Nakatungo lang ako habang prenteng nakaupo si Yvo sa couch. "Kailan kaba titigil ginagawa mong 'to?" tanong ko at tumingin sa kanya. Dinala niya ko dito sa mansyon niya, ngayon ko lang nalaman na may mga ari arian siya dito sa Pilipinas. Tumayo si Yvo at lumapit sakin, napalunok ako at agad na napaatras. "I know you won't believe me if I say that I don't want to do this to you, pero sarado ang isip mo pagdating sakin." seryosong sabi nito. Natigilan ako, parang ibang tao ang kausap ko ngayon, wala ang nakakainis na ngisi sa labi nito, seryoso lang siya na nakatingin sakin. "Ikaw ang gumawa ng dahilan para maging sarado ang isip ko sayo Yvo, alam mo yan." sabi ko at lumaban ng tingin sa kanya. "Nagmahal lang ako Lovely..." natigilan ako sa sinabi niya. "A-Ano?" Kung nasa normal

