Walang tigil sa pag-iyak si Ellerie, halos kapusin na rin siya ng paghinga dahil inuubo na rin siya. Paulit-ulit din niyang hinahampas ang kanyang dibdib gamit ang kanyang palad dahil nahihirapan talaga siyang huminga. Tila ba naninikip ang kanyang dibdib dahil sa sobrang sama ng loob niya kay Charles. Ramdam pa naman niya ang talagang panghihina ng katawan dahil sa inaapoy nga siya ng lagnat, tapos sobra pa siyang nilalamig. Pakiramdam nga niya ay mas lalong lumala iyon dahil sa ginawang kalokohan na naman ni Charles at hindi niya mawari kung bakit ganun ang ugali ng babaeng iyon. Saan na napunta ang respeto nito sa sarili, bakit parang mas nasisiyahan pa ito na makipag niig kay Charles habang may nanonood o kaya ay may nakakaalam na kasalukuyang ginagawa ng mga ito ang bagay na iyo

