-Natalia- "AKO na ang bahalang pumasok loob." Himarap ko ang mga kasama ko. Alam na ni Gray na nandito na kami at hindi naman totoo na wala talagang tao dito sa likuran. Dahil lang sa plano naming pagpasok ay walang pinabantay si Gray dito para ako ang makapasok. Inangat ko ang hawak kong phone para iamgat sa sampong mga kataong nasa harapan ko na pumapalibot dito. "Hanggang wala pa akong signal ay wag muna kayong papasok," paalala ko. Masunurin naman sila kaya muli akong tumalikod. Tinignan ko ang mataas na bakod nito dahil handa kami ay mayroon na rin dala na hagdan. Kahit na mag-ingay ako dito ay walang gagalaw dahil kay Gray. "Buhay na kukunin si Gray," paalala sa akin ni Mario. Tumango ako sa kan'ya bilang sagot. Ang hawak kong baril ay nilagay ko sa likuran at nagsimula na ak

