CARA POV
“Dito ka sa second deck meron na kasi dyan sa first eh yung fourth year college”
“Ah, sige po madam salamat po” nasabi ko na lang sa may ari ng dormitory na titirhan ko. Isa akong studyante na galing sa medyo mabundok na lugar at hindi uso ang gadget dahil walang signal ng cellphone at internet connection kaya napilitan ako na dito mag-aaral sa bayan dahil sa bagong curriculum na pinapatupad ng Department of education na k to 12 na ibig sabihin ay kindergarten up to grade 12.
Grade 12 na lang ang mayroong graduation oh di ba ang saklap imbes na college na ako ngayon dahil sa bagong curriculum na ito ayon, high school na pinasocial, they are called it senior high school daming alam eh naghihirap na nga mga tao.
“One month deposit and advance ang kailangan mong bayaran bago ka tumuloy dito. Apat kayong magkakasama dito sa kwarto bawal magpapasok dito sa loob ng room niyo."
"Ang mga bisita don lang sa receiving area pwedi at iwasan ang maingay dahil nakakagulo sa ibang studyante na nag-aaral. Walang curfew hanggang 9 pm bukas ang pinto pero Nilolock ito kasi baka may pumasok na hindi naman tagarito at manloob. Nakalock na ang mga pinto non kailangan magchat o di kaya naman itext mo ang ka roommate mo para makapasok ka sakaling asa labas ka pa ng ganong oras.”
“Ah sige po salamat po” medyo maraming bawal pero sabagay dorm to kaya ganon talaga kaya binayaran ko na. 2300 lahat, 2000 sa deposit at advance tapos 300 sa susi kaya medyo malaki binayaran ko. Pero medyo okay na rin kasi maganda naman itong dorm medyo malawak may isang CR at shower room sa isang room kaya okay na rin.
“Ito ang kusina sa isang room mayroon isang area kung saan pwedi silang magluto at maghugas ng plato. Ayaw ko may naiiwan na hugasin sa lababo tinatapon ko sa labas doon niyo pupulutin."
“Ah sige po” ang dami ng sinabi ng land lady kaya lahat ng sinabi niya processing palang sa utak ko.
“At may mga cleaners schedule dito makikita mo don naka post don. Oo nga pala anong ang pangalan mo hija” ang dami ng sinabi pero di pa alam kung ano pangalan ng magdodorm.
“Alexis Cara po pero pwedi niyo po akong tawaging Alex” sagot ko
“Ah cge Alex oh paano aalis na ako text mo na lang ako kung may problema tapos post ko na lang do sa corner yong schedule mo ng paglilinis”
“Sige po salamat” hay. Natapos din ang mga sinabi ng land lady at makakapag pahinga narin ako nakakapagod din mag byahe galing samin kahit na 3 oras lang naman ang byahe ng jeep galing sa barangay na malapit sa amin papunta dito sa bayan.
"Hi!" Bati sakin ng mga roommate ko.
"Hello!" Sagot ko na lang tapos kunting tanungan sa basic background tapos nag ayos na ako ng gamit ko sa drawer na naka- assign sakin. Pagkatapos naglinis ng katawan at nagpalit ng damit nagpahinga na ako dahil maaga ang pasok ko bukas 7: 30 AM kaya kailangan ko na talagang magpahinga.
Unang araw ko ngayon sa Science Integrated School isa itong private school dito sa bayan ng Placers. Dito ko napiling mag-aral ng senior high school dahil maganda ang mga shifting ng schedule ng pagpasok. Kung saan pwedi akong magworking students dahil ang pasok ko ay half day lang. Ito ay morning class from 6 to 12 lang ng tanghali.
Pagdating naman sa tuition fee ko 60 thousands per year. Medyo malaki pero dahil half scholar ako ng SIS kalahati na lang ang babayaran ko at dahil sa bagong curriculum sagot ng government ang 17,500 sa tution fees ng lahat ng students ng senior high school.
Medyo malaki pa rin ang balance ko sa tution ko pero dahil first honor ako ng grade 10 sa school namin binigyan ako ng governador ng probinsya namin ng 10 thousand at 3 thousand naman sa mayor. Kaya wala akong problema sa tuition ko kailangan ko lang ayusin ang mga grades ko sa lahat subjects ko para di mawala ang mga scholarship ko.
“Miss pwedi magtanong saan dito yong ROOM GAS – 11 SECTION 1” tanong ko sa babae na nakasalubong ko. Medyo malawak ang school kaya nahihirapan ako hanapin yung room ko.
“Ah doon ka rin? ako nga rin di ko makita ang lawak kasi nitong SIS by the way im Anne Martin” sabay abot niya ng kamay niya sakin.
“Im Alexis Cara Vasques but you can call me Alex, or Cara” tinanggap ko yong nakalahad niyang kamay.
“So, we're classmate I guess cause we are same room and section.”
“Siguro” tipid na sagot ko medyo naiilang pa kasi ako eh. Kaya inaya niya na ako na hanapin yong room namin at sa wakas nakita rin namin. Asa 5th floor kami, medyo maaga pa naman kaya wala pa yong teacher naming first subject.
Nakamasid lang ako sa mga classmate ko kasi pansin ko yung iba sa kanila ay magkaka kilala na dahil nag-uusap na sila tapos nag tatawanan. Ako nakatahimik lang, si Anne naman nakikipag usap dito sa katabi niya. Ilang saglit lang ay dumating na first subject teacher namin, kaya agad na tumahimik ang buong klase.
“Good Morning Class!” bati ng teacher namin isa siyang babae na sa tingin ko ay na sa mid-30s na siya. Tingin ko naman ay mabait siya at maganda kahit medyo chubby siya.
“Good Morning ma’am..” sabay- sabay naman naming bati.
“Okey, you may now sit, first of all I would like to introduce myself. I am Joy Climente master teacher II, and I will handle your subject in Introduction in Philosophy. But before we start in our proper lesson, I want all of you to give simple introduction about yourself. Including why do you choose General Academic Strand. Is that clear?”
“Yes ma’am” chorus na sagot namin.
“Okey, we will start in alphabetical order”
Wala kaming ibang ginawa hanggang matapos ang time namin medyo di ko naman tanda yung mga pangalan ng mga classmate ko kasi ang dami namin. Hanggang natapos ang lahat ng klase ko ay puro introduction to yourself.
Kaya ng matapos na ang lahat ng klase ko ay agad na akong lumabas nagpaalam muna ako kay Anne bago umalis ng school. Kasi kahit first day palang ay medyo naging close ko na siya masasabing siya ang kaibigan ko sa school.
Naghanap muna ako ng computer shop. Kung saan ako pwedi gumawa ng resume ko, dahil balak ko maghanap ng lugar kung saan ako pwedi magtrabaho.
Bago pa maubos ang maliit kung pera na dala. Na naipon ko ng bakasyon bago pumunta dito sa bayan. Wala rin kasi akong aasahan sa mga magulang ko, dahil hirap din sila sa pag-araw araw na gastusin. Tapos may mga kapatid din akong nag-aaral sa lugar namin.
Pagkatapos ko maggawa ng resume at mag paprint. Naglakad lakad muna ako, habang naghahanap ng mga part time job na pwedi kung applyan. Nagpasa lang ako ng nagpasa hanggang sa maubos ko yung 5 printed kung resume.
Sa mga coffee shop ako nag apply kasi madalas sila ang bukas 24/7. Kaya sigurado na kailangan nila ng mga tauhan hanggang gabi. Medyo gabi na rin ako nakauwe sa dorm namin.
Wala pa yung mga ka roommate ko kaya naglinis na ako at humiga. Kasi wala pa naman ako assigments at hindi na rin ako kumain. Nakakain na ako kaninang tanghali sa karinderya sa labas kaya hindi pa ako gutom.
Kailangan ko rin kasi magtipid para sumapat pa ang pera ko habang wala pa akong nahahap na trabaho.
Maaga ako gumising para pumasok sa school, ayaw ko kasing malate. Tapos maglalakad pa ako papuntang school, dahil nga sa nagtitipid rin ako. Pagdating ko sa school kunti palang ang bilang ng mga studyanteng pumapasok. Kaya nagtambay mo na ako sa isang bench sa ilalim ng puno.
Simula dito makikita mo kung gaano kaganda ang pagkaka design ng SIS. U-shape style ang building na may taas na 15th floor.
Sa harapan o yung naka vertical na building ay tinatawag na academic building. Dahil dito ang mga rooms ng mga studyante na academic ang strand.
First one or in the top of academic strand is Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM) they are the students who wants study a higher courses in college like medicine related, engineering, Lawyer, scientist and other difficult courses, meaning students who are studying under this strand are all intelligent academically.
Second is Accountancy, Business Management (ABM) they are the student preparing business courses in college also the students of this strand is academically intelligent.
Third one is the Humanities and Social Science (HUMSS) the students who will take this kind of strand may pursue soft science in college also they are academically intelligent too.
While the last academic strand is the General Academic Strand (GAS) usually the students who take this kind of strand are the students didn’t yet know what courses they will take in college time so, they are all undecided.
Then, their subjects are composition of the subjects from the first three academic strand. But, other students take General Academic because they want to be a teacher someday and they seeing that this strand is fit for education courses.
The right wing of the building is for the students who are under Technical Vocational. They want to have a TESDA certificate amd they pursuing it, because they want to find work after senior high school. And, other students didn’t see their selves studying in college.
While the left wing ground floor is the school cafeteria. While the rest from second is the school organizations office likes the academic clubs and of course Senior Students Council (SSC). Then, third floor is the school library, while the fourth floor is the computer lab.
Then the next two floors are the science and other laboratories. While, the rest are from the extracurricular clubs, like dancing, singing, photography, the school publication, broadcasting and other clubs.
The separate building is the admin building the school administration offices and other faculties.
“Good morning ang aga mo pumasok ah.” dumating na pala si Anne di ko manlang napansin.
“Good morning din,” sagot ko na lang.
“Tara na nga pasok na tayo sa room, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” biglang niyang tanong habang naglalakad kami.
“Wala lang, iniisip ko lang kung saan pweding magtrabaho. Kasi walang tumawag sakin don sa limang café na inapplyan ko. Kailangan ko na kasi ng trabaho e.”
“Ah ganon ba working students ka rin pala. Pareho talaga tayo kaya siguro tayo agad ang close no? hayaan mo may bakante pa don sa restaurant na pinag tatrabahuan ko. Pwedi ka don, sasabihin ko na lang kay manager.”
“Talaga salamat Anne, pangako di ka mapapahiya sakin” parang nabuhayan ako ng dugo sa sinabi niya.
“Gaga, sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayong mga dukha.” kaya sabay na lang kaming tumawa halos pareho kasi kami ng estado sa buhay.
Pagdating namin sa room, ilang saglit lang ay dumating na rin ang teacher namin. Wala namang ginawa kasi first day rin namin sa klase na iyon, kaya self-introductory lang rin ang ginawa. Maliban na lang sa last subject namin.
“Good morning class I’m Michael Estrada." Pakilala nito sa sarili niya. "Master teacher I." Halos karamihan sa mga teacher namin tapos na ng masteral.
"Hindi na tayo mag self-introduction gusto, makilala kayo through your active participation in this class. Alam ko naman na medyo magkakakilala na kayo dahil nagpakilala na kayo sa ibang subject."
Siya lang ang mukhang teacher namin na hapit sa pagtuturo.
"So, our subject is all about contemporary arts. And, I’m not like the other teachers who teach lesson to all arts students with the same topic. In my case, all of you have your own choice, what arts you want to study. I have here a choices. Broadcasting, painting, singing, dancing, sculpture, literature, architecture. So, what you need to do is to choose one. Then, write it in one eighth sheet of paper then, pass it in front."
Mahabang paliwanag ng teacher namin. Tapos after namin pumili nagbigay na siya ng lesson at assigned room kung saan kami magkaklase.
Dahil sa magkakaiba kami ng pinili kaya magkakaiba kami ng magiging room during contempory arts subject. At magiging classmate namin ang ibang section same strand na katulad rin namin ang pinili sa subject na ito.
Magkaiba kami ni Anne ng pinili painting siya samatalang ako naman ay literature. Mas gusto kasi magsulat at magbasa lang.
After class namin magkasama na kami ni Anne sa restaurant na pinagtatrabahuan niya. Naging okay naman mabait yung manager ng restaurant sa katunayan pwedi na agad ako magstart.
Eight hours ang pasok namin sa restaurant kaya mga 9 pm na ako makakauwe ng dorm. Buti na lang walang kaming curfew kasi yung mga college students may time na gabi na rin talaga sila umuwe.
At every weekend wala kaming pasok sa restaurant, kaya may time ako gumawa ng iba kung assignment. At pwedi ring humanap ng ibang part time jobs para dagdag kita rin.