KINABUKASAN "P-para sa'kin ito?" gulat na tanong ni Ellerie kay Charles ng ibigay sa kanya ang aparato na iyon na tinatawag nitong cellphone. Hindi niya akalain na bibigyan sila ng ganun ng lalaki, sa tingin niya ay napakamahal ng aparato na iyon. Yung cellphone naman na ginagamit nito na dinala nito sa kanilang tribu ay nabanggit nito na nasira na ng tuluyan at kailangan pa daw nitong ipaayos kaya naman bumili ito ng bagong cellphone pero hindi niya akalain na idinamay pala siya ng lalaki. Kaya naman tudo ngiti siya habang inaabot nito sa kanya ang cellphone na iyon. Iyon nga lang ang problema niya ay papaano niya gagamitin iyon, hindi naman kasi siya ng marunong. "Para sayo yan pag-aralan mong gamitin at tuturuan din kita ngsyon kung papaano manood sa YouTube ng mga dapat mong ma

