Maaga akong nagising para mag luto ng agahan at para makainom narin ng gamot si lola. Balak ko ring sabihin sakanya na ipag papatuloy ko ang trabaho niya sa mga mondejar.
Nag luto lang ako ng simpleng agahan.. hotdog at itlog tsaka sinangag na kanin.
"Ang aga mo naman yatang nagising?" bumaling ako kay lola na kakapasok lang sa kusina.
"Opo. Balak kopo sanang pumasok sa mga mondejar ngayon... okay lang po kayang ipag patuloy ko ang trabaho niyo sakanila?" Alanganin kong tanong habang nag lalagay ako ng pinggan sa mesa.
"Kung ganon ay sasamahan kita at nang masabi ko kay don rafael," sabi niya.
Tinanguan ko lamang siya at nag simula nakaming kumain.
Pagkatapos kumain ay pumasok ako sa kwarto para kumuha nang damit dahil maliligo na'ko. Wala kasing banyo ang kwarto ko kaya sa may kusina pa ako maliligo dahil may banyo naman doon.
Nang matapos ako ay dumeretso ako sa kwarto. Nasa harapan ako ngayon ng salamin at tinitignan ang ayos ko. Suot ko ngayon ang white dress na binigay saakin ni brineth. Isang taon na ito saakin. Ang tawag yata dito ay Chiffon Floral Dress. Ang sabi pa niya ay hindi naman mahal at nabili niya lang daw sa online. Makikita ang kurba ng bewang ko dahil sa dress. Hanggang hita ko iyon at may mga maliliit na bulaklak na design. Hindi naman maiksi makakapag lakad naman ako ng maayos at nag suot lang ako ng simpleng flat sandals. Sunod kong tinignan ang mukha ko. Naalala ko nanaman ang mga taong nag sasabi na baka gwapo at maganda ang lahi ko. My lips were red even if there's no lipstick. My eyes were almond shaped and my eyebrows are perfectly fine kahit hindi ko inayusan iyon. Natural na mamula mula ang aking pisngi. Kaya simpleng pulbos at lip gloss lang ang aking nilagay.
Hinihintay ko ngayon sa sala si lola dahil nag bibihis pa siya. Kinakabahan ako baka hindi pumayag ang mga mondejar. Kung ganon nga... saan ako hahanap ng trabaho? saan ako mag sisimula? Problemado naman akong bumuntong hininga.
"Goodmorning! goodmorning! ashliah claize andriano. Napaka aga mo naman yatang problemado diyan," Kahit kailan napaka ingay ng babaeng to.
"Anong ginagawa mo dito? napaka aga ang ingay ingay mo," tsaka ko siya binato ng tsinelas.
"Bakit, bawal naba akong pumunta dito?" kunwaring nag tatampong sabi niya.
Inirapan ko lamang siya sa kaartehan niya.
Saktong pag labas ni lola ay tumakbo si brineth papunta sakanya at yumakap sa braso ni lola.
"Lola! ayaw naakong makita ni liah! nakakasama ng loob," sabay irap saakin.
"Ang oa mo!" sabi ko at tumayo na.
"Ano ba kayong dalawa para kayong mga bata, aba'y ang tatanda niyo na," mahinahong sabi ni lola.
"Aalis po kayo? Saan kayo pupunta?" takang tanong ni brineth nang makitang naka bihis kami.
"Sa mga mondejar at sasamahan ko si liah," sagot ni lola.
"Sama ako!" excited na sabi nang kaibigan ko.
"huh? ano naman ang gagawin mo don?" tanong ko.
"Mag a-apply din ako ng katulong!" sabay ngisi saakin.
Napailing nalang kaming dalawa ni lola dahil sa sinabi niya. Wala rin kaming nagawa ni lola nang nauna pang sumakay sa tricycle si brineth nung pumara ako ng tricycle. Pero pinababa ulit siya ni lola dahil nakapambahay lang siya, Naka spaghetti strap siya at maliit na short. Pero dahil naninigurado ang kaibigan ko, sinama niya ako sakanila pati sa kwarto niya upang hindi daw kami makatakas. Napansin niyang suot ko ang dress na bigay niya kaya kinuha niya din ang kagaya ng dress ko samantalang kukay itim naman ang kanya. Parehas kami ng suot pero mag kaibang kulay lang at may mga bulaklak ang sakin samantalang sakanya ay walang design.
Nakapasok nakami sa gate ng mga mondejar. Kulay itim ang kanilang gate at kung titignan mo iyon makikita sa taas ang apelyido nila. Pagkapasok mo naman sa loob ay bubungad agad sayo ang berdeng paligid at iba't ibang kulay ng mga bulaklak. Kung titignan mo parang babae lahat ang nakatira at hindi mga lalaki. Buti at mahilig sila sa mga bulaklak.. natawa ako sa sariling isipan dahil ang cute kung mahilig nga sila sa mga bulalak halos kasi lahat ay mga babae ang mahihilig sa mga bulaklak.
"Ang ganda!" manghang saad ni brineth.
"Sa TV kolang napapanood tong ganto. Ngayon nasa harapan kona!" manghang sabi ko habang pinag mamasdan ang buong paligid.
"Sinisearch kopa noon sa google 'modern mansion' dahil pangarap ko iyon! ngayon ay nasa harapan kona! at mas maganda pa ang pag kakagawa nito!" Saad ni brineth at kumapit pa sa braso ko.
"Jusko! mag-aasawa nalang ako ng mondejar," bulong sakin ni brineth.
Pinitik ko ang noo niya. Sinimangutan niya naman ako.
"Halina kayong dalawa," sabi ni lola.
Sumunod kami kay lola. Habang nag lalakad kami ay napansin ko sa may bandang gilid ang mga sasakyan na naka garahe. May isang van na nasisiguro kong pang pamilya at siguradong mahal. May isang ford ranger na kulay itim. Kilala ko ang sasakyan nayon, yun ang ginamit ni fabian noong araw na dinala namin sa hospital si lola. Meron din isang kotse na siguradong mahal din. Maaliwalas ang garahe ng sasakyan kaya kahit siguro ilan pang sasakyan ay kakasya. Naisip ko tuloy na baka kulang pa ang mga sasakyan nila. Ang dami naman kung ganon.
"Ang gaganda ng mga sasakyan," si brineth sa tabi ko na nakatingin din pala sa tinitignan ko.
"Sa likod daw po sa may pool area," narinig kong sabi ng isa sa mga katulong.
Tinanguan lang siya ni lola eva at sumunod kami sakanila.
Nang makarating sa pool area ay naroon si don rafael. Ang mga upuan at mesa ay nakakatakot hawakan dahil parang mababasag kung ang hahawak ay isang mahirap kahit na kahoy pa ang mga iyon. Kahit yata saan ka tumingin ay may makikita kang mga babasagin. Hindi kaya natatakot mag linis ang mga katulong dito?
"Ang ganda! hindi ko akalain ito. Oo at alam kong sa labas palang ay makikita ng maganda ang mansion pero hindi ko akalain na higit pa sa sobra ang igaganda niya kapag nasa loob kana," bulong saakin ni brineth.
Naglakad kami papunta kung nasaan si don rafael.
"Goodmoring," bati niya nang makalapit nakami.
"Magandang umaga rin po," sabay naming bati ni brineth at napangiti naman si don rafael dahil doon.
"Magandang umaga, don rafael. Ah, ito nga po pala si liah ang apo ko," pag papakilala niya saakin. "At ito naman po si brineth kaibigan ni liah at parang apo kona rin," sabi pa ni lola.
"Aba'y napakaganda naman ng mga apo mo," saad ni don rafael sabay ngiti saamin.
"Hindi naman po," kunwaring mahinhin na sabi ni brineth pero alam ko sa loob loob niyan nagwawala na dahil nasabihan ng maganda.
"Maraming salamat po," sabi ko naman.
"Oh, Let's have a sit while wating for my children," sabi niya.
Sabay sabay naman kaming umupo, Ako naman ay kinakabahan dahil baka umayaw sila kung sasabihin ko na itutuloy ko ang trabaho ni lola.
Napatingin ako kung saan kami dumaan kanina nang makitang kong sunod sunod na dumating ang tatlong anak ni don rafael. Para akong nanonood ng mga modelong nag lalakad dahil ang ganda ng pormahan at ang gagwapo pa.
"s**t! s**t! ang mga asawa ko!" kinurot kurot ako ni brineth dahil hindi siya makatili nang malakas.
"Aray ano ba!" inis na sabi ko.
"Where have you been? pinag hintay niyo ang mga bisita," Sabi ni don rafael.
Mga bisita pala kami? nag mano ang tatlo sa kanilang ama. Napatingin naman ako sa naka shades na lalaki na nilapitan si lola upang humalik sa pisngi. Samantalang ang dalawa ay nagmano lamang.
"Shet! ako rin halikan mo," mahinang bulong niya sa tabi ko at titig na titig sa mga lalaki.
Kinurot ko siya sa legs kaya tinignan niya ako nang masama.
"Goodmorning there, beautiful ladies," bati nung naka shades.
"Goodmorning," Sabi nung kamukhang kamukha ni arthur. Bumati rin naman si arthur.
"Magandang umaga rin sainyo!" Masiglang bati ni brineth samantalang tinanguan ko lamang sila at binigyan ng matipid na ngiti.
Kung pag mamasdan sila isa isa masasabi kong pinaka seryoso sakanila si arthur. Yung kamukha niya naman ay seryoso din ngunit kung makikipag biruan ka ay baka sabayan ka niya pero si arthur ay parang laging seryoso sa buhay. Yung humalik naman kay lola kanina ay parang ang daming energy mukhang laging nakangiti. Samantalang ang bunso nila noong nakita ko ay parang nagmana kay arthur.
"Oh, by the way i'm isaiah asher, pinaka gwapo sa lahat," confident na sabi ng naka shades nag lahad siya nang kamay saamin.
"Ashliah claize, pero pwedeng liah nalang," Pakilala ko sabay kuha sa kamay niya.
"Natashia brineth," Pag papakilala naman ng kaibigan ko.
"Archer scott," Sabi nung kamukha ni arthur.
"Arthur scott, we're twins," He said and pointed archer.
Kaya pala mag kamukha ay kambal ngayon ay nalinawan na'ko dahil kanina kopa sila tinitignan pero parang mas kanina pa yata nakatitig ang katabi ko.
"Where's rius?" Tanong ni don rafael.
"Probably sleeping," Tamad na sabi ni archer.
"Anna, puntahan mo sa kwarto, pakisabi pinapatawag ko," sabi ni don rafael sa isa sa mga kasambahay ang hula ko ay hindi nalalayo ang edad namin.
Nagsimula nang mag hain ang mga katulong sobrang daming pagakain ang alam ko ay tapos na ang fiesta pero dahil nasa mga mondejar kami pakiramdam ko ay fiesta ulit.
"Wow! ano to fiesta?" Malakas na sabi ni brineth. Mahina ko naman siyang sinipa sa paa kaya napatingin siya sa mga kasama namin na naka tingin din sakanya, mukha yatang nahiya siya kaya yumuko nalamang, mahina namang natawa si don rafael.
"Oh, our bunso is awake," nakangising saad ni isaiah, lumabas tuloy ang dimples niya.
Lahat kami ay bumaling kay fabian na papalapit saamin na halatang bagong gising dahil magulo ang buhok pero bakit ganon? Parang mas lalong lumakas ang dating niya. Nakasuot lamang siya ng itim na khaki shorts at simpleng white v-neck t-shirt. Dahil doon ay makikita mo ang hubog ng katawan niya.
"Mahabagin," Bulong ni brineth.
Nang makalapit siya ay nagmano siya kay lola. Narinig kopang tinanong niya ito kung kamusta na si lola.
"Goodmorning," Bati niya saaming lahat.
Umupo siya sa tabi ni isaiah at kaharap ko siya ngayon. Nagkatitigan muna kami at agad naman akong nag iwas ng tingin.
Nagsimula na kaming kumain ang iba ay nag kwentuhan tungkol sa negosyo at iba pa. Samantalang inuubos kolang ang konting pag kain na kinuha ko dahil busog ako ay kaunti lang ang kinuha ko.
Nahuli kong masama ang tingin ni fabian sa pagkain ko kaya kumunot ang noo ko. Anong problema nito sa pag kain ko? Gusto niya ba? Nagkatinginan kaming muli at siya naman ang nag iwas ng tingin. Nakita kopang umigting ang panga niya bago sinubo ang pag kain niya. Galit ba siya? Saan? Dahil nakikikain kami?
"Don rafael, May gusto ho sana akong ipagpaalam," Panimula ni lola nang tapos na kaming kumain.
"Iyon bang titigil kana sa pagtatrabaho? Nasabi na saakin ni arthur," Sagot ni don rafael.
"Oho tsaka kung pwede po ay si liah nalang ang mag tutuloy sa trabaho ko," Mediyo nahihiyang sabi ni lola.
Gulat namang napatingin saakin si isaiah at fabian samantalang nakatingin lang sakin ang kambal. Mediyo nahiya ako sa tingin nila kaya tumingin nalang ako kay lola na nakangiti pala saakin kaya sinuklian ko ang ngiti niya.
"Marunong kang mag luto?" Tanong ni don.
"Marunong naman po, pero hindi kasing galing ni lola," sagot ko sa matanda.
"Pero pwede ko naman ho siyang gabayan kapag ipag hahanda na niya kayo ng makakain," Sabi pa ni lola.
"Well.. that's good. Hindi na kami mahihirapang mag hanap ng cook dito sa mansion," Nakangiting sabi ni don.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Sabay sabay kaming napatingin kay brineth ng mag salita siya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita ulit. "Uh, ako po pwede po ba akong mag apply ng katulong? O kahit anong available," Nahihiyang sabi niya.
"Merong available! Gusto moba?" Sabat ni isaiah.
"Talaga? Oo sige kahit ano!" Masayang sabi ng kaibigan ko.
"Taga laba ng undergarments ko," He chuckled when he said that.
Nalaglag ang panga nang kaibigan ko ng marinig iyon. Ako naman ay hindi ko alam kung seryoso ba siya o nag bibiro lang samantalang sabay sabay na umiling ang mga kapatid niya at ang ama niya.
"Isaiah!" Pagbabawal ni don rafael sa anak.
"Magaling kaba sa mga halaman?" Mahinahong tanong ni don.
"Ay opo! magaling po akong mag-alaga ng mga halaman," Masayang sabi ng kaibigan ko. Totoo naman iyon dahil may mga halaman din ang mama niya na naiwan at siya ang nag aalaga.
"Kung ganon.. ayos lang ba na ang magiging trabaho mo ay alagaan ang mga halaman na narito?" Seryosong tanong ni don kay brineth.
"Ayos na ayos po!" Tuwang tuwang sabi ng kaibigan ko.
Napangiti naman si don rafael at binilin niya pa kay brineth na alagaan ang mga iyon dahil kay donya leliana ang mga iyon, ang asawa ni don rafael.
"Buhay pa po siya?" curious na tanong ni brineth.
"Ofcourse! She's not dead," Seryosong sabi ni isaiah.
"Huh? pero-," Bago pa matapos ang sasabihin ng kaibigan ko ay kinurot kona ang tagiliran niya kaya napatigil siya. Mukhang nakuha niya naman ang gusto kong sabihin.
Halata naman kasi sa mga mondejar na ayaw nilang pag usapan si ma'am leliana. Lahat sila ay naging seryoso nang marinig ang pangalan ni ma'am leliana.
"Diba liah siya yung muntik nang makasagasa sayo?" Sabi ni brineth at tinuro pa si fabian.
"Ano yon, iha?" Tanong ni don rafael dahil nakita niya ang pag turo niya kay fabian.
Nagkamot pa nang ulo si brineth dahil hindi niya alam kung sasabihin niya ba o hindi.
"Ah, Hehe. Kasi po nung isang araw, ay! fiesta pala noon nagpunta po kami sa kaibigan namin-" "Ay! kaibigan ba natin yon," bulong sakin ni brineth kaya natawa ako.
"Pumunta po kami sa kakilala namin, tapos nung pauwi nakami may nakita akong batang patawid ng daan tapos may sasakyan na mabilis na parating.. kaya po sumigaw ako. Si liah po tumakbo papunta sa bata para iligtas kaya po muntik nang masagasaan si liah," Paliwanag ni brineth.
"And you're the one who's driving that car, am i right?" Sabi ni don rafael at bumaling kay fabian.
"Tumpak don rafael! Tapos alam niyo ba sinabi niya kay liah, 'kung magpapakamatay ka wag mong idamay ang anak mo' yun po ang sinabi niya," Parang na proud pa si brineth na nilaglag niya si fabian.
"Is that true? Fabian Rius?" Biglang naging seryoso ang boses ng ama niya. Parang nakikita ko si arthur sakanya ngayon.
Hindi ko alam kung mag sasalita ba ako o hindi, bakit ba naman kasi ang daldal nitong si brineth. Bago pa makapag salita si fabian ay nag salita naako.
"Naku! wala na po iyon, hindi niya naman po sinasadya at humingi naman siya nang tawad. Tsaka baka nagulat lang din po siya kaya... niya nasabi yon," Sabi ko kay don rafael bumaling naman ako kay fabian na seryosong nakatingin saakin. Naalala ko tuloy na hindi pa ako nakakahingi nang tawad dahil sa pag sampal ko sakanya.
"At.. ako nga po dapat ang.. humingi ng tawad dahil.. nasampal ko siya," Nahihiyang sabi ko habang nakayuko.
"You... what?!"
Napatingin ako kay archer nang bigla siyang tumawa na parang hindi makapaniwala na nagawa ko iyon sa kapatid niya. Sunod sunod naman nag tawanan ang mga kapatid niya at nakisali pa ang ama nila. Nagtataka ko silang tinignan na hindi makapaniwala. Bakit sila tumatawa? Hindi ba't dapat galit sila? Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"damn," Narinig kong bulong ni arthur habang natatawa.
"Ah, pasensiya kana nung nakaraan," Harap ko kay fabian.
"No need to apologize. He deserved that," Sabi ni isaiah at tumawa nanaman.
Inis naman siyang binalingan ni fabian. Kumuha si fabian ng saging sa mesa at isinubo iyon kay isaiah na tumatawa kahit hindi pa nakabalat. Dahil doon natigil sa pag tawa si isaiah.
"What the hell!" Sabi ni isaiah nang matanggal ang saging sa bibig.
Umiling iling lamang si don rafael. Aakalain mong galit pero makikita sa mga mata niya ang tuwa dahil nakikitang niyang nag-aasaran ang kanyang mga anak. Tahimik lang kaming nakatingin sa apat na mag kakapatid na nag-aasaran.
Pag katapos nilang mag-asaran ay kaniya-kaniya din ang alis nila dahil may mga trabaho daw sila. Si fabian naman ay naiwan wala yata siyang trabaho.
"Pano.. ayos lang ba sainyo na bukas na kayo magsimula sa trabaho."
Sabay kaming tumango ni brineth bilang tugon.
Pagkatapos ng usapan na iyon, sinabi ni don rafael na kung gusto ba daw namin libutin ang masion ay ayos lang daw. Dahil excited si brineth ay siya pa ang humila saakin upang umpisahang libutin ang mansion. Naiwan si lola, fabian at don rafael sa pool area.
Nang makapasok kami sa loob mapapansin mo kaagad ang mga mamahaling furniture. Pati loob ng bahay ay parang napapanood kolang sa tv noon ngayon ay nasa harapan kona. Kapag titingin ka naman sa may bandang hagdan ay mapapansin mo agad ang malaking picture frame kung saan nandoon lahat sila.. kasama si mam leliana.. bata palang ang apat na mag kakapatid doon.. naroon din ang iba't iba pa nilang mga larawan na mag kakasama. Malaki ang salas. Mas malaki pa sa bahay namin. Sa kusina naman ay maaliwalas din may mga magagandang gamit halos lahat ay nakakatakot hawakan. Mukhang mamahalin. Sa ikalawang palapag naman ay ang walong kwarto at ang ika siyam ay parang gym.. gym nga yata iyon. Hindi na namin pinasok isa isa ang mga iyon. Mula sa ikalawang palapag at kapag tumingin ka sa baba ay makikita mo kung gaano kaaliwalas ang sala.. hindi pa kasali roon ang kusina.
Sa huling palapag ay parang pahingahan lamang iyon. Kung aakyat ka ng tanghali dito ay may maliit na silungan upang hindi ka mainitan may couch doon at mini table na maayos ang pag kakaayos. Pero mas maganda rito kapag gabi dahil malaya mong makikita ang buwan at mga butuin sa langit. Makikita mo rin ang iba't ibang klase ng pananim na nakapaligid sa mansion.
Nakakapagod man ay sulit naman dahil sa ganda ng mansion na ito. Nang matapos kami ay nag-aya narin umuwi si lola upang mas makapag pahinga padaw siya para masamahan niya ako bukas. Sinabi ni don rafael sa driver niya na ihatid kami kaya hindi na namin kailangan mag tricycle. Nang nasa loob nakami ng sasakyan ay nakita ko si fabian na pasakay rin sa sasakyan niya na parang nag mamadali.
Pag dating namin sa bahay ay pumasok ako sa kwarto ko at binagsak ang katawan sa kama dahil sa pagod.