“Honey, nandito na ako!” Sabay silang napalingon ng marinig nila ang boses ng isang babae na tila nagtatawag mula sa kanilang gate. “Sino iyon may darating ka bang bisita?" Tanong niya dito. "S-Si Camille iyon Ellerie." Sagot nito sa kanya. "Ibig mong sabihin dito siya titira, pwede ba namang mangyari iyon? Dalawang babae ang ititira mo sa iisang tahanan, ganon ba talaga dito sa kapatagan? Maaaring magpatira ng iba pang babae sa tahanan ang isang lalaking dati ng may asawa?” Patanong na wika niya sa lalaki . Pero ramdam niya sa kanyang sarili na nasasaktan siya dahil sa nagawang iyon ni Charles pero nandon na ang babae kaya ano pang magagawa niya? Wala naman siyang karapatan sa bahay na ito dahil pag-aari naman ito ng lalaki. “Please Ellerie, sana pakisamahan mo siya ng mabuti ha

