[Alexcia's P.O.V.] Hinintay ko muna na maka-alis siya bago ako lumabas ng CR. Agad akong tumakbo papunta sa cafeteria at hinanap sila Jess para ibalita ang mga narinig ko mula kay Guevarra. "Guys!" "Lhei? What happened to you?" Bahagya pang nag-alala sakin si Kent dahil nakita niyang hinihingal ako. Hindi na ako masyado nakakapag-training at exercise kaya siguro ang bilis ko na ngayong hingalin. "I-I h-have to t-tell y-you s-something..." Hingal na hingal na sabi ko. "What? Is it important that you have to run all the way here?" tanong ni Brent. Tumango naman ako. "We need a private place..." Naintindihan naman nila ang gusto kong sabihin kaya inalalayan ako ni Alex na tumayo ng ayos. Sila Megan at Kean naman ang umo-order ng foods namin kaya tinext na lang sila ni Hailey na may pupu

