Sa Pananaw ni Ayesha
"Hindi nila puwedeng malaman 'to!" Nalilito man, pilit kong sinundan ng tingin ang paikot-ikot na si Lilia. Para siyang balisa. Maya-maya'y napatigil siya't tumingin saakin. "Ate Ayesha, Usted deber come with me," (Usted deber - You should)
Hindi ko naintindihan ang una niyang sinabi. May kakaiba sa batang ito. Nakakapag-salita siya ng Ingles! Wait. Talaga namang hindi imposible na may makapagsalita ng Ingles 'diba?
Marunong ako ng Ingles. Pero, bakit ganito? Mula ng magising ako kanina, wala pa akong narinig na nagsalita ng English. More on malalim na tagalog. Ganito ba ang probinsya? Hindi ko in-eexpect na may mga malalim pang magtagalog bukod sa mga lolo at lola.
"A-anong sa-sabi mo?" Tanong ko dito. Napakamot siya sa batok at agad na kinuha ang salamin. Weird. Ang weird no'ng salamin. Maliit ito, sing laki lamang ng isang pakwan. Nakabaan ito sa lupa pero ng kuhain ito ni Lilia, parang nahulog lang na bagay ito.
"Sabi ko kailangan mong sumama saakin," sabi niya. Kung makapagsalita siya ay para na siyang 17 years old na babae. "Mahuhuli nila ako, kailangan nating makaalis dito," sabi pa niya.
"Huhulihin? Teka? Bakit ka nila huhulihin!? Ba't ako sasama sa'yo? Wait. Paano ba kasi ako napunta dito sa lugar na 'to!?" Gulong-gulong tanong ko.
"Kailangan muna natin makaalis dito Ate Ayesha. Dahil kung hindi pa tayo makakaalis dito, baka hindi mo na malaman kung bakit ka nandidito," makahulugang ani niya.
"Ayun!" Malakas na sigaw ng mga kalalakihan mula sa likuran namin. Napatingin ako sa likod. Mga lalaking nakasuot ng Camitsino ang galit na galit na papalapit. May hawak silang---Itak!? Nakasobrero sila na kagaya ng sa magsasaka, at may pulang tela sa leeg nila.
"Ate Ayesha! Takbo!" Sa hudyat ni Lilia, parang saglit na naging slow motion ang lahat. Kaagad akong napatakbo at sinundan kaagad si Lilia.
"Bakit ba nila tayo sinusundaaan!?" Sigaw ko kay Lilia ng maabutan ito. Sing bilis na namin ang kabayo kung tumakbo. Lalong doble ang bilis ng mga lalaking sumusunid saamin.
"Dahil dito," tugon ni Lilia sabay hagis saakin ng makinang na bagay.
Kung hindi ako alerto, baka hindi ko na nasambot ang ibinato niya. Isa itong salamin. 'Yong salamin kanina sa lupa. "Dahil lang sa salamin!? How patethic this guys! Tsaka, bakit may hawak silang itak? And what's with that outfit!?" Sunod-sunod kong tanong.
"Hindi lang bastang salamin 'yan. Kaya niyang makita ang mangyayari at ang nangyari. Puwede ka nitong ibalik sa nakaraan, at puwede kang ihatid nito sa susunod na henerasyon!" Hingal na hingal na tugon niya.
Nang may makitang eskinita, kaagad akong hinatak ni Lilia papunta dito. Mabuti na lamang at walang gaanong tao na humaharang sa dinadaanan namin, kung hindi, baka nahabol na kami ng mga humahabol sa amin.
Nagtago kami sa isang bangketa, mukhang isang palengke ang napuntahan namin. "'Di puwedeng mawala ang bata! Hanapin! Madali!" Agad na nagtakbuhan ang ibang mga naghahabol.
Hinintay naming makaalis ang lahat ng humahabol saamin bago kami lumabas sa pinagtataguan namin. Lumasap muna kami ng hangin at marahang nagpahinga.
"Ngayon, kailangan ko na ipaliwanag sa'yo ang lahat," panimula ni Lilia. Sumeryoso ang mukha ko ng makitang seryoso ang mukha niya. "Ang salamin na hawak mo ay tinatawag nilang Salamin ng Panahon. Kaya nitong ibalik ang isang tao—"
"Sinabi mo na 'yan kanina e," sabi ko; pagputol ko sa sasabihin niya.
"Paumanhin. Sige. Kagaya ng sinabi ko kanina, kaya kang ibalik niyan sa nakaraan at sa susunod na henerasyon. 'Yan ang gamit ko, nang makita mo ako sa fieldtrip?--niyo," sabi niya.
"What do you mean?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya. "I mean, anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Siguro isa ang probinsya na ito sa mga lugar na walang lugar para sa paaralan. Kaya hindi nila alam magsalita ng English.
"Ah. Ang panahon na ito, at ang panahon kung saan mo ako nakita, ay magkaiba. Ang taon kung saan ako napunta—kung saan mo ako nakita, ay ang taong 2017. Ang taon ngayon, kung saan ka nakatayo, ay taong 1869."
"Nagbibiro ka lang 'di ba? Imposible naman 'yon!" Sabi ko, medyo natatawa sa mga salitang binigkas niya. "1869? Panahon ni kopong-kopong? Like what the hell?"
"Hindi ako nagbibiro," halata sa itsura niya na seryoso siya sa mga sinabi niya.
"Sige. Sabihin na natin na I believe what did you say, pero paano mo mapapatunayan kung totoo nga?" I asked, sa tono na nag-hahamon.
"Wala na tayong panahon, Ate Ayesha. Nanga-nganib na ang salamin. Nanga-nganib ka na din," walang anu-ano'y nag-lakad siya kasama ang salamin na kanina'y pinag-papasapasahan namin.
"Lilia! Ayst!" Sumunod ako sa kaniya. Kahit bata siya, her steps are too big for her height. "Paanong nanga-nganib?" I asked her, mas kalmado na kesa kanina.
"'Yung mga katipunerong humahabol saatin kanina, sila ang mga katipunerong taksil sa hukbo ni Bonifacio. Hawak sila ng heneral ng lugar na ito, at kung nahuli nila tayo, katapusan na natin," paliwanag niya.
"Paanong taksil?" tanong ko.
"Madami ka pang kailangan malaman sa mundo ni Rizal at Bonifacio. Isa na dito ang pinakaunang babaeng naging katipunera. Siya si Juanita Jasmin Hernandez," simula niya. "si Juanita ay isang ahm. . .anong tawag sa yung dikit ng dikit sa isang tao?"
"Malandi?"
"Kung 'yan ang tawag niyo sa panahon niyo,"sabi niya. "Wait. . .WHAT!?"
Tumango lamang siya bago ituloy ang sasabihin, "Isa siyang malanding babae. At kung tinatanong mo naman kung bakit at papaano ako napunta sa taon niyo, 'yun ay dahil nawawala si Juanita. Ang tanging pag-asa ng 1869."