CHAPTER 67

1124 Words

-Natalia- "LOOK, Natalia. Ibaba mo iyan bago ka mapahamak dito," nakataas na kamay na saad ni Edward sa akin. Hindi ako isang hangal para makinig sa isang traydor. Isang malaking palaisipan kay Gray kung sino ba ang pagkakatiwalaan n'ya, pero ako ang iniisip n'ya kaaway. "Tumalikod ka bago ikaw ang mapahamak dito," seryoso kong saad. Kinasa ko sa harapan ni Edward ang hawak kong baril at muling itinutok sa kan'ya. "Natalia—" "Tumalikod ka!" inis kong sigaw kay Edward. Nauubusan na ako ng pasyensya ngayon kaya baka tapusin ko na s'ya ng 'di oras. Gaya ni Gray ay kumukulo rin ang dugo ko sa mga taong kasama ng taong pumatay sa kaisa-isa kong kapatid. Dahan-dahan na tumalikod si Edward kaya nagsimula akong maglakad palayo sa kan'ya. "Wag kang kikilos." Tinignan ko ang paa ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD