Simula

920 Words
Isang napaka busy na araw na naman sa Coffee Double E. Delight, nakangiting sumalubong si Elizze sakanyang Mamu at Papu na abalang abala sa bartending area. "mamu, papu" patakbo at payakap na lumapit at humalik siya sa mga pisngi nito, kakagaling lang niya sa eskuwela, ngayon ay nasa 3rd year college na siya sa kursong Bank and finance. "Naku anak salamat naman at nariyan kana, sige at magbihis kana,at kumain,pagkatapos ay tulungan mo si Ellie sa dining mag assist sa mga customer , kasama nang ibang tauhan natin, alamo naman Si Ellie hindi niya forte at pagassist sa customer mas gusto niya sa loob nang kitchen" ani nang kanyan ina. natatawang napatingin si Ellize sa kapatid sa dining na tila ba aligaga na nga at di mgkandatuto sa pag sistema sa mga hinahabilin at mga nagtataas nang kamay na customer na gustong lahat ay mabigyan pansin ang nais.. kulang sila sa Dining staff ngayon , dahil na rin may dalawang nakabakasyon tatlo lamang ang dining staff na naghahalinhinan sa ngayon sa mg gawain bukod sakanya at sa kanyang kapatid na kapag my libreng oras at walang eskuwela ay natulong sa dining area.. Bilang isang masiyahin at palangiti tila ba sisiw lang kay Elizze ang pagsistema nang mga customer madalas pa nga ay siya ang laging inirerequest nang mga regular client dahil napakagaan niya sa trabaho ,napakapalakaibigan at palaging may ngite na humaharap sa kanila... Kabaliktaran naman ito nang bunsong kapatid niya,bagkus mahal din nito ang coffee shop at inaalagaan, mas nais niyang nasa kusina tumatambay at tumutulong, mahiyain siya kumpara sa ate,kaya naman din siguro ang kinuhang kurso nang kapatid ay sa kusina kung saan, mga kutsilyo, kaldero , mga sangkap ang mas gustong kasalamuha, specialty ni ellie ang magluto, magbake at gumawa nang ibat ibang recipe. "Papu, mamu sige po,bibilisan kona muna akyat nako sa kwarto para makapgbihis at makatulong" ani ni Ellize na walang inaksayang oras at kinuha na ang mga gamit paakyat sa ikalawang palapag nang kanilang bahay. hindi na din nagabalang sumagot ang magasawa dahil sa napaka abala nang mga oras na ito, tanging tumango lang ang ina habang chinecheck ang mga platong may laman na pastries at kung tama ba ang mga numerong nakalagay sa tray na pagdadalahan nito, ang ama ay ngumiti lang ,napakabusy din nito na tinutulungan ang isang nasa mga edad din niya na bartender sa mga coffee orders nito. Nadaanan niya si Ellie, na nakatalikod pa, at may kausap na customer napapangite lang siya na sa loob loob ay kausap ang sarili " ayan dapat masanay kang humarap sa tao, no choice ka, dahil dapat flexible ka " habang nakangiting paakyat sa hagdan at nilagpasan na ito, nang biglang may humablot sa buhok niya mula sa likoran na napatigil siya sa pagakyat, " Hoy Elaiza luis!!! dalian mong magbihis!!! at bumaba dito nang makatulong kana dito, aba stress na stress na ko" pabulong na wika ni Ellie, "Ellie! loko loko ka talaga ,hala makita ka nila mamu, mapapagalitan ka na naman, ang hilig mo kong ganyanin ,tandaan mo mas matanda pa din ako sayo! ha, nang 45minutes!," irap niya dito, "Abat kasi naman ATE" na tila talagan idiniin ang tawag niya kay Ellize. " Kanina ka pa nag mamaganda dyan, pede ba dalian mona , nakakastress na mga regular customer mo, andmi mong fans dito ikaw ang hinahanap! " "Saka isa pa toxic na ko dito, parang gusto kona magshut down pagod na ko kakaassist sa kanila gusto kona sa kitchen!" Pagsusumamo ni Ellie sa ate niya,na tila gusto nang maluha habang nakatingin sakanya at maya maya ay ,yumuko at nilaro laro ang hawak na bilog na tray, na tila batang gusto nang magdabog. Humalakhak naman si Ellizze na naawa na sa kapatid "Oo na,", sabay hawak sa baba nito at inangat ang tingin, "sige na, bibilisan kona po ang pagbibihis at hindi pa naman ako gutom bababa ako agad makakabalik kana sa kitchen, ito talagang kapatid ko naku nakapacute napakamatampuhin pa.." Habang pinisil pisil niya pa ang magkabilang pisngi at niyugyug ang muka nito. Kambal sila, pero hindi sila identical, kaya marami ang nagugulat dahil sa nakasanayan na ang kambal ay madalas magkamuka, "Ate talaga" kinurot naman ni Ellie si Ellizze sa kanyang tagiliran alam na alam nang bunsong kapatid niya ang kahinaan nito, na malakas ang kiliti nito sa may tagiliran. napuno nang hagikgikan sa may paanan nang hagdan dahil sa kanilang dalawang magkapatid na magkasundong magkasundo naghaharutan, sana laging ganito sana laging magaan ang buhay masaya at maaliwalas.. Hanggang sa unti unting lumalabo ang bawat eksena... tila naglalaho ang paligid, si Ellie, ang mga tao sa coffee shop, ang tunog nang mga tasa pinggan,at ang mamu at papu sa bartending area.... Napamulagat nang mata si Ellie, at napaupo sa kama, "akala ko totoo na, akala ko nandito na sila ulit..." napapaluhang bulong niya sa sarili nang mapagtantong panaginip lamang ang lahat. inikot niya ang mata sa loob nang silid, isang kulay puti at grey na pintura isang malaking kama, para sa dalawang tao... at tinignan niya ang ayos nang sarili walang suot na kahit na ano sa ilalim nang napakakapal na comforter dahil sa napakalakas na aircon sa loob nang silid. napangiti siya nang mapait " tama, ilan buwan na ba, walong buwan? simula nang maging ganito ang sitwasyon ko, kami ni Ellie.." "Ellie nasa kanaba?!" at tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. nasa ganoon siyang sitwasyon nang tumunog ang pinto nang banyo at lumabas ang isang bulto nang isang malaking tao, na siyang dahilan nang lahat nang ito. itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD