Episode 1: Ang Simula

234 Words
Kringg,kringg! ang aking orasan sa tabi ay nagsisigaw na naman. Tinatamad akong bumangon sa aking kama sa kadahilanang umuulan at medyo malakas ang ihip ng hangin at ramdam sa loob ng kwarto ang lamig kaya naman nagkumot nalang ako at pinikit ang aking mga mata. Ngunit ako`y biglang tumayo at nagbihis agad-agad dahil ngayon pala ang unang pasukan sa aming paaralan. Bago ako umalis ay binuksan ko muna ang cellphone baka may nag me-message na mga kaibigan ko, pero walang paramdam kaya`t inisip ko na lamang na baka nagsimula na ang unang aralin sa klase. Dali-dali akong pumasok sa aking kotse at kahit masungit ang panahon ay nag drive ako para makaabot sa klase. Hayy, 7:30 na at nagmamadali akong pumasok sa room namin, room 1-11. nasa ikatlong palapag ito kaya naghihingal ako sa pagtpak sa bawat hagdan. Habang naglalakad ay napansin ko na parang nagpapatay-sindi ang mga ilaw ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. Sa wakas! Nakita ko na rin at nasa dulo ito. Ang silid-aralan namin ay may dalawang pintuan; sa harap at likod nito at walang bintana kaya hindi mo makikita kung ano ang nasa loob. Nahihiya akong buksan dahil sa late na ako, pero kailangang gawin. Lalong lumakas ang hangin at ulan nang dahan-dahan akong naglakad at nang makalapit ako sa pintuan ay dahan-dahang itong kusang bumukas. Nanlaki ang aking mga mata sa aking mga nakita….. -D PSYCHO PEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD