstorming pa sila, si Ellie naman ay sa Culinary arts ang kinuhang kurso, bukod sa busy sila sa mga actual learning , may mga competition na din kasing sinasalihan ang kapatid kasama ang buong Culinary team Department nang School, minsan na din nakaluwas sa maynila at ibang probinsya gaya nag Davao ,Bohol ang grupo nila Ellie ,kaya masasabi niyang mas abala at madami nang experience ang kapatid kesa sa sakanya, kilala na din ito sa Unibersidad nila bilang sikat na Junior nang Culinary team nang Mataas na Kahoy, Medyo suplada at tahimik lang sa ibang tao ang kapatid niya, pero siguro kung kasing friendly at palangiti niya ito,nasisiguro nitong mas ligawin ito sakanya, ang totoo kasi may pagkaintrovert ito kesa sakanya, bukod sa over achiever itong tao, Madali itong mapansin, Mas matangkad kompara sakanya sa taas nitong 5'4 , namana sa Papu nila, morena na mapula ang balat nito , chinita na hazel nut brown ang mata, Hindi talaga sila magkamukang magkamuka, Fraternal twins kumbaga, siya naman ay mas maputi at maliit dito, kahit na siya ang mas matanda sa kapatid at 5'1 lang ang height niya, mas madami siyang features na nakuha sa ina, ngunit ang mata nila ni Ellie ay parehas nang kulay, ngunit bilugan ang mga mata niya. "Ellizze, kanina kapa ?" ani Ellie nag angat naman nang mata si Ellizze nang madinig ang boses nang kapatid, "Medyo, matagal kapa ba?" parang naiinip na tanong nito. "Hindi, malapit na magliligpit na din ako, nag excuse na din kasi akong mauuna sakanila, kasi nga kako ay naghihintay ka at may plano tayo para kila mamu," Paliwanag nitp, habang inaaus ang bitbit na Bag,sinisilid ang ibang gamit. at chinecheck ang mga kulang. Ngayon kasi ay 15 years anniversary nang mga magulang nila, at dahil alam nila kung gaano kabusy ang mga ito sa Coffee Double E Delight ay, nais nalang nila itong sorpresahin,plano ni Ellie magluto nang Paborito nang Papu nila nang lengua estopado, at aniseed beef tendon in canton noodle soup naman ni Mamu nila, at alam na alam nilang dalawa na Luto ni Ellie ang hinahanap nang magasawa, siya naman ay ang nakatoka sa set up nang table at mga decorations tutulungan siya nang kaibigan nilang si Mildred dito, bago sila umuwi ay dadaan muna sila sa malapit na Grocery store para sa mga kailangan,. "ahm, saglit lang aakyat lang ako sa department namin,ichecheck ko kung my mga naiwan akong gamit at ilolock ko ang locker ko, " paalam nito sa kanya at bago sinasara ang zipper nang malaking bag na laman ay ilang gamit gaya nang mga paborito nitong spatulas at laddle, ito marahil ang nais niyang gamitin sa pagluluto niya mamaya. "sige lang , kachat ko din kanina si Mildred pababa, na siya, si Thomas daw ba makakahabol siya?" ani ko, na siyang nagpatigil kay Ellie at napairap saakin,. "Hindi kami magkausap, hindi ba kayo ang magkausap kahapon non dumalaw siya sa bahay?, hindi moba nasabi ang plano,? hindi mo tinanong if makakasunud siya or pedeng tulungan tayo?", Balik tanong nito. "ahh..nasabi ko, pero kasi sabi niya sasabay siya sayo, hindi ba kayo nagkita sa room niyo ? pareho lang naman kayo nang course, nagkakasalisihan pa kayo...," sagot kong tila naiilang pa, alam ko kasing nakakaramdam ang kapatid ko saakin. may lihim akong pagtingin o paghanga nga siguro ang tawag duon, sa kababata naming si Thomas, kasabayan na namin siyang lumaki, kalaro, kumare nang mamu, ang mamay niya. malapit lang din ang bakuran nila sa amin, kumpara kay Mildred na medyo malayo layo pa, Hindi ko din alam kung nagbubulag bulagan si Ellie pero napapansin kong siya ang mas pinagtutuunan nang pansin saamin dalawa ni Thomas, pero siguro nga dahil sa mailap sa tap at madaling mapagod at magkulong sa kawarto si Ellie, mas nagkakaroon nang panahon at nagmimistulang ako ang laging dinadalaw ni Thomas sa bahay, Tingin ko talaga wala pa din sa isip ni Ellie ang mga ganyan bagay, kambal kami at magkasabay lumaki, pero madaming magkaiba sa mga gusto namin, at sa mga nakasanayang gawin,at ugali marahil, Hindi nga ata marunung mag ka crush si Ellie, mas batang isip siya pag dating sa bagay na iyan, iba ang focus niya ang mga bagay na nakakapagpasaya sakanya ay ang kitchen nang Coffee Double E Delight, ang Culinary school,ang recipes, ang mga Competitions ,ang mga Awards. kabaliktaran ko naman, ako ay lihim na humahanga kay Thomas,bukod sa napaka maginoo, maalaga, thoughtful, kapag nadalaw siya sa bahay ay palaging my bitbit na pasalubong para sa lahat. kila Mamu ,Papu at samin na kambal. ayos lang sakin, nararamdaman kong may mas special siyang treatment sa kapatid ko, sa loob loob ko hindi naman siya tipo nito, saka "crush" lang naman, normal lang naman yun sa isang teenager na kagaya ko, "O ayan na pala si Mildred" ani Ellie, sige dito lang kayo saglit at aakyat ako, "bheb, ano ready na ba ang mga listahan nang bibilhin natin," ani mildred sakin dahil iniwan na kami paakyat nang nagmamadaling si Ellie. "oo andito na hintayin nalang natin si Madamme Ellie siya kasi ang magging punong abala nito, nag susungit na naman nga," sabay pa kaming natawa, dahil aligaga na si Ellie eh mukang tinotoyo pa, maya maya pa ay natatanaw na namen sa di kalayuan nang quadrangle si Ellie, na bitbit ang isa pang ecco bag, marahil ay ilang mga special ingredients na kailangan sa mga ihahanda niya at, kasabay na din niya si Thomas bitbit ang malaking box ,sabi ni Ellie ay dadalhin kasi niya ang pressure cooker para mas mabilis magpalambot nang tendon, since wala kami non sa coffee shop. mukang nakasalubong nga niya sa Department si Thomas. lihim akong napangite at kinilig, dahil makakatulong namin siya, nang malalang Culinary din pala ang course nito ay medyo nanlumo ako si Ellie pala ang tutulungan nito malamang. pero siguro ayos lang, makakausap ko din naman siya pagkatapos nilang magluto,. Agad na sinalubong na namin sila at binitbit kona din ang isang bag ni Ellie, dahil sa andmi na nilang bitbitin, "Magtaxi nalang tayo, para mas komportable, dahil mamaya ang damina nating dala pagtapos sa pamamalengke, " suhestyon ni Mildred. "Oo nga, Ellie kung gusto mo, kami nalang kaya ang mamalengke mauna kana sa bahay, nasa akin na naman yung ginawa mong listahan eh, " saad ko, "Sigurado ka ate, sure kayo?" ani Ellie na salit salit ang tingin samin ni Mildred, "Oo aus lang," ngiti kopa, "ah Ellie gusto mo ihatid na muna kita ang dami mong bitbit eh, tapos babalikan ko sila ate mo sa Grocery para ako ang magbitbit nang pamimilihin nila, " ani Thomas Lihim akong nalungkot, pero tama din naman si Thomas angdaming bitbit Ellie, ayos nga lang sigurong balikan niya nalang kami, "Naku hindi na, mas kailangan ka nila ate ko, isaaakay kolang to sa Pedicap okay na ko", aniya Ellie, " Ano kaba Ellie, pag nagsolo ka pauwe na bitbit lahat yan, pagod na pagod kana ano ka si Wonder woman ,lahat kinakaya, ?" ani ni Mildred na tila may pangaasar pero may punto din naman, "Paano kapa magluluto kung sa pagbubuhat ala kargador palang pagod kana?" dugtong pa nito. "oo nga," ani thomas, sa bay tawag na nang masasakyan para saknilang dalawa, "hayaan monang tulungan kita, babalikan ko ang ate mo", tingin pa nito kay Ellie, na tila binibigyan siya pagsisiguro. at nang may isang Pedicap na silang napara ay ito na ang kumuha nang mga gamit ni Ellie at inayos sa loob nito, "Ate sure ka?" balik tingin ni Ellie saknila ni Mildred. "oo naman, ano kaba! syempre mas okay na nandun kanan madami ka pa ding aayusin eh, " Pagsisiguro ko, wala naman akong nararamdamang inggit o selos kay Ellie kasi alam kong hindi niya tipo ang isang tulad ni Thomas, higit sa lahat wala pa siyang kaide idea na parang pinopormahan siya nito, parang ako parang walang ka ide-idea Thomas na nagpapacute ako at hinahangaan ko siya.. perp okay lang mas mahalaga ang relasyon namin ni Ellie bilang magkapatid at mas mahalaga ang relasyon namin ni Thomas bilang magkaibigan at natatakot akong masira yon. "Ellizze uhani kolang tong baby sister mo ha, balikan ko kayo agad, itext niyo ko nasan kayo maghihintay ha para madali ko kayong mahanap, dalhin kona din pagbalik ang tricikle ni tatay," ani nito at kumaway bago pumasok sa loob nang pedicab ganon din si Ellie na lumingon muna at kumaway, "ingat kayo ate ha, itext moko kapag may hindi ka naiintindihan sa listahan or kung wala non nakalista, para mapalitan nang ibang ingredients" ani Ellie at unti unti nang umandar ang Pedicab ,lulan sila. nakatanaw pa din si Ellizze at nakamasid lang si Mildred sakanya, "So sinong mas matimbang? si baby sister, o si prince charming? saad nito na tila may pang aasar pa,. "tigilan monga ako Mildred" at kurot ko sa tagiliran niya kaya naman napatili to na kinatawa ko dahil nagtinginan lahat nang tao nakapaligid saamin sa harap nang gate nang school. alam na alam ni Mildred ang takbo nang buhay namin nang magkapatid parang kapatid nadin namin siya, alam na alam niya din na may gusto ako kay Thomas at obvious na si Thomas ay may pagtingin sa kapatid ko, nakakatawa lang... nagsimula nakong maglakad patungong daan sa pinakamalapit na Grocery,nakasunud naman sakin pahabol si Mildred, wala pa din patawad sa pangaasar at pagbulong sakin nang kung ano ano, habang naghaharutan kami sa kalsada ay napansin namin ,ang isang itim na sasakyan na nakaparada, maya maya pa ay tila may pagflash nang isang camera na saktong sa mga muka namin dalawa tumama kaya napatigil kami, "Excuse me?" lapit ko dito, ngunit hawak ako ni Mildred sa braso at bulong saakin na wag masyadong idikit ang muka malapit sa bintana nang tao dahil maaring delikado., nakasalamin ito kaya di namin makita ang muka nito, pero mukang isang tauhan lang naman ito, nakauniporme kasi, Maroon na polo barong. "kinukuhanan niyo pa ba kami nang litrato?" tanong kong muli. "Ha ano iha,?" maang na tanong naman nang mamang nasa loob nang sasakyan. "naku, iha hindi ayang nakapaskil sa gate nang school ang kinukuhanan ko, " ani to tiningnan ko ito, isang malaking tarpauline nang requirements nang mga Freshmen or new enrollees nang unibersidad..,maari nga mali ako masyado lang kami nagiging paranoid ni Mildred dahil sa mga bali balita sa nayon, o sa napapanood sa mga balita sa tv. humingi din ako nang dispensa sa naging asal ko sa pagtatanong. at tuloy tuloy na kaming dumiretso pupuntahan, nakakapit pa din sa Braso ko si Mildred. Matapos naming mamili ay tumambay nalang ulit kami malapit sa eskuwelahan para madali kaming matuntun ni Thomas kapag susunduin na nila kami, naitext kona din sakanya kung nasan na kami ngayon, pasado alas kwatro palang nang hapon maaga pa din at siguradong si Ellie ay bisi na at nagsisimula nang magluto nang mga putaheng ihahain niya. "Alam mo Bheb, kinabahan talaga ako kanina,ang haharot kasi natin sa daan eh, sure ka bang hindi tayo ang nakuhanan nang litrato non?" ani to skanya. "Tingin ko naman ay nagsasabi nang totoo si kuya, masiyado lang tayong nabahala, gawa siguro nang mga bali balitang nawawalang mga babae, sa karatig nayon, " saad ko, "saka isa pa,malapit na ang entrance exams for mga freshmen na gusto mgenrol satin, madaming requirements na kailangan,marahil eh tamad magsulat si kuha,kaya kinuhanan niya nang litrato, baka para sa anak niya yun" sansala ko sa pagaalala ni Mildred. mayamaya ay may huminto na sa harap namin na tricikle. Si Thomas. "Ladies, natagalan bako,?" ngiti nito saamin, "naku hindi naman, tara na,at baka naiinip na si Ellie, " ngiti kong saad kay Thomas habang ngsisimula nang iakyat sa tricikle ang mga pinamili, tinulungan na din ako ni Thomas, na bahagyang kinakilig ko, nang pumasok na kami ni mildred sa loob nang Tricikle ay may binulong ito, "Paalala lang freynnnnd... hindi ikaw si Ellie ha, wag kang kilig to Da bones, hala kung ibang tao siguro d mahahalata yan, pero wag sakin, kitang kita ko kanina ha,.." kumpas pa nitong nang dalawang darilu na tila akmang susundot sa mata niya at pagkuway sa akin. "tama nga Ellizze, bawal mafall," ani ko sa isip,. "HAPPY ANNIVERSARY Mamu ,Papu!!!! " sigaw naming sabay sabay kasama ang mga staff nang Coffee Double E Delight, mamu at papu nadin kasi ang tawag nang mga staff sakanila ayaw nilang tawagin pa sila nang Maam at sir,napakaformal. may hawak akong maliit na cake, na may nakasulat dito nang "Happy Anniversary" , habang si Ellie naman ang sa flowers para kay Mamu, pagka close nang shop, nang 9:00Pm ay eksakto naman na nakaready na ang lahat nang surprise sa rooft top at sinabihan na din namen ang mga nakaduty na staff para dito,, sila na ang bahalang gumawa nang alibis para paakyatin ang magasawa dito sa taas, "Happy anniversary Tita,tito, " si Mildred na may isang regalo din sabay beso kay mamu at yakap kay papu, "Happy Anniversary tita and tito, " ganon din si Thomas na may bitbit naman na isang bilaong, sapin sapin na luto pa daw ni mamay niya, at humalik sa pisngi ni Mamu at kumamay kay Papu, hindi din daw makaka punta ang mamay nang naitanong itp ni mamu sakanya nadinig kong sabi niya habilin nito kila mamu at papu dahil dinadaing ang pananakit nang likod. sumunod ang iba pang mga staff nakapila sila sa kani kanilang mga regalo, at pagbati, nasa likodan ako at masayang masaya sa nakikita na masaya ang Mamu at Papu, napakaliit man nang surpresa ay masaya pa din sila makikita mong nakapagenuine nang mga ngiti nila, parang natanggal din ang pagod namin makita lang masaya sila mamu, ganon din masaya sila dahil halos lahat nang staff ay nandito parang parte na din kasi sila nang pamilya, parang mga anak nanga nila kung ituring ang mga ito dahil mas matagal nila itong kasama sa araw araw kaysa sa amin ni Ellie, "Ang saya nila Mamu at Papu no, " nagulat ako, sa biglang dunggol sa katawan ko ni Ellie, "Oo, ang sarap sa pakiramdam, ang saya lang,kahit maliit na bagay worth it yong pagod, basta well appreciated " ngiti kopa.. "oo naman,wala na kong mahihiling pa, para sakin napakaperfect na nito, ikaw,ako, si mamu si papu, basta kompleto tayo,magaan ang lahat" abot pa nito sakin nang balat nang litson, nanginginain na din kasi si Ellie, mukang dala nang ibang staffs ambag sa handa may pagkaboyish din kasi ito, mukang napainom na ata nang ilang kalalakihan na staff, "Ellie, Ellizze, mga anak ko,halina kayong dalawa, mgpicture tayo, naku mga dalaga na talaga ang mga anak ko, sila ang tangin yaman nang papu," turan ni Papu sa mga staff na kababaihan na my kanya kanyang celphone na nakahanda para sila ay kuhanan nang litrato. "ang gaganda nga po nila, napakaswerte niyo po sakanila papu" ani nang isang staff, "Oo nga po, naku napaka- ligawin nang mga itsura wala pa po bang umaaligid sa dalawa?" ani naman nang pangalawa "Ay naku mga iha, hindi pa pwede ang mga kambal kona yan ,mga babies ko pa yan, di pa sila pedeng paligaw, diba Anselmo,?" ani Mamu kay Papu, tipid lang na ngiti ni Papu kay Mamu "Naku dadaan muna sila sa pagtatanim nang kapeng Barako ko, at dapat din marunung silang magtimpla nito..." ani nang ama, "Naku, ang strikto, pala ni Papu, o sino dyan ang mga nagbabalak, simulan niyo na muna kay Papu oh" saad naman Ni kuya Rixor nang pabiro at makahulugan pang lumingon kay Thomas, ito ang pinaka matanda sa lahat nang staff ang Head Chef Coffee Double E. Napuno naman nang tawanan sa roof top , ang sasaya nilang lahat, Napayakap naman kaming kambal nang sabay kay Papu, "ang saya nang gabing to" , bulong ni Ellie kay Ellize itutuloy.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD