CHAPTER 5

3014 Words
"You're avoiding me." Hindi iyon tanong. Napa pikit nalang ako nang mariin. Nang mag mulat ako nang mata ay nasa harapan kona siya. Tumikhim ako at umayos nang tayo. "Ah, may gagawin pa po ako," Lalagpasan kona sana siya nang harangan niya ang dadaanan ko. Kunot noong inangat ko ang tingin sakanya. "Why are you avoiding me?" Ramdam ako ang inis sa boses niya. "Hindi-" "Yes, you are!" Mariing sabi niya. Teka nga bakit siya nagagalit? E ano ngayon kung iniiwasan ko siya? Bakit parang bigdeal sakanya yon? "Hindi kita iniiwasan," Kalmadong sabi ko. "Really? Eat with me, then." Hamon niya. "Hindi ako guto-" Napatigil ako sa pag sasalita nang tumunog muli ang tiyan ko. Nakita kong dumilim ang tingin niya saakin. s**t! pahamak kang tiyan ka! Sana lumubog nalang ako sa kinatatayuan ko ngayon! "Yeah, you're not hungry," Sarkastikong sabi niya. Humakbang siya palapit saakin, kaya humakbang ako paatras. Ayaw kong malapit siya saakin! Parang lalabas ang puso ko kapag malapit siya saakin. Palapit siya nang palapit saakin habang paatras naman ako nang paatras. Hanggang sa makapasok nakami nang kusina ay hindi parin siya tumitigil sa pag hakbang. Tumigil ako sa pag atras, nag babakasakaling titigil din siya. Mabilis kong pinagsisihan ang pag tigil ko dahil hindi siya tumigil! Sobrang lapit nanamin ngayon sa isa't isa! "Let's eat, I know you did not eat breakfast and it's already 1:00 p.m for lunch. We both know you're hungry." Aniya at hinawakan ako sa palapulsuhan, hinila niya ako papunta sa mesa kaya wala akong nagawa kundi magpatianod. Nakaupo nakaming dalawa ngayon. Magkaharap kaming dalawa. Hinihintay ko siyang matapos sa paglalagay niya nang kanin sa plato niya. Napakarami naman nang nilalagay niya, hindi paba siya kumain? Mukhang gutom na gutom. Nagulat ako nang nilagay niya sa harapan ko ang sinandok niyang kanin. Akala ko para sakanya iyon? At bakit ang dami naman nang nilagay niya? Oo gutom ako pero hindi ako patay gutom! "Hindi ko mauubos to," Medyo inis kong sabi. "Ubusin mo," Aniya. "Ikaw nalang kung gusto mo," Inis na talagang sabi ko. Sinabi kong hindi ko mauubos yon e, Tapos sasabihin niyang ubusin ko? Napatingin siya saakin nang sabihin ko iyon. Nasisiguro kong parehas kaming inis sa isa't isa ngayon. Umigting ang panga niya. Mas lalo akong nainis dahil mukhang galit siya. Bakit siya magagalit? Hindi konga mauubos! Ang dami dami. "Bakit ka nagagalit? Hindi ko nga mauubos!" Galit ko ring sabi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang bahagyang tumaas ang boses ko. "Fine. Huwag na tayong mag-away sa harap nang pag kain," Mahinahong sabi niya. Kinuha niya ulit ang pinggan na puno nang kanin at kinalahati ang kanin roon. Madami parin pero hindi na'ko nag reklamo at hinayaan konalang. Walang imik kaming kumain hanggang sa natapos siya. Nahiya naman ako nang pinapanood niya ako. Hindi kopa nakakalahati ang binigay niya pero tapos na siya. Binilisan ko nang kaunti pero pakiramdam ko hindi nauubos ang kanin sa plato ko. "Busog na'ko," Sabi ko pagkatapos uminom nang tubig. Kitang kita kong gusto niyang umalma pero nang nakitang seryoso akong nakatingin sakanya ay bumuntong hininga nalang siya. Busog na busog naako. Kaya kung pipilitin niya akong ubusin parin yung tira ay baka mag-away lang ulit kami. "Ako na ang magliligpit," Sabi ko. Tinulungan niya parin akong mag ligpit pero ako na ang nag hugas. "Come with me," Aniya pagkatapos kong mag hugas. Wala bang gagawin to? Ano pang gusto niya tapos na kaming kumain. "Bakit... sir," Naalala kong kanina kopa pala siya hindi ginagalang. "Sir? Don't call me sir.." Sabi niya. Mukhang galit nanaman. May nagawa nanaman ako? Bakit parang lagi siyang galit kapag ako ang kasama niya. "Pero boss kita," Pilit ko. "No, i'm not your boss. Just call me fabian or rius not sir." Sabi niya. Sumang ayon nalang ako at baka magalit nanaman. Sinundan ko siya hanggang sa ikatlong palapag nang mansion. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito. Umupo siya sa sofa kaya sumunod ako sakanya. Nakaupo na kaming dalawa ngayon. "Anong po-" Kumunot ang noo niya. "Anong ginagawa natin dito?" Ulit ko sa sasabihin ko dapat kanina. "Magpapahinga," Sabi niya. Laglag pangang tumingin ako sakanya. Mahpapahinga? Seriously? Kung gusto niya palang mag pahinga bakit kailangan niya pa akong isama dito? Alam naman niyang iniiwasan ko siya kaya bakit? "And.. i want to ask you. Why are avoiding me?" Seryosong aniya. "B-bakit kailangan mopang m-malaman?" Kahit na nauutal ay nagawa kong itanong iyon sakanya. "Why?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Hindi talaga ako sasagot. Anong sasabihin ko sakanya? That i avoid him because i got nervous whenever he's around? Na parang lalabas ang puso ko dahil sa bilis nang t***k nito kapag nandiyan siya? No way! I will never tell him that. Ilang minutong tahimik kami dahil hinihintay niya akong mag salita. Pero hindi ako mag sasalita. Bahala siyang mag hintay. Maraming kahihiyan ang nangyari saakin ngayong araw at wala naakong balak dagdagan pa iyon. He took a deep breath when he realized I wouldn't answer. Tumingala siya na para bang nawawalan na siya nang pasensiya. I can clearly see him swallowing. He looked down at me so I quickly averted my gaze. "Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" Mahinang sabi niya. "or... you want me to change my question?" Nakatingin siya saakin ngayon gamit ang malambot niyang tingin. Hindi ko kayang tagalan ang titig ko sakanya dahil nakakapanghina. Bakit ba gusto niyang malaman? Hindi naman siya mamamatay kung iniiwasan ko siya. "Can we be friends?" Gulat akong nag angat nang tingin sakanya. Tama bayung narinig ko? Gusto niyang makipag kaibigan saakin? Pero mas lalo siyang makakalapit saakin kung magiging mag kaibigan kami! "N-no," Sabi ko. Ayaw ko siyang maging kaibigan. Ayos na saakin si brineth pwede rin si tracy pero siya? hindi pwede! "Why not?" Kunot noong tanong niya. "Marami naakong kaibigan," Nasabi konalang kahit si brineth lang ang kaibigan ko. "Boyfriend, then," Seryoso niya akong tinignan pagkatapos niyang sabihin saakin iyon. Habang ako ay gulantang na nakatingin sakanya. Nababaliw naba siya? Boyfriend? Kaibigan nga ay ayaw ko mas lalo ang maging kasintahan siya! "Marami pa akong gagawin. Kung mag bibiro kalang... sa iba nalang.. dahil wala ho ako sa mood makipag biruan," Muntik pang manginig ang boses ko. Dali dali akong tumayo at iniwan siya roon. What the f**k?! Boyfriend?! I can't believe him! Wala naba siyang ibang mapag tripan at ako ang napili niya? Masyado naba siyang bored sa buhay at ako ang pinag didiskitahan niya? Kung seryoso man siya... ganon niya ba tanungin ang mga nagiging girlfriend niya? Pagkatapos ano? Bibigay agad ang mga babaeng yon? Mas lalo akong nagagalit sakanya sa mga iniisip ko. Anong akala niya saakin, makukuha niya ako nang ganon ganon lang? Pinilig ko ang ulo ko. Ayaw konang isipin pa iyon baka nag bibiro lang siya. "Saan ka galing?" "Lola!" Gulat kong sabi. Nandito pala siya hindi ko man lang napansin. "Sa taas lang po," Sagot ko. "Kanina pa kita hinahanap! Hindi kapa kumakain," Sabi niya. "Kumain napo ako, La." Sabi ko. "Ganon ba? Bakit hindi kita nakita," Bulong bulong niyang hindi ko narinig. "Uuwi na muna ako, Ayos lang ba kung maiiwan na muna kita rito?" Nagtatakang tumingin ako sakanya. "Ho? Bakit po kayo uuwi? Wala kayong kasama sa bahay." Nag-aalalang sabi ko. "Ano kabang bata ka! Kaya ko naman. Huwag kanang mag-alala," Sabi pa niya. Ayaw ko siyang payagan pero nagpupumilit siyang uuwi na muna kaya wala akong nagawa. "Mag tricycle napo kayo lola, baka mapagod kayo kapag naglakad ka," Sabi ko. Gusto niya kasing maglakad. Hindi ko siya papayagan sa gusto niya. Alam niyang bawal sakanya ang mapagod ayaw parin niyang makinig. Ganon ba talaga kapag matanda na? Lalong nagiging makulit. "Osiya! Sasakay naako at nang makaalis na'ko, Kanina mopa ako sinesermunan," Sabi niya pa. Hinatid ko siya sa may labas at nag tawag nang masasakyan niya. Bago siya umuwi ay binilin kopang mag pahinga na siya agad pag-uwi niya. Sana ay makinig siya. Gusto ko man siyang pabantayan kay brineth, alam ko namang binabantayan niya ngayon ang kapatid niyang si sarah. Maaga nalang siguro akong uuwi mamaya. Naglalakad ako nang mapatigil ako. Nakita kong nakatayo si Don Rafael kung nasaan ang mga halamang inayos ni brineth kanina. Nakita kong may ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang mga iyon. Makikita talaga kung gaano niya pinapahalagahan ang mga halaman. Ano kayang nangyari sa asawa niya? Hindi ko namalayang lumapit pala ako kay don rafael. Rinig ko ang pag singhot niya. Mabilis akong naalarma nang marinig ko iyon. Umiiyak ba siya? Tumikhim ako kaya bumaling siya saakin. Ngumiti siya saakin at agad pinusan ang ang luha siya. "May problema po ba?" Nag-aalalang sabi ko. "Wala iha, Masaya lang ako na nakikita kong maayos ang mga bulaklak. Naalala kolang ang asawa ko." May sakit sa boses niya nang sabihin niya iyon. "Siguro ho... Para siyang isang bulaklak." Nasabi ko. Tumango siya at ngumiti. "You're right. Isipin mo.. Lahat nang bulaklak at halaman na naririto... ay wala. Sadyang itong mansyon lang ang makikita.. Walang kahit anong halaman o bulaklak. Tingin mo anong magiging itsura nang mansyon?" Tanong niya saakin. "Kung iisipin po.. Kahit na walang halaman at mga bulaklak ay mananatiling maganda ang mansyon... Pero kung merong mga halaman at mga bulaklak tulad nang nakikita natin ngayon.. Mas magiging maganda at masaya ang mansion." Sagot ko. Hindi ko kayang isipin na walang mga bulaklak at halaman ang lugar na ito. Parang sobrang lungkot kung wala ang mga iyon. "Tama ka. Parang ako ang mansion... Gwapo parin kahit wala ang mahal ko." He chuckled when he said that. Natawa ako sa biro niya. But irealized something.. Tumingin ako kay Don rafael nakangiti siya saakin nang malapad pero sobrang lungkot nang mga mata niya. "Ako ang mansion samantalang siya ang mga halaman at bulaklak. Kapag nariyan siya ay binibigyan niya nang kulay at saya ang buhay ko... kaya nung nawalay siya saamin... kulang ang salitang sakit para sa nararamdaman naming mga naiwan niya." Malungkot niyang sambit. "At sa tuwing nakikita kong may namamatay na mga halaman at mga bulaklak... para akong pinapatay sa sakit. Para bang pinapamukha saakin nang mundo na wala naakong pag-asang makita o makasama siya." Nabasag ang boses niya. Bakit ganon? Parang sinasaksak ang puso ko habang nakikita kong ganito si Don rafael. Ang sakit sakit makitang ganito siya. Sa likod nang mga ngiti niya...may mabigat siyang dinadala. "But.. i know.. she's not dead. Lalo na't nakikita kong maganda ang usbong nang mga bulaklak.. nararamdaman kong... b-babalik siya.. at hindi na'ko makapaghintay na dumating ang araw na iyon." Kahit nanginginig ang boses niya ay nakuha niya pang humarap saakin at ngumiti nang matamis. Hindi ko alam kung anong nangyari sa asawa niya pero... pinagdadasal ko na sana ay bumalik na siya. Gusto kong maging masaya nang tuluyan si Don rafael at ang mga anak niya. "Don Rafael... can i hug you?" Hindi ko alam kung bakit ko naitanong iyon... Pakiramdam ko kasi parehas kaming nasasaktan.. pakiramdam ko kahit sa isang yakap.. gagaan ang pakiramdam namin pareho. Ngumiti siya saakin at binuka ang nang malapad ang dalawa niyang braso... May pag aalinlangan man akong yumakap pero nang ramdam kona ang yakap niya.. tumulo ang mga luhang kanina kopa pinipigilan. Ang saya saya lang na sa isang yakap parang nawala lahat nang bigat sa dibdib ko... Sana ay ganon din siya. "Magiging maayos din po ang lahat," Mahinang sabi ko habang yakap niya ako. "I know... Ikaw rin.. mararamdaman mo rin ang totoong saya." Bulong niya. "Pero mas masaya siguro kung mag hiwalay na tayo sa pag yakap... Baka ang katawan ko ang magkahiwa-hiwalay kapag hindi pa kita binitawan," Hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi ni Don Rafael dahil napakahina non. "Dad!" Nanlamig ang mga kamay ko at mabilis akong napabitaw kay Don Rafael nang marinig ang tinig na iyon. "Yes, Son?" Ngiti niya sa anak. Unti unti akong humarap kay fabian na malamig ang tingin saamin. Ngunit bumalik agad ang tingin ko kay Don Rafael nang mag ring ang cellphone niya. Napapikit nalang ako nang mariin dahil nagpaalam siyang sasagutin niya ang tawag at kailangan niyang lumayo. Maiiwan nanaman ako kasama ang lalaking to! "Really, ashliah? Hugging my-" "Son! come on! Marami pang gagawin si liah," Sigaw ni Don Rafael dahil medyo malayo siya saamin. Napatingin ulit ako kay fabian, pero nakatingin siya ng masama sa ama. Bumaling siya saakin na may inis sa mga mata. Nakatingin lamang ako sakanya, hinihintay ang sasabihin niya. Pero bago pa siya mag salita ay inakbayan na siya ni Don Rafael at inakay palayo saakin. Sinusundan ko lamang sila ng tingin nang biglang humarap saakin si Don Rafael at kumindat, nginitian ko siya nang tipid. Maraming salamat kay Don Rafael at inilayo niya saakin ang anak niya. Hindi ko alam kung ilang oras pa akong nanatili kung saan nila ako iniwan. Hindi agad ako pumasok dahil baka nandoon nanaman si fabian. Alam ko namang mahirap siyang iwasan dahil nasa iisang lugar lang kami pero mas lalo pa yata akong mahihirapan dahil lagi niya akong nilalapitan. Wala namang dahilan para lapitan niya ako pero bakit niya parin ginagawa. Maaga akong nag-ayos dahil ngayon ako mag-e-enroll sa university. Hindi ko kasama si brineth dahil noong minsan kopa siya pinilit na mauna na siya saakin, nung una ay ayaw niya pero wala siyang nagawa nang pinilit ko. Hindi din muna kami pupunta sa mansion, nagpaalam naman kami kaya ayos lang. Si aling martha na raw muna ang bahala. Nahihiya nanga ako kay aling martha dahil kakaumpisa ko palang kahapon ay nag-paalam akong maagang uuwi dahil nag-aalala ako kay lola. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon bago ako umuwi.... Alas sais na nang pumasok ako.. Nakita kong nag-hahanda na sila aling martha para sa lulutuin. Nahihiya man ako pero.. "Aling martha... Gusto ko po sanang mag paalam na maaga akong uuwi. Pero kung kailangan niyo po ang tulong ko.. tutulong napo ako ngayon," Magalang kong sabi. "Naku! ayos lang. Kaya kona to.. alam kong nag-aalala ka sa lola mo, kaya... sige na mag-paalam kana kay Don Rafael," Sabi niya. "Pasensya napo talaga kayo," Nahihiyang sabi ko. "Ayos lang yon! ano kaba.. saglit lang naman luntuin to," Ngiti niya pa. Nagpasalamat ako at tuluyang lumabas sa kusina upang mag paalam na kay Don Rafael. Nakita kong pababa na siya nang hagdan at kasama niya si fabian. Nang makababa na sila, tumikhin muna ako bago nag paalam. Pumayag naman siya kaya nag pasalamat ako. Mabuti nalang at mababait sila. Palabas na'ko nang gate nang may humila sa kamay ko. "Ihahatid na kita," Sabi ni fabian nang humarap ako sakanya. "Huh? B-bakit?... Huwag na.. kaya ko ang sarili ko," Sabi ko at tinanggal ang pagkahawak niya sa kamay ko. "Kahit na kaya mo o hindi ang sarili mo ihahatid parin kita... and please... don't say no," Sabi niya at hinila ako kung nasaan ang sasakyan niya habang ako ay lutang na sinusundan siya. Tahimik lang kami hanggang sa makarating nakami sa bahay. Nauna siyang bumaba saakin. Papunta siya ngayon sa pintuan dito saakin at balak pa akong pagbuksan pero mabilis kong binuksan ang pinto at mabilis na bumabang mag-isa. Pero hindi ko alam na may medyong malaking bato akong maaapakan pag baba ko. Kaya naapakan ko iyon at na out of balance... Pero bago pa ako bumagsak, nahawakan niya ang kamay ko at hinatak ako palapit sakanya. Napasandal ako sa dibdib niya dahil sa lakas nang hatak niya kaya rinig na rinig ko ang lakas nang t***k nang puso niya! At siguradong ganon din ang sakin! "f**k!" Rinig kong mura niya matapos ko siyang itulak. "Ah, e-eh.. K-kailangan konang p-pumasok. S-salamat sa pag hatid." Hindi ko alam kung naintindihan niya ba ang sinabi ko dahil sa pagmamadali kong pumasok sa bahay. "Ashliah Claize Andriano!" Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang sigaw ni brineth sa tenga ko. Napahawak ako sa tenga ko dahil medyo masakit iyon. Tinignan ko siya nang masama samantalang pinag taasan niya lang ako nang kilay. "Sampung beses na kitang tinawag! pero nakatulala kalang! Akala ko kung ano nang nangyayari sayo dahil namumula ang mukha mo." Sabi niya. Mas lalo pa yatang uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Aalis na'ko," Nasabi ko nalang. "Mag-iingat ka, Ako nang bahala kay lola eva." Sabi niya. Nagpasalamat ako at nagpaalam na aalis naako. I'm in university now. I looked around, marami parin ang nag e-enroll kahit na huling araw na ito. Nag sisi tuloy ako kung bakit pinilit kong maunang mag enroll si brineth. Ako lang yata ang walang kasama...dahil lahat sila ay may kausap. Huminga ako nang malalim at naglakad patungo kung saan ako dapat mag enroll. Malapad ang ngiti ko dahil heto na... Isang taon nalang makakapagtapos naako. Bago paman ako makapasok sa pinto, tumunog ang cellphone ko. Kunot noong kinuha ko iyon. Si brineth lang pala. "L-liah!" Garalgal ang boses niya. "Hello? anong nangyari?" Nag-aalalang sabi ko. "L-liah... s-si.. l-lola!" Umiiyak na niyang sabi. "N-nasa hospital k-kami ngayon..." Hikbi niya. Mabilis kong tinalikuran ang pinto kung saan dapat ako papasok. Tumakbo ako palabas nang gate. Wala akong ibang nasa isip kung hindi ang lola ko, sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Sumakay ako nang tricycle at sinabi ang pangalan nang hospital na tinext saakin ni brineth. Tears fell from my eyes... lord please.. guide my lola. Nakarating ako sa hospital. Nakita kong nakaupo si brineth at umiiyak. Nang makita niya ako ay tumayo siya at mahigpit akong niyakap. Walang tigil ang pag buhos nang mga luha ko. "Nasaan siya?" Kahit nang hihina ay pinipilit kong maging matatag. "Emergency room.." Mahina niyang sabi. Panibagong luha ang tumulo sa mga mata ko.. Nakita iyon ni brineth kaya mabilis niya ulit akong niyakap at pinapatahan. 'Everything will be alright' hindi ko alam kung ilang beses niyang sinabi saakin iyon. "I can't...i can't lose her." Nanghihinang sabi ko. Siya nalang ang pamilya ko... Nakikiusap ako.. huwag niyo muna siyang kunin saakin.. Hindi ko ho kakayanin.. Nakikiusap ako. "Shhh.. she will be alright, okay. Matapang at malakas si lola... at hindi ka niya i-iwang ganito," Nanginginig man ang boses niya ay nagawa niyang sabihin iyon nang deretso.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD