KINAGABIHAN Katatapos lamang niyang maghugas ng mga pinggan na kanilang kinainan ng marinig ni Ellerie ang pagtawag ni Charles. Katakot-takot na kaba na naman ang kanyang nararamdaman dahil hindi niya nagugustuhan ang tono ng pagtawag nito sa kanya. Lasing na rin yata ito, umiinom ito ng beer sa loob ng silid nito. Hiningian na nga siya nito ng maaaring maging pulutan kaya nagdala siya doon, iwas na iwas siya dito dahil baka mapagbuntunan na naman siya ng sama Galit na galit din ito sa kanya kanina habang nilalapastangan siya nito. At ang kinakagalit nito at hindi talaga makatarungan. Pinagbibintangan siya nito may relasyon sila ni Calvin at may ginagawa daw silang masama. Imposiblrng mangyari iyon, dahil magkaibigan lamang sila ni Calvin. Kahit anong paliwanag niya dito ay ayaw man

