The Glamorous Night

3556 Words
"Hey kuya, Ellizze come here,lets eat now" kaway nito saamin nang kapatid ni David nang matanaw kami buhat sa hagdan paakyat sa veranda, "manang norma, can you please add some plate and spoon here, and oh yeah black coffee for kuya, ikaw ellizze? what do you like?" sabay tingin uli sakin nito ,habang ako naman ay inaayos na ang sarili sa pagkakaupo nang katapat sakanyana silya. "ahm...juice nalang Shellane," ani ko at nginitian ito, "How's the perfume and Gold business going in singapore? lane? " sabad naman ni David sa aming dalawa, habang umuupo na din si mommy naman ay sumenyas lang na tutungo muna sa kusina upang tulungan si Manang sa mga kukunin sa kusina, napaka mapagkumbaba at walang arte din kung maituturing ni mommy taliwas sa mga sinasabing Donya or mayamang ginang na napapanood ko sa mga palabas sa telebisyon or nababasa sa nobela. "Kaw naman kuya, ang kJ mo!" sabay irap ni Shellane at padabog na hinihiwa ang bacon na nasa kanyang pinggan. "Everything is Fine, with the perfume and even in the Gold business , the factory and Also our Engineering agency off course Dad is guiding me aswell" tinaasan niya pa nang kilay ito, sa loob loob ko sana wag na nilang pagusapan ang business sa harap ko, ma wawala na naman ako sa litrato,pakiramdam ko tuwing ganito ang nagiging paksa nila ay lumilipad ang utak ko,at hindi nakakasabay sa anuman pinaguusapan nila na lalong kinaliliit nang tingin ko sa sarili ko, "and oh please... lets not talk about that now, pagod ako may jetlag ako, and for sure Ellizze cannot stand also listening with those matters at the moment esp she cant relate pa, " sabay lingon ulit sakin pagtapos isubo ang hiniwa naman niyang pancake na sinawsaw sa maple syrup, "Right Ellizze?" "Kung bakit ba kasi ayaw mong magcontinous na si Ellizze sa college niya and mag Ojt na sa company natin atleast ,little by little nafafamiliarize na niya ang business and company ".dugtong ulit niya habang busy si David na Sumisimsim sa kapeng kakahain lamang ni Manang Norma. "You talk too much Ryxie Shellane ,tinanong kolang kung ok kaba sa ginagawa mo or baka naman nagbubulakbol ka sa pagpapatakbo sa business since ikaw na ang naghahandle nang mga business nang family sa singapore kung ano ano sinabi mo, " habang binaba ang tasa at tila sumeryoso. "Ellizze will continue studying maybe after two years, as of now I wont allow it yet,there is alot of things to settle than that." sinulyapan niya lang ako at nagpatuloy na sa pagkain nito. "you know what,you are always like that, being so strict and possesive as hell with ellizze and Kj mo, hindi monalang kasi sabihin na ayaw mo pa siyang bumalik sa school kasi pnapriority mo din na makabuo na kayo, and takot ka na baka mamaya ang daming umaaligid aligid din sa university kay ellizze,hmp". mahabang litanya nito, straight forward talaga si Lane at hindi takot makipagusap sa kuya niya, normal na sakanila ito nasanay na din naman ako hindi naman ito ang unang beses kong nakitang ganito sila, at hindi din magiging huli, normal lang na batian at asaran nila ito mas madalas lang talagang madaling mapikon si David dahil napakaprangkang tao nang bunso nila. 25 years old na si lane pero pakiramdam ko magkaedad lang kami,nakahanap ako nang isa pang kapatid sa katauhan niya,madaldal siya, makulit at outgoing, very opposite nang Kambal ko,kaya naalala ko din minsan si Ellie sakanya dahil sa sa pangalan na madalas ituran nang kuya niya kap as g sumseryoso na ito, Siguro kasi sa pandinig ko, magkaRyhme kasi sa first name niyang Ryxie and second name ni Ellie na Marie,maari.... hindi ako sigurado o sadyang namimiss ko lang siguro ang kambal ko. "anyways kuya,Ill borrow Ellizze after this brunch, we will check the gowns that she will be wearing for tonights event and also we will visit a salon later for a new hairstyle so maybe you can check on Dylan while were gone, and baka kasi matagalan din kami you know Girls thing" diniinan niya ang huling turan habang winawasas pa sa ere ang kamay nito na kinangiti naman nito. "Saang salon kayo pupunta?bawal kayon lumayo" turan ni David, at titig pa nang seryoso salit salitan sa aming dalawa, "Hellow, sa friend ni mommy si Tito Georgi" si tito Georgie and Bff ni mommy at dito din sa batanggas ay prominente at kilala ang Salon nito,hindi naman kami makakalayo dahil siguradong magpapadala din si David nang mga tauhan at alam ko naman na wala akong oras namakatawid at makadalaw man langsa baryo namin. "ok, Ellizze just answer my calls when i call you ayokong paghihintayin niyo sila mommy sa event habang kayo baka matagalan sa salon," si David habang nagpupunas nang labi nito gamit at table cloth towel na nilagay niya kanina sa lap niya tanda na tapos na siya sa kanyang pagkain, isang tipid na tango lamang ang tinugon ko at ngiti dito, "Tito David!!!!" si Dylan kinalingon naman ni David at napatayo na din ito buhat sa hapag, dinaluhan niya agad ito habang si mommy naman ay lumalabas buhat sa kitchen at dala ang ibang pagkain, "Naku ang Magtito, miss na miss mo na si Tito Mo Dylan?" ani mommy habang papalapit sa mesa,nilapag ang bitbit nito at hinalikan ang apo, buhat na ito ngayon ni David habang naglulumikot ito at humahalik naman sa pisnge ni David,kitang kita ko ang saya sa mata ni David at nagkakanda hagikgik marahil nakikiliti sa paraan nang pagpupog nang halik sakanya ni Dylan, "If I know,Kaya miss na miss ka nang pamangkin mo eh alam kasi niyang iispoil mo na naman siya sa mga gusto niya, am i right Dylan?" nakapamewang pa nang tumayo na ani Shellane sa dalawa. walang Ama si Dylan, nabuntis si Shellane, hindi niya inasam na ikasal sa ni Dylan,sadyang mali daw ang lahat nang pangyayari masyado lang siyang tinamaan nang kapusukan,sa edad na 20years old at nagaaral pa ay pinili niya padin na ipagpatuloy at isilang ito, naghiwalay na din sila nang boyfriend niyang nakabuntis sakanya nang malaman na hindi ito handang panagutan niya, sobrang hanga ako kay Lane sa tapang niya na itaguyod magisa ang anak at sa pagiging independent woman niya,single mom man siya ay hindi mo naman siya kakikitaan nang reklamo or hirap lahat kinakaya niya, "Tito,Lets play video games in play room, i brought mine" ani Dylan nang maibaba ito at hinahatak pa si David sa kamay upang igiya sa playroom "So pano girls?" lingon ni David saamin na napapatawa nalang at nagpapatangay kay Dylan, "You will have your Girl things right? we will have our Boy things naman,well see you later" kindat pa nito saakin, na kinayuko ko na lamang sa hiya, "Haist ang kuya talaga ang lakas mang spoiled, Ma!!! pagsabihan mo nga si kuya,baka lumaking Brat ang anak ko,!" nakapameywang pa din na lumingon kay mommy na pinapadyak pa ang mga paa nagkibit balikat lamang si mommy " Ill call your Dad na, he need to eat his lunch and time for his Meds" sabay tingin sa relo habang inaayos ang mesa at umalis na upang Daluhan sa Daddy na naiwan namin kanina sa Baba, nagdadabog padin na humalukipkip si Shellane na lumingon saakin, " Ellizze, bigyan mona kasi nang anak yan si kuya nang hindi ganyan kasabik sa bata,at nang malaman niya kung pano magpalaki nang sariling anak,tingnan kolang kung iispoil niya, sa stricto niyang yan,for sure magiisip siya," mahabang litanya nito na nakatingin nng muli sa pasilyong Dinaanan nang magtito papasok sa Playroom ni Dylan. "Hayaan mo pagsasabihan ko si David,for sure nasasabik lang siya kay Dylan," ngiti ko sakanya at ginagap ang palad niya,na kinangiti na lamang nang huli. Tonights Event: Everythings arrange accordingly nagdadatingan na din ang mga prominenteng bisita nila Daddy at mommy buhat sa singapore,u.s and europe may mga new investors,may mga shareholder nang company and yung iba acquaintances from business, and friends and also relatives nadin namin since we are also here in the Philippines as complete family. " Iho, " si Daddy, habang papalapit at mag hawak na wine, kasunud naman niya ang isang pamilyar na may kaedaran na lalaki marahil ay nakita ko na din ito. " Do you Remember Mister Gaston?" turan niya at pakilala dito nang makalapit nang husto. "Ah yeah, the owner of Gaston Holdings in spain? right? and your co developer in construction project in Dubai project, how are you Mister Gaston?" sabay lahad ko nang palad dito upang makipagkamay, sino ba naman hindi makakikilala dito napakaprominente at sikat din sa Uae ang pangalan niya, at pano ko naman makakalimutan nang minsan nireto sakin ang anak niyang babae, mabuti na lamang at hindi nakaugalian nang Daddy ba makialam sa mga desisyon ko pag dating sa personal na buhay, lalo naman si Mommy, ang gusto lang nila kung saan ako sasaya, inabot naman niya ang palad ko at kinamayan din. " Good,im Good iho, and nice to see you here iho, I thought you are so busy right now that you would'nt mind to come and join in this event". sabay halak hak pa nito, " No ,not really Mister Gaston, I made time for this event too,coz its been long time since I couldn't make it to singapore to visit mom and Dad and im quite busy here in the philippines since Im alone running the business here.that is why,but yeah...mom will be mad if I will not participate this event." ngumiti na din ako at kumuha nang isang wine na dala nang isang waiter na inaalok sa mga bisita at itinaas sa ere,senyales nang pagbati na din sakanya,at siya din at maging si Dad ay itinaas ang kanikanilang wine glass sa ere sabay kaming sumimsim, "Actually my wife and Ericka is here too with me," ani mister Gaston na kinatigil kosa pagsimsim sa wine glass na kinalingon naman ni Dad saakin. " its good that you are here,maybe you wanted to see her too,coz you know how my daughter was really excited to come with us , by any chance maybe she could see you here if possible since we flew from spain if ever she'll visit you in Manila after this Event"ani to na tila nahingi pa nang permiso. "luckily seeing you here in the event is a good sign." mahabang litanya nang ginoo. "Mister Gaston"ani ko ngunit hindi alam kung paano ipagpapatuloy ang nasi ituran, "Mister Gaston is just happy to see you,and seems excited for more conversation about business matters like before, he was so impress the way you analyzes the blueprints of the projects that we have showed from the past, remember iho?" ani daddy na tila iniiba ang usapan, ngunit ayuko nang paasahin pa ang ginoo. "Si,compadre, but more of that matters I see David also not as a potential co partner in the business but also somehow my Future Son in law" sabay halakhak pa nito, na kinatahimik namin Dalawa ni Dad, "Papa'' tinig nang babaeng kinalingon namin buhat sa likodan ko, "Mi amore' Ericka!, " kaway nang ginoo,na kinapiksi ko naman ang unti unting paglapit niya sa amin,ngunit hindi ko nalamang ipinahalata "David..." ani nang Dalaga nang yumabos sa braso nang ama at makalapit paharap saakin, unti unti nalamang akong nag angat nang tingin upang hindi naman magmistulang iniiwasan ko ang dalaga at ngumiti sa huli. "How are you David?," ngiti nito at hinawakan naman ako sa braso, "Ericka Im good,Im actually doing fine," ngiti ko dito "I've been looking for you at manila last two months I visit there, since my friends wedding is here in the Philippines I know your workplace site in manila right? you know what i couldnt even contact your number and your secretary wont allow me to get your personal number," malungkot na litanya nito. napalingon nalang ako kay Dad,at tila si Dad na mismo ang sumenyas na sabihin na sakanila ang totoong nangyayari, "actually one of the reason of this Event is not only for business,investors and so on" ani Dad nang nakitang tila naiilang na ako sa mag ama. "and what is it about compadre?" "compadre,for all the confusions and for giving respects also for the new member of this family,we have to finally introduce in order to officially show her to public as well, not only for business matters but also...." "Dad" putol ko dito at gusto kong ako na ang magpatuloy sa sasabihin niya, "Mister Gaston,Ericka... the truth is..." eeeeiiiiihhhh isang matinis na tunog na nagmumula sa harapan malapit sa pool area kung san mas maraming nagtitipon tipon hudyat na ini on na ang microphone. "Hello, mic test," Boses ni Lane "excuse me everyone,I would like to Get your attention all please," kaway pa nito sa ere. na nakasuot nang Gold cocktail gown kaya lalong kapansin pansin sa nagsasayawang ilaw ang kinang nang damit nito. "I just wanna interrupt your very little time chitchatting with amigos and amigas and business partners and long lost friends and love one first to please listen to my introductions" nakuha pang magbiro at dinig na dinig ang maliliit na tawanan sa kanyang tinuran ako naman at tila kinakabahan, sapagkat hindi pa nadadaanan nang mata ko si Ellizze nasan na kaya siya. " I guess I dont have the right to introduce her,but yeah its a privilege if ever if I will introduce,but i guess my Kuya,my older brother should be the one here right in stage in front of you,every one to tell one of the reason of this gatherings,lets call on Kuya David first" nadidinig ko man sa malayo ay gusto ko munang tapusin nang maayos ang paguusap kila Mister Gaston bilang respeto na din, "Mister Gaston,Ericka, this part of the event is not only for business proposals,business matters,merging of companys and meeting new investors,......"nagtatakang namamangha ang magama na nag hihintay nang sagot mula sa akin. "Id like you to know it first hand before i step on the stage to introduce her to everyone," ani kong muli, "what is it then?" ani Erika "iho ,you are here,por dios forsanto, andito kalang pala,Ellizze is waiting for you at the back stage,come on now,you need to escort her, "ani mommy nang dinaluhan ako, "kinakabahan na ang asawa mo,you know she is not used to so much crowd,yet you are nowhere to be found you should guide her instead" ani mommy, ani niyang muli. "Asawa?,esposa?" ani Mister Gaston. "Yes,Mister Gaston, We are here to finally officially introduce her as member of the family,as my wife,as Mrs.David Ralph Del Riva. " sabay tungo bilang pagbibigay respeto sa ginoo. "if you'll excuse me" ani ko habang ang mommy ay kumapit na din kay Daddy. "we are sorry for interrupting this conversation compadre but maybe we can continue it later,?" ani mommy nang nakangite sa kanila habang si Erika ay mukang natahimik na. "Si,comare' no problemo, take your time" ani Mister Gaston,. at tuluyan na namin silang tinalikuran. nauna na akong umakyat sa entablado,habang si Mommy ay iassist na lamang daw niya si ellizze sa likod. si Daddy ay nakihalubilo na sa mga tao sa harap nang stage. "bro, where had you been,? ikaw dapat ang gumagawa nito,its more of your event dude" ani lane. "sorry medyo nacorner kami ni Daddy nang isa sa mga business colluege niya," sabay kuha nang mikroponong hawak sakanya. "well thanks little sister,"at ginulo ko pa ang buhok niya," omygowd kuya yung hairdo ko ginugulo mo,mabuti nalang naka lugay lang ako,pasaway ka talaga," sabay irap at ayos sa buhok nito. nangingiti na lamang ako, kahit paano ay maasahan naman ang kapatid ko kahit madalas makulit. "is Ellizze ready?" ani ko "off course! she is more than ready" mayabang na turan pa nito, "lets wait and see baka maglaway kapa kapag nakita mo yung ginawa naming make over ni tita Georgie sakanya" "you talk too much,little brat,sige na bumaba kana don" buska ko at hindi iniintindi ang huling litanya niya habang inaayos ang mic at hinahand ang sarili sa pagsasalita sa madla. nang masiguradong ayos na ang lahat ay nagsimula na akong magpakilala. " Hello Ladies and Gentlemen, Co business partness,colluege of father in the business fields, our friends and relatives, and for some that still didnt personally know me,because there is a lot of times that I couldnt make it to every gatherings or even family event." mabang litanya ko at muwestra nang sarili sa dibdib. "I am David Ralph Del riva,the son of Diego Del riva and Maria Concepcion, I am also the one whose responsible of the business here that connects in the singapore and still make it a point to guide and mentor my younger sister Shellane, in operation of our business in singapore" sabay lahad nang kamay upang ituro c shellane sa kabilang dako nang stage. na pinalakpakan din nang mga tao. "I know some of you,were still confuse if what is really we wanted to say and introduce to all of you here right now," nagbubulungan na din ang mga tao ,tanda nang curiousity nila kung ano ba ang nais kong ipabatid. "hindi naman lingid sa karamihan dito and edad ko and I was actually a bachelor for so long and never show any girlfriends even in media for the last ten years." pagsasalaysay kopa. "But yeah,to cut this story short, and to cut the confusion of every one , I wanted to tell you all, that This year. for almost 8 months turning 9 mos to be exact ,I am already a married man." madaming tumili,madaming kinilig ,may nadidinig din akong bulung bulungan, tila lahat ay naging excited at nagaabang sa aking ipakikilala nang akin ituran na ako ay kasal na. "yes, I am a married man now, and i wanted ot Introduce to you ,my one and only beloved wife, my Inspiration,my dream...Ive been waiting for her for so long. i wanted to introduce to you, Ellaizza Luis Gonzales Del riva," nagpalakpakan na nang tuluyan ang mga tao sa paligid. habang unti unting niluluwa nang maliit na pintuan nang entablado, kumikinang sa dark blue satin gown, fitted at may konting slit sa kanyang kanan hita.maputi si ellizze kaya lalong nangibabaw ang kaputian niya na bumagay sa kulay nang suot,sa tumatamang mga ilaw sa dilim, nababanaag ko ang kabadong si Ellizze na unti unting lumalapit sa akin,na ngumingiting nakatingin sa mga mata ko,hindi ko napapansin halos ang tao sa paligid ko, tanging siya lamang ang nakikita ko sa pagkakataong ito. tila nawalan nang tinig ang mga tao at kakaibang musika ang pumapailanlang sa hangin,musika na malamyos na bumabagay sa bawat galaw niya,bawat hakbang at bawat sayaw nang mahabang gown na kumukurba sa katawan nito. nakatali ang buhok niya paikot na parang tinirintas at may mga maliliit na diyamante sa bawat hibla nito na siyang sanhi nang bawat pagkinang nito,hindi din nakaligtas saaking mga mata na mistulang iniba ang kulay na nito, kulay ash blonde nagmistulang isang holiwood actress siya sa paningin ko, hindi ko alam kung nananadya ang kapatid ko pero halos nahawigan ni Ellizze ang holiwood (crush) kong si Amanda Seigfried, ang cheesy pero totoo,bihira akong magkagusto sa isang babae,pero yun din ang napansin ko kay ellizze para siyang version nito, na ngayon ay mas napatunayan kopa,.... habang papalapit saakin si Ellizze ay parang gusto kong maluha, parang ngayon palang ata nagsisink in saakin na asawa ko na siya,siguro dahil, masiyado kong isinekreto ang pagpapakasal namin,bukod sa minadali, ay walang seremonyas na kagaya nito na unti unti siyang lumalapit saakin habang ako ay naghihintay sakanya sa entablado. walang "Pronounce you husband and wife" wala... dahil sinolo kolang lahat sa takot na magbago pa muli ang isip niya. "David...david..." "huy" namalayan konalang na nasa harapan kona pala siya at winawasiwas sa harap ko ang palad niya, nagtatawanan ang mga tao sapagkat nahuli nilang natutulala na pala ako. "kuya! Natulala kana dyan"ani Lane. nang mahimasmasan ay saka lang ako nagpalinga linga, nakangiting nakatingin saking mga mata si Ellizze tila natutuwa din sa reaction ko, "okey kalang ba?" anito hinawakan ko siya sa mga palad at ginagap ito nang madiin at matagal na siyang pinagtaka niya. "David?" tanong muli nito. "gusto mo na bang magpahinga baka pag..." hindi na ituloy ni Ellizze ang sasabihin. nawala na din kasi ako,sa pagpipigil. nagulat nalang siya nang siilin ko siya nang maalab na halik sa harap nang madaming tao. at niyakap ko pa siya nang mahigpit salat salat ko ang likod niya gawa nang backless pa pala ang pinili ni Shellane na ipasuot sa asawa ko, Lalo tuloy akong nagiinit nang unti unti kong maramdaman na tumutugon si Ellizze sa mga halik ko kahit sa harap nang madaming tao. tila nadala na din siya at nakalimutan na madaming nanonood saamin "Ilove you Ellizze" bulong ko sa pagitan nang mga halik. "ayieeee...ang sweet naman, "sigaw nang mga tao at nagpapalakpakan pa ang mga ito. napansin kong naiilang na si Ellizze ngunit binaliwala kolang ito, pinutol kong saglit ang mga halik upang sabihin ulit sakanya ang paulit ulit kong katagang babanggitin upang patunayan na mahal ko siya. at muling tinawid ang mga labi niya "I love you Too, Mr. David Delriva"... tama ba ang nadinig ko,...hindi ako sigurado...maingay madaming tao,... o baka nakikisama nalang din siya sa mga ito...para sakyan ang palabas... natigil lang ang lahat nang may nakakadestruct na palakpak at hiyaw na nagmumula sa bandang dulo. "Wow... congratulations cousin,Am i late?" "Leonel?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD