THALIA POV Pagkauwi ko sa bahay, agad akong naupo sa sofa at pinikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang pagod at bigat ng dibdib ko. Ang daming nangyari sa araw na 'to. "Andyan ka na pala. Kamusta?" tanong ni Caspian, nag-aalala ang boses. Dinilat ko ang mata ko at napatingin sa kanya. Hindi na siya nakaupo sa wheelchair kung hindi nakatayo na siya gamit ang ginagamit sa pagprapractice sa paglalakad. Nakasuporta siya sa dalawang parallel bars, at pinipilit na maglakad kahit hirap na hirap. "Kaya mo na?" tanong ko, nagtataka. "Oo, magaling ka eh," sagot niya, ngumiti nang bahagya. "Pero hindi pa naman gaano kaya nag ganito ako para mas lalong ma-practice." "Mabuti naman at tinutulungan mo din ang sarili mo," sabi ko, proud sa kanya. "Oo. Kamusta pala?" tanong niya ulit, naghihintay ng sa

