Part One

2706 Words
Beauty's POV Muntikan na akong malaglag sa maliit kong kama sa malakas na pagtunog ng alarm clock. Hindi ko inasahang ganoon kalakas ang pagtunog nito. "Ha? Seventy-thirty na in the morning? Oh my gulay, I am late!" Paano ba naging seventy-thirty na ang alarm clock, eh sa pagkakaalam ko, five-thirty ko nae-set ito kagabi. Napalingon ako sa katabing kama. Wala na roon si Beast, ang aking best friend. "Walang hiya, siguradong si Beast na naman ang may gawa nito. Shocking, late na ako sa interview!" Dali-dali na akong pumasok ng banyo at saka naligo. Ngayon ang araw ng interview ko sa inaplayan kong agency. Gusto kong lumuwas ng Maynila para doon na magtrabaho. Sawang-sawa na ako sa aking kasalukuyang trabaho bilang clerk ng company ni Mr. Binu Ang. Isa itong Chinese na sobrang kuripot sa pagpapasahod kaya kinailangan kong maghanap ng ibang trabaho. Dito sa probinsiya ng Binangunan, kailangan talagang maging masipag, kasi apat na sikmura ang palamunin ko. Panganay ako sa tatlong magkakapatid, ang sunod sa akin na si Cinderella ay kasalukuyang nag-aaral sa Senior highschool, ang bunso naming si Dora ay nasa elementary pa. Si Papa Pinocchio naman ay hirap na hirap din sa paglalako ng kung ano-anong mga produkto na puwedeng mapagkikitaan para rin naman makatulong sa amin. Sa kasawiang palad limang taon na ang nakaraan ay iniwanan kami ni Mama Ursula kasi hindi raw nakuntento sa maliit na batuta ni Papa kaya hayun naghanap ng mas mahaba at mataba. Sa narinig naman namin sa mga tsismosang kapitbahay, sumama raw si Mama kay Naruto, ang mabagsik na tambay sa kanto. Tssk...wala na kaming magawa kung iyon ang pipiliin ni Mama over us. Mas nakakaawa nga lang si Papa dahil kung saan malalaki na kami ay saka naman lumandi nang bonggang-bongga si Mama Ursula. Naglagay na ako ng lipstick at saka pulbo sa mukha ko. Ang kulot kong buhok ay ipinusod ko kahit basa pa ito. Nagsuot na ako ng mahabang palda hanggang takong at nagsuot ng white long sleeves at saka black doll shoes. Isinuot ko rin ang makapal kong eye glasses. "Late na talaga ako. May maabutan pa kaya akong interviewer mamaya? Pasado alas otso na. Mag-aabang pa ako ng jeep papunta sa agency na inaplayan ko." Papara na sana ako ng jeep na dadaan nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito kaagad sa aking shoulder bag at dagling sinagot. "Hello!" Malakas na ang boses ko dahil sa inis. Kung saan ka nagmamadali ay doon pa may tumatawag. "Miss Rest?" "Huh? Mister Ang?" Kinabahan ako sa boses ng aking boss. "Where are you? Pasado alas otso na hindi ka pa pasok opisina? Marami na kliyente hanap dito mga pinagawa ko sa iyo hindi pa napasa sa akin. Ano ba gawa mo at bakit late ka na naman pasok?!" Ay nalintikan na. Ano ba ang araw ngayon? Napasampal ako sa aking noo dahil Monday pala ngayon at kailangan ko pang e-submit ang mga pinagawa sa akin ni Mr. Binu Ang. "Oh, ano na? Naghihintay client ko, kailangan ko na ngayon din kapag client ko bawi kaniyang share lilintikan ka sa akin!" muling saad ni Mr. Ang at galit na galit na nga ang boses nito. "Y-yes, S-sir Ang. I am on my way going to the office. Masyadong ma-traffic lang po," agara ko namang sagot. "Anong traffic? Aba, Beauty na walang beauty, malapit lang opisina at walang traffic sa bayan natin kaya dalian mo na at ako'y inip na!" Binabaan na niya ako ng cellphone kaya agad akong nagpara ng jeep papuntang opisina. Private firm itong pinasukan ko sa bayan namin sa Binangunan. Labinlima hanggang dalawampung minuto ay makarating na ako ng opisina mula sa tinitirhan kong boarding house. "Pambihira talaga itong boss kong Intsik. Beauty daw akong walang beauty, kung makapagsalita ang guwapo-guwapo eh samantala ang mukha niya kulang na lang lagyan ng kawayan at saka mansanas para maging lechon. Kakainis! Ngayon pa naman ang schedule ko ng interview sa agency na inaplayan ko!" Painis akong nagsiksikan sa jeep. Bad trip talaga ang araw ko ngayon. Pagdating ko ng opisina, halos lahat ng mga kasamahan ko ay nakatingin sa akin. "Hello good morning guys, late na ba ako?" nakangiti kong tanong sa kanila. Lahat ay tumango at sa akin pa rin ang paningin nila. Wala ni isa ang nagsalita. Ano kaya ang nangyari sa mga taong ito? Agad akong dumiretso sa aking mesa at saka binuksan ang computer. Nilapitan ako kaagad ni Sponge Bob at pabulong na nakangisi. "Beauty, may sasalihan ka bang choir sa simbahan mamaya?" Nagulat ako sa tanong niyang iyon. "Aba, bakit mo naman natanong?" "Eh, ang costume mo kasi pang-choir. Hanep ka talaga. Kanina pa nanlilisik ang mata ni Mister Ang dahil late ka na," aniya ngunit inismiran ko lang siya dahil abala ako sa pagbubukas ng file sa computer at kailangan ko pa itong e-transfer sa usb. "Dumating na ba Beauty?!" Napalingon ako sa malakas na boses na 'yon ni Mister Ang kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko at yumukod para pagbibigay-galang. Ang mga kasamahan ko naman ay nagsibalikan sa kani-kanilang desk at tahimik na kunwari at abala sa kanilang ginagawa. "Yes, Sir I am here already," agad kong sagot kay Mr. Binu Ang. "Ano pa gawa mo? Akina ang files at hintay na mga kliyente ko loob ng opisina. Bagal-bagal mo talaga trabaho!" Galit na galit na ang mataba kong boss. "I-ito na po, Sir tina-transfer ko na po. S-sandali na lang po. Ihahatid ko na lang po sa office ninyo, Sir," taranta ko nang sagot sa kaniya habang nag-uusok na naman ang kaniyang ilong sa inis sa akin. "Hmp! Ilang beses ako remind sa 'yo hanggang ngayon 'di pa tapos!" Agad na siyang tumalikod at diretsong pumasok sa kaniyang opisina. Timing din naman na naka-save na ang files sa usb kaya agad ko itong ini-eject sa computer. Dali-dali akong tumayo para ibigay ito kaagad kay Mr. Ang. Nang humakbang ako ay siya namang paglabas ng paa ni Sponge Bob kaya nabangga ito ng paa ko at nawalan ako ng balanse at saktong nadapa ako sa sahig at ang usb ay nabitawan ko at tumilapon pati ang eyeglasses ko ay nalaglag sa sahig kaya lumabo ang paningin ko. Naaninag kong may kulay puti sa harapan ko kaya napaiyak ako dahil tila nalaglag ang isa kong ngipin. "Sponge Bob!" sigaw ko dahil siguradong nalagas ang isa kong ngipin. "Naku sorry, Beauty...halika tumayo ka na riyan." Inalalayan niya akong makatayo at ibinalik sa akin ang nalaglag kong eyeglasses na kulay itim habang ang mga kasamahan ko imbes na tulungan ako ay nagyuyugyugan pa sa katatawa. Si Sponge Bob naman ay ikot nang ikot na tila may hinahanap kaya hinampas ko siya sa bandang puwitan. "Aray, masakit ah!" bulalas niya. "Sponge Bob, ano ba ang ginawa mo tingnan mo, nalagas ang ngipin ko!" Ibinuka ko ang aking bibig at ipinakita sa kaniya ang aking gilagid na wala na ang isa kong ngipin kaya napatingin din siya roon. Mayamaya'y napayuko siya at may dinampot sa sahig. "Ay ito lang pala akala ko kung nawala na," sabi niya nang pulutin ang kung ano sa sahig. "Ano 'yan?" tanong ko. "My favorite," pangisi niyang sagot at muli niyang tiningnan ang gilagid ko na nalagas ang isang ngipin. "Wala namang nalagas sa ngipin mo ah," sabi niya. "Anong wala? Nandiyan nga sa sahig eh, nakita kong nalagas!" "Ito ba?" sabi niya sabay pakita ang napulot niya. "Oo, iyan nga. Hala ngipin ko ba 'yan?" Tumawa siya nang malakas. "Chewing gum 'to hindi ngipin mo. Pambihira ka naman." Hinawakan ko ang aking ngipin at sakto nga, kumpleto naman pala. "Beauty!" Muli na namang lumabas mula sa opisina si Mr. Ang at mas lalong galit na galit na ito. "Nasaan na files? Kanina pa ako hintay loob! Ako galit na ha, ako sisante na sa iyo!" Doon ko naalala ang usb. Tumilapon ito nang bumagsak ako sa sahig kaya lalo akong kinabahan. Namilog pa ang aking mga mata nang makita kong nasa dulo ito ng kinatatayuan ni Mr. Ang dali-dali ko sanang kunin ito subalit humakbang ang isa niyang paa at naapakan niya iyon dahilan para madulas siya dahil madulas ang cover ng usb. "Mr. Ang!" Napasigaw ako dahil alam kong mababagsak siya at siguradong lilindol sa loob ng opisina kapag babagsak ang malaki nitong katawan. Napatakip na ako ng tainga at napapikit ng mata dahil alam kong malakas na tunog ang pagbagsak niya. "Beauty!" Muli akong napamulat sa sigaw niya. Hawak na siya ni Sponge Bob sa kamay. Mabuti na lang at naagapan siya siguro kaya hindi siya bumagsak. "Walang hiya ka. Ako galit na sa iyo. Akin na files!" Hinanap ko na ang usb nang muling tumilapon. Mabuti na lang at nakita iyon ni Fiona, ang isa kong officemate at diretsong ibinigay kay Mr. Ang. Nakita ko pang matamis ang ngiti ni Mr. Ang nang iabot iyon ni Fiona sa kaniya at muli akong inirapan. Paano naman hindi ito ngingiti kay Fiona eh, sobrang sexy, ang ikli pa ng suot na palda at maganda nga naman. "Next time, ayusin mo ang trabaho mo, Beauty. Ang tanga mo talaga. Tingnan mo ang ginagawa mo, lalo mo lamang pinapahiya si Mr. Binu Ang. Tsskk..." payabang pang sabi ni Fiona sa akin at agad na naglagay ng lipstick sa bibig. Napaismid na lamang ako. Sobrang pula na nga ng bibig mas lalo pang nilagyan. Napahagikhik na naman ang iba ko pang mga kasamahan na kontrabida. Tinapunan ko naman nang matalim na tingin si Sponge Bob. "Kasalanan mo 'to!" yamot kong sambit sa kaniya. "Bakit ako?" saad naman niya na ngkakamot ng ulo. "Bakit mo binangga ang paa mo sa daanan ko? Natumba ako tuloy." "Hindi ko naman iyon sinasadya. Sorry na." "Ang sabihin mo, lampa ka ngang talaga!" sabad na naman ni Fiona. "Definitely!" pagsang-ayon naman ni Darna, siyempre best friend kasi sila ni Fiona kaya sinang-ayunan niya naman kaagad. Napabuntong-hininga na lamang ako at bumalik na ako sa aking puwesto. Nang makaupo ay tumunog muli ang aking cellphone. "Beast?" agad kong sagot. "Beauty, nasaan ka?" "Siyempre sa office, oh bakit napatawag ka?" "Nandito si Cinderella, kasama ko ngayon." Napatuwid ako nang upo. "Bakit nandiyan si Cinderella? Hindi naman siya nakatawag sa akin." "Hihiram daw ng pera may babayaran daw siya para sa field trip." "A-ano? Bakit sa iyo siya humiram?" "Bakit, may ipapahiram ka ba sa kaniya? Hay hayaan mo na. O siya nga pala, akala ko schedule mo sa interview ngayon?" ngisi niyang tanong sa akin. "Beauty!" Sasagot pa sana ako nang tinawag na naman ako ni Mr. Binu Ang kaya napilitan akong e-end call ang tawag ni Beast. Tumayo na ko kaagad at saka tarantang lumapit sa kaniya. "Y-yes po, Sir?" "Ikaw ba gawa files bigay akin?" nakasimangot niyang tanong. Alangan! Walang hiyang Intsik to, pinagdudahan pa ako pero kinabahan din dahil baka may mali na naman sa files ko. "Ah...y-yes po, bakit po?" "Excellent job! So this is your clerk, Mister Ang? She's good. Well presented document and well systematic procedures in her articulation. I know, Mister Brain Damage will surely like her idea and congratulations, Mister Binu Ang for the very good performance you've shared to us." Kinamayan niya agad si Mr. Ang. Nagulat ako sa sinabing iyon ng isang makisig na lalaki na may balbas sa mukha at may bitbit na attache case at nakasuot ng black suit at black neck tie. May kasama rin siyang dalawang katao na lumabas mula sa office ng aking boss na nakangisi at nakatingin pa sa akin. "Thank you, thank you Mister Mac Donald. Y-yes, she was the one who made that presentation, she's very good clerk and secretary of mine, meet Miss Beauty Rest," pagpakilala sa akin ni Mr. Ang at himala pinuri ako ng tabatsoy sa harap ng kliyente. "Nice to meet you, Miss Beauty Rest and congratulations. So, we have to go, Mister Binu Ang and expect the call from Mister Brain Damage for the acceptance of your proposal. Good day every one." "Good day, Sir. Come again," sabad naman ng mga kasamahan ko at yumukod naman ako sa kanila bilang pasasalamat. Nang makaalis na ang mga kliyente ng aming boss ay napangiti ako sa kaniya kasi minsan lang ako makarinig ng puri galing sa kaniya. "Congraulations to all of us. Mister Mac Donald likes the presentation proposal. We must celebrate for this!" anunsiyo ng aming boss at hindi man lang ako nilapitan para pormal na batiin. "Yes, yehey!" tilian ng mga kasamahan ko. "Sir, doon tayo mag-celebrate sa Hakuna Matata bar. Sosyal ang dating doon at tiyak na mag-e-enjoy tayo!" palambing na naman ni Fiona at nagliyad pa ng balakang para lalong tutulo ang laway ng tabatsoy, este ni Mister Ang. "We are agree to Fiona's suggestion. Go na Mister Ang! Go!" sigawan pa nila. Napapailing na lamang ako. "Okay, okay. Ako payag na. Gagawin natin ito Saturday night dahil holiday at kinabukasan Sunday at makauwi kaagad dito bayan. Approve?" pahayag ng aming boss kaya umingay ang opisina ng maugong na palakpakan kaya nagtakip na ako ng tainga. Ang gulo! Break time namin kaya dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Beast. "Beauty!" Pa-dial na sana ako nang patakbong lumapit sa akin si Sponge Bob kaya napaismid ako. "O, bakit? Ano na naman? Aasarin mo na naman ako?" "Ito naman. May dala ka bang suklay?" "Ano? Bakit, wala ka bang pambili ng suklay at pati iyan hanapin mo sa akin?" "Weeh...may suklay ako no, kaya nga kita natanong dahil 'yang buhok mo parang nakakita ng sampung multo. Hayan 'di mo ba napansin na nagsisitayuan? Mag-a-attend ba sila ng flag ceremony?" pang-asar na naman niya sa akin kaya napatigil ako at napatingin sa reflective glass na wall at nakita ko ngang nagsitayuan ang kulot kong buhok. "Ngeek! Kanina pa ba 'to, Sponge Bob?" "Oo kaya. No'ng kinamayan ka ng kliyente ni boss, gano'n na ang ayos niyan. 'Di mo ba napansing napahagikhik ang kasamahan ni Mister Mac Donald habang nakatingin sa 'yo?" Ggrrrr, kakainis! "Ikaw may kasalanan nito eh. Kung hindi mo inabangan ang paa ko kanina hindi mangyayari ito. Kahit kailan, pang-asar ka talaga. Diyan ka na nga!" Yamot akong umalis at iniwanan ang natatawang si Sponge Bob. "Ito naman, 'di ko naman sinadya iyon. Hoy, Beauty hintayin mo nga ako. Libre mo naman ako sa canteen!" natatawa pa niyang pahabol. "Sira-ulo, libre mo ang nguso mong mahaba!" Naudlot tuloy ang pagtawag ko kay Beast. Wala yatang magandang nangyari sa buhay ko ngayong umaga, maliban na lamang sa papuri kanina ni Mr. Mac Donald dahil sa nagustuhan nito ang inihanda kong presentation. Pabagsak akong umupo sa bakanteng upuan sa loob ng canteen at saka huminga nang malalim. Tila nakalimutan ko na ang sasabihin ko kay Beast. "Pesteng buhay 'to oh! Hay, hindi man lang ako nakapag-interview kanina!" "Psst, dahan-dahan lang, Miss baka masira ang mesa." Napalingon pa ako sa kinaroroonan ng boses. Ang nagma-mop ng sahig pala 'yon. Napahampas pa ako sa ibabaw ng mesa dahil sa inis at nakalikha pala ito ng ingay kaya humingi ako kaagad ng paumanhin. "Hi, puwede ba akong sumabay dito, Beauty?" Pag-angat ko ng ulo ay nasa harapan ko na ang nakangising si Sponge Bob. Pati yata gilagid ng mokong ay nangingitim na sa sobrang itim ng budhi. "Lumayo ka nga, Sponge. Doon ka sa kabila, mang-aasar ka na naman eh," singhal ko sa kaniya. "Ano ka ba naman, parang allergic ka yata sa akin. Remember, ako lang ang friend mo sa office kaya maging mabait ka naman sa akin." Kung sabagay mabait nga si Sponge Bob kasi nga lang may pagkasira-ulo talaga 'to lalo na kapag sarap na sarap siyang asarin ako. "Whatever!" Tumayo na ako para mag-order ng pagkain ngunit tila nakadikit ang palda ko sa kahoy na upuan. "O, bakit ka na-freeze, may nangyari ba riyan?" tanong na naman ng luko kaya hinawakan ko likuran ng aking palda at may nakapa akong sobrang lagkit. "Eeww, yucks, ano ba 'yan?" pandidiri pa niya at saka ang sama ng mukha sa pandidiri niya umano. "Oh my goodness, c-chewing gum? Hala, dumikit na sa palda ko. Sino ba namang luko-luko ang naglagay sa upuan?" Maiiyak na talaga ako sa sobrang kamalasan na natamo ko sa araw na 'to. Napapaluha naman sa katatawa ang mapang-asar na si Sponge Bob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD