Hein's Pov
Pagkalabas ko ng ward ay natanawan ko na agad ang mga paparating na mga kaibigan ni Shogo kasama si...Ariana?
'Kailan pa sila nagkasundo? Tss..'
Hindi ko na lang pinansin 'yon. Sinalubong naman agad nila ako.
"Salamat naman at ayos ka lang, Hein. Nasa'n si Shogo?" kaagad na bungad ni Ari sa akin.
"Nasa loob. Hindi pa siya nagigising," kaswal na sagot ko.
"Hein, right?" singit no'ng mala-hapones ang mukha. Tumango lang ako bilang sagot. "Hi Hein, I'm Kenta," pagpapakilala niya sa sarili sabay abot ng kamay niya pero kagaya no'ng kay Nixel noon ay tiningnan ko lang 'yon. Napapahiyang binawi naman niya 'yon at napakamot ng ulo. "Salamat sa pagtulong sa kaibigan ko, H-Hein. Hindi mo alam na sobra kaming nag-aalala noong ibinalita ni Ariana ang nangyari sa inyo. Maraming salamat talaga," sinserong dagdag pa niya.
"Mmm. Walang anuman," tipid na sagot ko sabay tango.
Inilipat ko naman kay Nix ang paningin ko at bahagya niya pa 'yong ikinagulat.
'Tss.'
"A-Ahh, I'm Nixel. Nice meeting you again, Hein," nakangiting sabi niya. Katulad ni Kenta ay tinanguan ko lang din siya.
Agad na nakakuha ng atensyon ko ang babaeng nasa bandang likuran ni Nixel. Masyado kasing matatangkad 'tong mga kaibigan ni Shogo kaya laging lumalamang sa mga katamtaman lang.
Nang napansin no'ng babae na tinitingnan ko siya ay agad niyang itinambad sa akin ang sarili niya habang sarkastiko pang nakangiti.
"Hi, thanks for saving my man," panimula pa niya. Tiningnan naman siya ng lahat, kabilang na ako. Hindi ako nagsalita dahil masyadong peke sa pandinig ko ang mga salita niya. "I heard you saved Azel. Sorry for the bother. Anyways, if I were in your shoe that time, for sure ay gagawin ko rin 'yong ginawa mo to save him," nakangiti na niyang aniya.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang basic lang no'ng mga salitang ginamit niya pero hindi matanggap ng utak ko na masyado 'yong hangin at walang kabuluhan. In short, plastic siya. Halata naman kasing pilit lang rin 'yong ngiti niya sa akin ngayon.
I don't know her name pero alam kong siya ang girlfriend ni Shogo. Ang babaeng naglakas-loob na sampalin ako noong first day. Hindi ko pa nakakalimutan 'yon.
"Mmm, lahat naman siguro nang nandoon sa sitwasyon ko ay gagawin 'yon. Pero hindi na kailangang ipangalandakan dahil hindi naman 'yon panalo na kailangan mo pang ipagyabang," mahinahon ngunit makahulugang sabi ko pa.
Agad namang napawi ang ngiti sa labi niya pero muli niya ring ibinalik nang naramdaman niyang nasa kaniya ang atensyon ng lahat.
'Tss. Parang barbie, plastic.'
"Thank you, again," nakangiti pa ding wika niya.
Ayokong patulan ang ganitong klase ng babae na naghahanap lang ng g**o. Nakakaumay at hindi ko trip ang mga babae. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ang simple-simple lang no'ng sitwasyon, ginagawan pa ng isyu upang maging komplikado. Tsk.
"Puntahan niyo na siya sa loob. Pagkatapos ng ilang minuto ay ililipat na din siya ng kwarto. Pakisabihan na lang rin ang mga kamag-anak niya," kalmadong saad ko saka nagpaunang naglakad palabas.
Sumunod naman agad sa akin si Ari. Hanggang sa nakarating kami sa parking lot ay hindi ko siya kinibo.
"Hein, ayos ka lang ba talaga? You look pale at mukhang hindi ka...ayos," hirit pa ni Ari habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ko.
"Paano mo sinabi sa kanila? Magkasundo na pala kayo ng mga 'yon?" sarkastikong tanong ko sa kaniya nang huminto ako sa mismong pinagparkan ko ng kotse ni Shogo kanina.
's**t! Paano ako uuwi ngayon sasakyan pala ni Shogo ang dinala ko? Tss. Ang tanga ko!'
Napahawak naman ako sa noo ko saka napabuntong-hininga.
"Sorry, Hein. Nagpanic na din kasi ako e. Sinabihan ko din naman ang Dean kaso sila ang una kong naisip, kaya ipinaalam ko agad kina Lei para malaman ko ang room nila. Pinabalik ko na din sa klase sina Lei. After class na lang daw sila bibisita," pagdadahilan niya.
Naramdaman ko naman ang sinseridad niya kaya pinalampas ko na lang. Napagod talaga ako. Mabuti at may dalang motor si Ari kaya nakarating agad kami ng University.
Lunch break na noong makabalik kami at sinalubong naman kami nila Lei, Jin at Momoca sa cafeteria dahil dumiretso na kami doon.
'Nagutom ako bigla. Tsk.'
"Hein, Ari, dito!" tawag sa amin ni Jin habang kumakaway pa.
'Ang dami yatang tao ngayon dito?'
"Parang halos buong UB ang nandito sa cafeteria ah?" namamangha pang tanong ni Ari habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng cafeteria at napakibit-balikat na lang ako.
Pumasok na kami at naupo sa usual naming pwesto. Kompleto kami ngayon at nakangiti pa sila na para bang may blessing na darating, pero wala ang grupo ni Shogo dahil nasa ospital nga silang lahat.
'Tss. Anong pinagkakaguluhan ng mga 'to kung wala naman dito 'yong tatlong bugok?'
Punong-puno talaga ang cafeteria at halos magdikit-dikit na ang mga balat namin sa sobrang sikip. Hindi na din kami halos magkarinigan dahil sa ingay at tilian nila. Hirap na ding pumila ang iba dahil natatabunan ng mga tao ang counter area.
'Tsk! Paano kami kakain niyan? Ang dami kasing pauso!'
Nainip naman ako bigla kaya sumubsob na lang ako sa mesa.
'Nagugutom na talaga ako!' reklamo ko na lang sa isip.
"Lei, hindi pa ba tayo oorder?" dinig kong tanong ni Ari kay bakla. "Nagugutom na 'tong amazona eh. Baka tayo pa kainin nito kapag 'di pa tayo umorder," nababagot niyang dagdag.
Alam kong ako ang tinutukoy niya. Hindi kasi ako sanay na hindi kumakain sa oras at alam niya 'yon dahil siya ang taga-luto sa bahay. Ayokong atakihin ulit ng ulcer. Baka sa susunod ay mabutas na talaga 'tong intestines ko sa sobrang pagpapalipas ng gutom.
"Mamaya na, bakla! Gusto ko pang panoorin maglakad si Fafa afam!" kinikilig pang sagot ni Lei, maging si Momoca ay namumula na rin ang pisngi sa kilig.
'Tss! Babae din naman ako ah? Pero bakit hindi ako naggaganiyan?'
"Bakit? Ano bang mayro'n at parang naglalaglagan ang mga panty ng mga babae't binabae dito?!" naguguluhang pang tanong ni Ari.
Hindi ko na lang sila pinansin. Nagugutom na talaga ako.
Nagtuloy lang sila sa pag-uusap at ito namang si Ari ay parang nakalimutan nang magutom dahil naaaliw na din siya sa mga kwento ni Lei at Momoca. Habang si Jin naman ay panay lang ang pag-i-ML.
'Wala bang bituka ang mga 'to?! Tsk! Gutom na ako!'
"Sinong fafa ba 'yan?" dinig kong pang-uusisa ulit ni Ari.
"May bagong transferee kasi dito sa campus natin. I forgot his name pero napakagwapo niyaaaaaa! Kyaaaaah! Katawan pa lang---mmmm! Ulam na!" tumitiling sagot naman ni Momoca.
'Tss. Bahala kayo, hindi mabubusog ang mga bituka niyo kakatili diyan!'
Padabog naman akong tumayo at hinawi ang mga taong nahaharang sa dinadaanan ko.
"Hoy! Hein, saan ka pupunta?!" habol na tanong ni Ari sa akin at nahuli niya ang pulsuhan ko kaya nahinto ako sa astang pag-alis.
"Gutom na ako. Kailangan ko ng kumain dahil baka magdilim pa ang paningin ko't makalimutan kong mga tao 'yan!" inis na sagot ko sa kaniya sabay turo doon sa mga babaeng parang hindi man lang nauubusan ng boses katitili.
'Bwesit! 'Pag gagawa ng eksena, kailangan talaga dito sa cafeteria?! Kung sino ka mang kinababaliwan nila, sana mahiya ka naman sa mga katulad kong nagugutom at walang interes sa'yo, gago ka!' bulalas ko pa sa isip.
"Okay, okay. Sige, umorder na tayo," sagot niya at tumayo na rin.
Sumunod naman sa amin sina Lei, Jin, at Momoca sa pila.
Hindi na ako nakapaghintay talaga kaya isiniksik ko na ang sarili ko sa mga tao.
"Excuse me, paraan. Excuse me," si Ari 'yan habang sinasabayan akong makiraan. May iba pang inis na tiningnan kami bago nagpaparaan.
"Hey! Ano ba?! What's wrong with you, cheap girl?!" sigaw no'ng isang babae na nabunggo ni Ari. "Don't touch me, you crazy little idiot!"
'Tss. Di pa nakontento sa 'cheap girl' ah? May 'crazy little idiot' pa talaga?! E, kung sapakin kita diyan? Idiot mo mukha mo!'
Nakapameywang namang humarap si Ari sa kaniya. "Sinabi ko ng 'excuse', 'di ba?! Puro kayo tilian diyan! At anong 'what's wrong with me' ? Ikaw ang may problema-----problema sa utak!" inis na sigaw ni Ari doon sa babae.
Mas lalo namang nagalit ang babae sa sinabi ni Ari kaya hindi din siya nagpakabog sa awra nitong kaibigan ko.
'Tss. Nagugutom na ako e! Ang dami niyo namang eksena!'
"Watch your words, cheap girl! Look at yourself, you're a loser!" At dinuro niya pa si Ari mula ulo hanggang paa. "Bakit ka nga ba nandito? Hindi ito ang lugar para sa mga mababang-uri'ng katulad mo!" sigaw no'ng babae sa kaniya at pinandilatan pa siya.
Nang astang lalapitan na sana ni Ari 'yong babae ay pinigilan ko kaagad siya. Pumapatol sa babae 'tong si Ari at ayokong lumaki pa 'yong g**o.
"Hoy! Ikaw ang magdahan-dahan! Kung makalait ka, akala mo naman kagandahan ka?! Maganda ka?! Hindi! Mas lamang ka lang ng ilang gluta sa akin! Kaya kung may cheap man dito, ikaw 'yon! Pati 'excuse me' hindi mo pa maintindihan!" inis na talagang sigaw ni Ari sa babae.
'Tsk. Ginatungan pa talaga! Engot!'
"Whatever, b***h! Get lost!" sigaw naman no'ng babae sa kaniya pabalik.
Hihirit pa sana si Ari pero pumagitna na ako sa kanila.
"Tama na. Hindi ako mabubusog kung papatulan mo pa 'yan," bulong ko sa kaniya.
"And who the hell are you?! Kasama ka din nitong madaldal na loser?!" Kahit nakatalikod ako sa kaniya ay batid kong ako ang tinutukoy niya. "Ooops! Hahahaha!" Hindi pa man ako nakakalingon ay agad na niyang itinapon sa akin ang dala niyang juice habang tumatawa pa.
'Peste ka! Bakit ang hilig niyong magsayang ng juice para lang itapon sa damit ko?! Palibhasa mga salapi ang hinihigaan niyo kaya ganiyan kayo mag-aksaya! Bwesit!'
Dahan-dahang dumausdos 'yong juice sa damit ko hanggang sa pants ko. Tuloy ay gusto kong magsusumigaw at magmura pero hindi ko magawa dahil ayokong patulan siya. Nanlalagkit na naman ang pakiramdam ko dahil sa pagkadami-dami no'ng juice na itinapon niya sa akin. Large, mayaman ang king ina!
Hinarap ko siya pero hindi pa rin ako nagsasalita. Lalong nag-iinit ang ulo ko sa mga pagmumukha nila, mga mapanghusga at matapobre!
'Tingnan natin kung hindi masira 'yang nail polish mo kapag pinalabhan ko sa'yo 'tong bagong bili kong t-shirt, istupida!'
"What?! Hahahaha! Are you mute?! Tititigan mo lang ba ako?!" nakangising tanong niya pa sa akin. "Oh come on! I know I'm beautiful, unlike 'you' and your loser 'friend-----"
"Alam mo, kung wala ka ng ibang alam gawin bukod sa pagiging narcissist at panlalait ng ibang tao, 'wag ka na lang magsalita. Hindi kasi maganda sa pandinig ko ang boses mo," seryosong putol ko sa kaniya.
'Nagpipigil lang ako, 'wag mong sagarin ang pasensya ko. Baka maiitsa na talaga kita!'
"Oh! Lumalaban na din pala ngayon ang isang walang-kwentang katulad mo?! Hahaha! You both look yourself in the mirror, para malaman niyo kung sinong mas higit sa atin, 'b***h'!" natatawa pa kunwaring sabi niya.
"Pakiusap, paraanin mo na lang kami, Miss. Ayaw namin ng g**o. Gusto lang naming kumain," pakiusap ko.
'Sakyan mo na ang pakiusap ko habang mayro'n pa akong natitirang bait sa katawan..'
Tiningnan niya pa muli kami bago tumabi para bigyan kami ng daan.
Nauna akong maglakad at nang,
"Awwwww!!!" atungal nilang lahat.
"That's gross, Cassy! Hahaha!"
"Look at her face! Hahahahaha!"
"Mas lalo tuloy siyang nagmukhang basura! Bwahahahaha!"
"Yuck!"
"I know right! You should know your place, girl!"
"Go back to the place where you belong! Hahaha----to squatter's area---"
"Isa pang salita mula sa inyo, may kalalagyan na kayo, mga king ina!" malakas na saway ni Ari sa mga estudyante kaya lahat sila ay natahimik.
Natapunan lang naman ako ng samu't saring ulam at pagkain dahil sa lecheng babaeng humarang kay Ari.
'Letse ka! Sinagad mo ang pasensya ko, kaya manigas ka ngayon!'
Nilingon ko siya at binigyan ng death glare. Matagal bago nakabawi 'yong babae sa pagkagulat.
'Tss. Ang dami pang tao! Dadami na naman ang mga bashers ko nito!'
"Ano, masaya ka na?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.
Nginisihan lang niya ako at medyo lumapit pa sa akin.
'Aba! Tibay!'
"Alam mo, dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin e...kasi dahil diyan sa ginawa ko, malalaman ng lahat ang dapat na kalalagyan mo," nakangisi niyang banat pero tiningnan ko lang siya sa mata. "Lumugar ka kasi! 'Wag kang paharang-harang sa daraanan ko!" nanlilisik na ang mga mata niya sa galit.
'Aba't siya pa ang galit?! Nahiya naman ako sa itsura ko ngayon!'
"Hindi ko kailangan ang tulong mo para ilugar ang sarili ko. Ang dapat mong tulungan ay 'yang sarili mo. Lumalampas ka na kasi sa teritoryo ko e," nakangisi ngunit seryosong sabi ko naman.
"Hahahaha!" At nagtawanan pa ang mga tao sa paligid.
'Mga buraot!'
"Shut uuuup!" sigaw niya sa kanila at saka muling lumingon sa akin. Mukhang napipikon na siya dahil namumula na ang parehong pisngi niya. Tsk. Tsk. Tsk. "You, dirty b***h!" At dinuro pa ako. "Ang kapal ng mukha mo! Teritoryo mo?! Aba! Bakit? Ikaw na ba ang bagong may-ari ng school na 'to?!" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. "Nakatapak ka lang sa isang magandang eskwelahan, e feeling mo naman mataas ka na tignan?! Hoy! Para sabihin ko sa inyong dalawa.." At tinuro pa kaming dalawa ni Ari. "Wala pa din kayong kwenta sa paningin namin! You are nothing but a trash in this scho---"
"Kung salot kami at mababang-uri, ano ka naman? Hindi ka na nga maganda, palaaway ka pa. Anong matatawag mo sa'yo?" nakangising tanong ko na ikinagulat niya.
"What did you just say?!" galit na tanong niya habang nakapameywang at halos ingudngod na niya ang mukha sa mukha ko, nanghahamon.
'Sige, mag-alburoto ka lang diyan! Kapag sumabog ka, baka matuwa pa ako!'
"Narinig mo na, hindi ko na kailangang ulitin pa," walang-emosyong sagot ko.
"Oh my god! Lumalaban si ate girl oh!"
"Go, Cassy! Patalsikin mo na sila dito!"
"Wala na talagang mas kakapal pa sa dalawang 'to, 'no?! 'Di ba sila 'yong mga nakabangga nina Azel no'ng first day?"
"Oo nga, sheyt!"
'Manahimik kayooooo!' sigaw ko. Siyempre, sa isip lang 'yon. Hindi ko ugaling mamugaw ng mga langaw.
"Ha! Talagang napakalakas ng loob niyong lumaban ah? Hindi na nakapagtatakang tinawag kayong mga squatters!" hirit pa no'ng babaeng kasama niya.
'Another group of mean girls. Tsk!'
"Oh e anong gusto niyo, hindi kami lumaban? Hindi kami si Magdalena para magpaapi lang sa mga babaeng impaktang katulad niyo!" sagot pa ni Ari.
"Could you please stop talking? Napakasakit mo sa tenga, loser! And please lang, 'wag niyong dalhin dito ang pagiging squatter niyo." At biglang pumasok sa eksena si Marga, 'yong nagpakilala sa akin na Queen Bee daw.
"Ano, may eksena ka rin?! King ina, ang dami niyong kuskos-balungos! Hindi pa ba kayo napapagod na kutyain at asarin kami araw-araw?" nauubusan na ng pasensya na tanong ni Ari sa bagong dating na si Marga.
Ramdam kong konting-konti na lang ay makikipagbuno na 'to sa mga babaeng kaaway namin. Tsk.
"And who are you to demand? I'm the Queen of----"
"Of all Queen Bees," putol sa kaniya ni Ari. "I know, we all know, Marga. Hindi mo na kailangan ulit-ulitin pa. Sino bang makakalimot sa ganiyang kabahong posisyon mo? E daig mo pa ang titser na nangangaral kung makapagyabang ka ah? At ano pa bang kailangan niyo? Gusto lang naming kumain dahil hindi kasing-tibay ng mga bituka niyo ang bituka namin!" galit na talagang asik ni Ari.
Hihirit pa sana siya pero inunahan ko na. "Please, excuse us. Ayaw namin ng g**o. Ako na ang nakikiusap," muli ko pang pakiusap pero inirapan lang ako no'ng Marga.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil lalo lang lalaki ang g**o kaya mabilis akong tumalikod at hinila ko paalis ng cafeteria si Ari nang bigla na namang umingay.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bebenta 'yong sinabi ko kay Marga, bahala na siyang mamatay kakaisip kung seryoso ba ako do'n o hindi. Ang mahalaga ay makalayas kami dito at sa labas na lang kumain. Maka-eksena lang, ba't ba?! Hahaha!
"Hein," mahinang tawag sa akin ni Ari kaya nilingon ko siya...at anong ginagawa ng isang 'yan dito?!
Dahil sa gulat ko, agad na nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin nang diretso sa lalaking nasa harap ko ngayon.
'Siya lang pala ang tinitilian nila kanina pa?!'
"Hein," malambing na tawag niya sa akin.
"Tss," mahinang singhal ko.
'Seryoso pala 'yong sinabi niyang nakauwi na siya. Hindi man lang nagpasabi na bibisita, gumawa pa talaga ng grand entrance. Tsk!'
"Oh my god! This can't be real!"
"They knew each other?!"
"I can't believe this! She's so lucky!"
"Don't tell me, parang nasa teleserye lang tayo? Na baka nag-aapi-apihan lang 'yang babaeng 'yan pero siya talaga ang pinunta dito ng prince charming natin?!"
"Shiiiiit! This can't be happening!"
"I can't stand this anymore! Why are they so fortunate?! Halos lahat ng hinahangaan natin ay nalalapit sa mga 'yan!" dinig ko pang bulungan nila at kusa akong napangiti sa likod ng mga teorya nilang 'yon.
'Tss. Ang oa niyo mag-react! Pangalan ko pa nga lang ang binanggit e, halos mabaliw na kayo. Paano pa kaya kapag nalaman niyo na ang relasyon naming dalawa? Baka masiraan na talaga kayo ng bait! Tsk. Tsk.'
"Hein," tawag niya ulit pero this time ay lumapit na siya.
"Wag kang lalapit," mabilis kong pigil sa kaniya at iniharang ko ang hintuturo sa pagitan namin.
"Pero, H-Hein---"
"Please. Madudungisan ka lang kapag lumapit ka," malamig na pakiusap ko at binigyan siya ng makahulugang-tingin.
Bumagsak naman ang parehong balikat niya sa ginawa ko.
'Hindi pa tamang panahon para ipakilala mo 'ko sa lahat, Jitat.'
Walang kagatul-gatol kong nilisan ang lugar na 'yon pero hindi pa rin ako nilulubuyan no'ng mga masasamang tingin nila habang naglalakad palabas ng cafeteria. Kasunod ko naman si Ari at ang tatlo.
"What the f**k?! Paano niya nagawang tanggihan ang ganiyang kagwapong nilalang?!"
"Pabida talaga e! Siya na nga nilapitan, siya pa may ayaw. Aba! Ang kapal talaga!"
"She's a silent b***h! Talagang gusto niya lang sumikat kaya niya ginagawa 'to! Tapos---oh my god! Kung ako 'yon, hindi ko talaga tatanggihan si pogiii!"
"Ang yabang! Akala mo naman kung sinong maganda! Basura lang naman dito 'yan!"
Bulungan na naman nila pero DINIG NA DINIG KO!
'Hindi ba talaga sila marunong bumulong?! Tsk.'
"I heard all of you." Kahit hindi ko lingunin, alam kong si Jitat 'yong nagsalita dahilan para mawala 'yong maingay na mga bulungan. "From now on, I don't want to hear any bad comments from you, especially when you're talking about that girl, ang babaeng tinawag niyong basura at kung anu-ano pa. Bad-mouthing other people won't make you prettier. So, please stop bullying her. That's a request, I hope you'll consider it," seryoso niyang dagdag at kusa naman akong napailing dahil do'n.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy-tuloy na lang sa paglalakad paalis.
"Tss. Hindi naman niya ako kailangang ipagtanggol sa mga 'yon. Kaya ko naman ang sarili ko," inis ko pang bulong sa sarili.
"Paano ba 'yan, mukhang may bagong superhero ka na? Mababawasan na rin ang pag-aalala ko nito," biglang anang ni Ariana nang makapasok kami sa isang bakanteng cr.
"Hindi niya naman kailangang gawin 'yon. Mas lalo niya lang pinapalaki ang g**o ko," walang-emosyon na sagot ko.
"Paanong lalaki? Eh kung nakita mo lang kanina kung paano nabahag 'yong mga buntot ng mga bakla't babae doon no'ng sinabi 'yon ni Jitat, matatawa ka na ewan. Sa sobrang pagkapahiya nila ay kaniya-kaniyang babaan na lang sila ng tingin. Tsk...tsk...tsk! Iba talaga kapag isang Che---"
"Tss," singhal ko dahilan para mapatitig siya sa akin habang nakangiti nang nakakaloko. "Kahit isa do'n sa mga sinabi niya ay wala akong nagustuhan. Sana 'wag niya na lang ulitin. Ayokong may nakikisali sa g**o ko, lalo na ang isang 'yon," dagdag ko at natawa naman siya inaasal ko.
'Sana lang 'wag lalong lumala 'yong g**o ko dito dahil sa ginawa mo, Jitat. Ayokong madamay ka pa. Tss!' sabi ko pa sa isip.
Napabuntong-hininga na lang ako sa naiisip habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin na nasa harap ko.
Azel's Pov
Nagising ulit ako nang makaramdam ako ng gutom.
'Anong oras na ba?'
Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang malaking wall clock sa dingding.
'8PM na?! Gano'n kabilis tumakbo ang oras? Tch.'
Hindi pa ako nagla-lunch, at wala rin akong hapunan kaya pala nagugutom na ako.
'Tsk!'
Ramdam ko 'yong pagdidileryo ng tiyan ko dahil sa gutom kaya nilibot ko ng tingin ang kabuuan nitong kwarto, nagbabakasakaling may mahanap akong pagkain. At nakita kong natutulog si Mommy sa tabi ko, si Nix at Kenta naman ay nasa sofa pero hindi agad nila ako napansin kaya ahan-dahan ko na lang tiningala ang ceiling, baka sakaling may mahulog na pagkain pero iba ang pumasok sa isip ko.
Si Kogami.
Sumagi sa isip ko ang ginawang pagsagip ni Kogami sa akin.
'Bakit mo 'ko tinulungan, Kogami? Hindi ko na tuloy maiwasang isipin ka. Tch!'
Halos napahawak pa ako sa hospital bed nang maalala ko ang mga sinabi niya bago ako nawalan ng malay.
FLASHBACK
"K-Kogami, n-natatakot a-ako." Lumunok pa muna ako bago nagsalita ulit. "B-Baka...b-baka b-balikan n-nila ako. B-Baka p-patayi--"
"Shhh," pigil niya sa akin at niyakap ako nang marahan. Hindi ko 'yon inaasahan kaya sobrang ikinagulat ko 'yon. Gusto ko siyang kwestiyunin sa ginawa niyang 'yon pero wala na talaga akong lakas upang magsalita. Ang totoo, pinipilit ko lang na ibuka ang namumungay ko ng mga mata dahil gusto ko siyang tingnan at kausapin habang malapit pa siya sa akin. Alam ko kasing pagkatapos nito ay babalik na ulit kami sa dati, mga aso't pusa. "Wag kang matakot. Nandito na ako. Hindi kita pababayaan, Shogo. Hindi kita iiwan. Kaya umayos ka dahil ayokong solohin ang ratatat ng Dean kapag umabot 'to sa kaniya," bulong niya.
'Yon na ang huling salita na narinig ko mula sa kaniya bago ako tuluyang nawalan ng malay.
END OF FLASHBACK
"s**t! s**t! s**t! Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to, Kogami?!" inis na sigaw ko at hindi naman magkandaugaga si Mommy nang marinig ang sigaw ko.
Maging sina Nix at Kenta ay nataranta din. Gulat silang lumapit sa akin at hinawakan ako.
"What's wrong, son?! May masakit ba sa'yo? Anong nangyari?!" Halos maiyak na si mommy sa sobrang pag-aalala.
Tiningnan ko lang siya pati na ang papalapit na sina Nix at Kenta, halatang nag-aalala rin.
"Dre, ayos ka lang?" tanong naman ni Nix sa akin.
Tumango ako. "O-Oo, ayos lang ako. Nagugutom na ako. Pasensya na," palusot ko na lang.
"Naku! Mabuti na lang at nagpaluto ako kay yaya kanina at ipinadala ko dito sa daddy mo," singit ni Mommy at dahan-dahan naman akong inakay paupo ni Nix.
'Ang tahimik yata ni Kenta ngayon? Hmm. Parang may something sa isang 'to.'
"Kumain na rin ba kayo?" maya maya'y tanong ko sa dalawa habang sinusubuan ako ni mommy.
Nahihirapan pa akong kumain mag-isa dahil halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa sobrang pagkakaputok. Ramdam ko pa rin 'yong pamamaga ng buong mukha ko.
'Tch! Mga gago 'yon, mukha ko ba naman ang tinira?! 'Wag na kamo silang babalik dahil sisiguraduhin kong mabubura sila sa mundong 'to!' inis ko pang sabi sa isip.
"Kumain na kami, dre," sagot ni Kenta.
'Himala yatang naging seryoso 'to? Hindi ako sanay. Ano kayang mayro'n?'
Gusto ko siyang tanungin pero mukhang hindi ko pa kayang makipagdaldalan sa kaniya. Magpapagaling muna ako saka ko siya kukulitin.
Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang inaakto niya ngayon na batid kong alam na din ni Nixel 'yon.
Sa gitna ng pagngunguya ko ay biglang nagflash na naman sa isip ko kung paano nagawang takutin ni Kogami 'yong mga bumugbog sa akin kahit na wala naman siyang ginagawa. And worse, wala pa siyang dalang kahit anong pangdepensa.
'Sino----ano ka ba talaga, Hein?'
Matagal ka nang naging palaisipan sa akin. Kung paanong hindi ka natakot sa akin noong first day, kung paano ka makipag-usap sa mga hindi mo kakilala, at kung bakit ganiyan ang personalidad mo?
Maski isa ay wala akong makalap na sagot. Gustong-gusto kitang tanungin kaso inuunahan lagi ako ng pride at ego ko. Bakit ang lakas ng impact noong mga sinabi mo sa akin kanina? At mas lalo mong ginugulo ang isip ko sa tuwing nagkukrus ang mga landas natin.
'Ano nga bang pakialam ko sa'yo?! Samantalang kaaway lang naman kita?! Tsk.'
Natigil ako sa pag-isip nang biglang nag-ring ang phone ko.
Si Kate.
"Mom, Kate is calling. Sasagutin ko lang muna," paalam ko kay Mommy at tumango naman agad siya bilang pagsang-ayon habang nakangiti pa.
'Napaka-supportive talaga ng mommy ko!'
Nginitian ko pa muna siya bago ko sinagot ang tawag ng babaeng mahal ko.
"Hello, Babe?" masayang sagot ko sa tawag.
"Babe, how are you? I'm really sorry for what I acted kanina sa school. Hindi ko lang kasi akalaing pinag-aaksayahan mo pa ng panahong kausapin 'yung Kogami 'mo'," mahinang saad niya mula sa kabilang linya.
'Mmm. Mukhang nagseselos nga ang Babe ko!'
"Nagseselos ka ba sa kaniya, Babe?" malambing na tanong ko sa kaniya.
Hindi naman agad siya nakasagot pero narinig kong bumuntong-hininga siya.
"Babe?" tawag niya sa akin.
"Yes, Babe?" masigla namang sagot ko.
"Sorry kung umalis ako diyan ngayon. Kakauwi lang kasi ni Daddy mula sa States kaya kailangan kong umuwi agad dito sa bahay. But don't worry, pupuntahan kita diyan bukas. Magpapaalam lang ako kay Daddy."
"Ayos lang, Babe. Pakibati ako sa 'future daddy ko'," biro ko pa.
"Okay," malamig niyang sagot saka ibinaba na ang tawag.
'Ano 'yon? Bakit ang cold mo bigla, Babe? May nangyari ba?' nagtatakang tanong ko sa isip at tinitigan ko pa saglit ang screen ng telepono ko.
Naiwan akong nag-iisip buong magdamag hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Itutuloy...