Good morning Sir Dev!wika ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin at dumiretso sya sa kanyang table. Baka hindi nya lang ako napansin at ngumiti nalang ako habang sinusundan siya ng tingin. Nakasuot ito ng puting sleeve at itim na slacks at leather shoes. Hindi ko sya nakita ng harapan pero siguado akong may suot syang eyeglass.
Hindi ako makapaniwala at sinasabi ko sa sarili ko na panaginip lamang ito. Nakabukas ang ilaw at ang TV sa harapan habang ito ay nagpapakita ng bidyo. Ang mga inaasahang kong mga kaklase na nandito ngayon ay wala ni isa sa kanila ang pumasok. Isang text message ang nag notify sa aking cellphone. We don`t have meetings today and the class is suspended, sabi ng adviser namin. Bigla akong napatanong sa sarili, eh sino yung teacher na binati ko kanina? Sa mga oras na ito ay natatakot ako sa mga pangyayari ngunit sa kagustuhan kong malaman ang bawat kaganapan ay minabuti ko na magpatuloy sa office ng aking guro.
Upang mapuntahan iyon ay kailangan kong humakbang ng ilang beses dahil ito ay nasa likod at naharangan ito ng bookshelf. Sa unang hakbang pa lamang ay biglang nagsara ang pintuan sa harapan at nag off ang TV kasabay ang pagpatay ng ilaw. Naging madilim ang paligid kaya hindi ko na naituloy pa ang pagpunta upang tignan si Sir. Pinagpapawisan at tumitinig ang balahibo ko sa mga nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nang tumakbo, pero hindi ko magawa ewan ko kung bakit, naiiyak na ako. Biglang nagvibrate ang cellphone kaya tinignan ko ito. Sis walang pasok ngayon ha, slr napasarap sa tulog kasi lakas ng ulan at malamig pa hihihi, ani ni Nheylle. Nandito ako ngayon sa school sabi ko at Kukuha ako ng litrato para isend sa kanya. Pagbukas ko ng camera ay agad na sinend ko sa kanya. Bigla na lamang akong sumigaw, tulong!!!! Napaatras na lamang ako ng dahan-dahan dahil ayaw kong tumingin sa aking likuran baka kung ano pa ang aking makita. Biglang lumitaw sa akin ang isang lalaki sa harapan ko na may bahid ng dugo ang kanyang puting sleeve at may hawak ng kutsilyo na may bahid din ito ng dugo ito sa kanyang kanang kamay. Kumaripas ako ng takbo para lumabas habang hinihingal ngpaghinga at naabot ko nga ang pintuan ay…………………………..
Nakasara ang pintuan..........
Ito ang mga huling sandali ago ang mga di inaasahan na pangyayari.