Living in this world is unexpected things that happened. May mga bagay bagay din na unexpected na nangyayari. Dahil ika nga nila, no one knows what will happen next. Kaya wala saatin ang makakapag sabi sa mga mangyayari sa buhay natin, unexpected things in life.
May mga tao din na bigla bigla na lang ding darating sa buhay natin at magkakaroon ng good and bad memories dito. Pero... Mawala man yung tao na iyon, alam natin na di mawalawala ang koneksyon natin sa kanya. Dahil naniniwala ako na once na nagkakilala kayo, you bond your connection to him or her, may memories na kayo eh at may masasabi kana rin tungkol sa kanya.
Katulad ko, may isang tao akong nakilala, nagkaroon kami ng memories, good and bad. Yung bonding namin depende rin sa mood, kapag good mood edi maganda ang bonding pero syempre di nawawala ang away, issue at kung ano ano pa. Ang sistema kasi, nagkaroon ng ibang paglalaanan nya ng atensyon kaya nawala yung bond namin. Hanggang sa parang naging stranger na rin kami sa isa't isa, tulad noong una, para kaming bumalik sa umpisa. Hanggang tingin nalang ako sa kanya, sa update niya sa social media. Pero alam mo yun, yung memories nandyan pa rin, ginagambala ka pa rin ng ala-ala nya. Dahil kahit saan ka pumunta, nakikita mo sya. Kasi nga, may memories. Paminsan natatahimik nalang ako at iniisip na, sana pala di ako nagdesisyon ng ganun, dahil kung hindi, ganito sana kami.
Pero wala eh... Kahit anong gawin natin wala ng magbabago kasi nangyari na. Baka pag-ibig na nga ito, dahil nasasaktan na ako eh. Baka lang naman... Perhaps Love.