Isang linggo ang matuling lumipas. Hindi pa rin siya nakakaalis sa bahay ni Charles, ilang beses na siyang nagtangka pero wala siya talagang alam kung saan siya magtutungo. Sa unang pagtatangka niya, natuklasan ni Charles dahil nagtanong dito si Meng. Agad na kinuha nito ang kanyang cellphone para wala siyang contact kina Calvin at kay Meng. At galit na galit itong pinagbantaan siya na wag ng uulitin pa ang pagtatangka niya. Pero umulit pa rin siya. Sa pangalawang pagkakataon naman ay umalis siya ng bahay ngunit dahil sa wala naman siyang alam na pupuntahan palakad-lakad lamang siya sa pinakang centro ng lugar na iyon. At dahil kilala siya na nakakasama ni Charles ay agad na may nakapagturo sa lalaki kung nasaan siya kaya kahit na paulit-ulit siya nagtatangka ay talagang wala s

